HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 4, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 4, 2010 Book Release   Wed Aug 04, 2010 2:49 am

1. PHR 3491 The Test Of True Love by Mae Axel Manzano


Buo ang tiwala ni Eucelle sa nobyong si Steno. Pero nawala ang lahat ng iyon nang makita niyang ikinakasal ito sa ibang babae. Her heart shattered into pieces. She loved him so much and she thought he felt the same way.
Pagkatapos ng limang taon ay bigla na lang nagbalik ang binata at muling ginulo ang buhay niya. Muli ay pinapatunayan nitong ito pa rin ang may hawak ng puso niya. The pain in her heart was still there… but so was her love for him…

2. PHR 3492 Don’t Ask My Heart Why by Haze Prado


Kung hindi lang atas ng tungkulin, hinding-hindi kakausapin ni Allesandra si Miguel, ang apo ng may-ari ng kompanyang pinaglilingkuran niya, para himukin itong pamahalaan iyon. Antipatiko kasi ito at tila laging nais nitong subukan ang pasensiya niya. Parang nananadya pa, kasama sa kondisyon nito sa pagpayag na pamahalaan ang kompanya ang paghiling nito na siya ang maging sekretarya nito. Dahil hindi naman niya mapapahindian ang kagustuhan ng may-ari, ngayon pa lang ay nag-iipon na siya ng sangkaterbang pasensiya para ma-tolerate niya ang presensiya ng binata.
Pero nang magkasama sila, hindi niya inasahang “mag-iipon” uli siya. Pero sa pagkakataong iyon, mukhang ibayong self-control ang kailangan niyang ipunin dahil natuklasan niyang mahirap i-resist ang karisma nito…

3. PHR 3493 Because You Love Me by Jessica Sison


Dahil sa “pagwawala” ni Kayleen sa isang club ay kinailangang ilayo siya sa publiko ng kanyang mga magulang para hindi masira ang pangalan ng kanyang ama na tumatakbo bilang presidente ng Pilipinas.
She was stuck in some godforsaken place with a godforsaken alpha jerk—si Vince, ang itinalaga ng papa niya na maging bodyguard niya at ang lalaking malakas ang loob na alilain siya. She loathed him. But she found herself falling for him—her insufferable yet lovable bodyguard.
Hindi niya naagapan ang sariling tuluyang mahulog dito. Subalit paano kapag nalaman niya ang katotohanan sa katauhan ni Vince? When bitterness and hate consumed one, and vengeance had been long planned, would there still be a place for love?

4. PHR 3494 Wanted To Be Your Man by Haze Prado


Unang beses pa lang na nakita ni Patricia si Joshua ay hindi na naalis ito sa isip niya. Naging madalas ang pagkikita nila at naging malapit sila sa isa’t isa. Ramdam niya, she was falling for him already. At tila ganoon din ito sa kanya kahit walang binabanggit ito na anuman sa kanya.
Lubus-lubos na sana ang kasiyahan niya kung hindi lang niya nalaman na ipinagkasundo siya ng daddy niya na ipakasal sa anak ng matalik na kaibigan nito. Hindi niya alam kung paano nagawa ng daddy niya sa kanya ang ganoon kung kailan may napupusuan na siyang lalaki.
Bugso ng pagrerebelde ng kalooban, nang muli silang magkita ni Joshua ay hinayaan niyang makalaya ang damdamin niya. She willingly gave herself to him. Gusto niyang maramdaman kahit paano ang kasiyahan sa piling ng lalaking mahal niya.
Pero sa kung anong biro ng pagkakataon, ganoon na lang ang gulat niya nang sa wakas ay makaharap niya ang lalaking ipinagkasundo sa kanya at ang pamilya nito. Naroon si Joshua, at kapatid nito ang nakatakdang pakasalan niya…

5. PHR 3495 My Heart Loves You Still by Dream Grace


Three years ago, nagpakasal si Shaye sa isang lalaking walang pagmamahal sa kanya. Batid man niyang ang pagpapakasal niya kay Jean-Luc ay isang “business arrangement,” hindi pa rin maiwasan ng puso niyang lihim na nagmamahal dito na umasang darating ang araw na matututuhan nitong mahalin siya.
Subalit sa loob ng tatlong taon, maliban sa regular na pagbisita nito sa lola nitong inihabilin nito sa kanya ay wala nang iba pang naging progress ang relasyon nila. Daig pa niya ang isang empleyadong binabayaran lang nito para samahan ang lola nito. Nagsawa na ang puso niya sa paghihintay.
Ngunit nang handa na siyang hingin ang kalayaan niya at sumubok magmahal ng iba, siya namang pagkasangkot nito sa isang aksidenteng bumura sa katumbas ng apat na taon ng mga alaala nito. Sa isang iglap, isang pinto ang nagbukas sa kanya nang mabunyag sa lahat ang tungkol sa secret marriage nila. Bigla ay nagkapuwang siya sa buhay nito. Sa isip nito ay asawa siya nito kaya sa piling nito ang lugar niya.
Pero paano kapag nagbalik na ang alaala nito? Pasasalamatan kaya siya nito dahil ginampanan niya ang tunay na parte niya sa buhay nito, o itutulak uli siya nito palayo?

6. PHR 3496 Paradise And You by Lace


Pumunta si Rachel sa isang malayong probinsiya para mamasukang housekeeper dahil may pinagtataguan siyang tao sa Maynila. Doon niya nakilala ang pinakaantipatiko at pinakamayabang na lalaking nakatagpo niya sa buong buhay niya—si Alexander Fajardo. Sa kamalasan ay ito pala ang bagong amo niya at napag-alaman niyang certified woman-hater ito at galit sa mundo. Pero nagtataka siya dahil apektado siya ng presensiya nito at naku-curious siya sa nakaraan nito.
Halos hindi niya namalayang nahuhulog na pala ang loob niya rito, lalo na nang minsang iligtas nito ang buhay niya.
But she was wary; Alexander Fajardo had his own demons and she was not sure if she could be his saving grace. Pero bakit gusto niyang subukang sagipin ito kahit wala naman itong ipinapakitang interes sa kanya beyond his desire for her na hindi naman nito ikinakaila?

7. PHR 3497 Kings Nest: Chreine Sta. Ynez by Aisa Sierra


Naglayas si Phoebe dahil sa pamimilit ng ama niya na ipakasal siya sa isang business partner nito. Nagpunta siya sa isang kaibigan niya at tinulungan naman siya nitong makahanap ng trabaho.
Naging amo niya ang guwapong kapatid ng kaibigan niya—si Chreine—na isang miyembro ng King’s Nest, isa sa mga kilalang leisure clubs sa Pilipinas.
Noong una ay ayaw pa niyang aminin sa sariling mahal na niya ang binata. Ngunit nang masabi niya sa sariling mahal na niya ito ay saka naman niya nalaman ang isang bagay na isinesekreto nito sa kanya.
Paano pa matutuloy ang happy ending na pinaplano niya para sa kanila?
Back to top Go down
 
August 4, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Team Tournament @ Thompson on 26th August (New Banlist)
» Saath Nibhana Saathiya Written Update - August 5th

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: