HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 28, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 28, 2010 Book Release   Wed Jul 28, 2010 1:23 am

1. PHR 3484 Beautiful Music by Kayla Caliente



I am such a loser. Iyon ang pakiramdam ni Joyce.
Lahat na lang kasi ng sinisimulan niyang negosyo ay nalulugi. Dagdag pa sa kumukunsumi sa kanya ang pakikialam ng lola niyang desperadang pasiglahin ang kanyang love life. Feeling lost and confused, she decided to find peace for herself. At natagpuan niya iyon sa isang liblib na probinsiya.
Sa paglulungga niya roon ay hindi lang katahimikan ang nasumpungan niya kundi ang isang dating idolo niya, si Cliff Evans. At kagaya niya, mukhang may tinatakasan din ito sa magulong mundo.
For the first time in a long while, she felt excited over something again. Sa pagnanais niyang maka-up close and personal ang lalaki ay nagprisinta siyang maging housekeeper nito.
Sa kabila ng paghanga niya rito ay hindi niya inasahan na sa pagitan ng pagtatanggal ng mga sapot sa bahay na tinitirhan nito at sa pagliligpit niya ng sangkatutak na kalat ay makakadama siya ng kakaibang kilig para dito.
Pero kung kailan close na close na sila ay saka naman sumulpot ang babaeng unang nagmay-ari sa puso nito. Ano ang laban niya roon?

2. PHR 3485 Somewhere in My Heart (Tales Of The Traveling Bling) Camille by Rose Tan


Sa kagustuhan ni Camille na mabawi ang pagmamahal ni Albert ay nagpasya siyang sundan ito sa Maynila. Para maisagawa niya iyon ay tinulungan siya ng kaibigan niyang si Race. Mahal daw siya nito kaya bukod sa lumang bracelet na diumano ay masuwerte, binigyan din siya nito ng bodyguard sa katauhan ng pinsan nito na si Prudencio.
Maskulado, balbas-sarado, may six-pack abs, at kanais-nais na pang-upo si Prudencio. Pero higit pa sa mga katangiang iyon ang kakailanganin ng isang lalaki para pagnasaan niya. Ang type niya ay iyong mukhang diplomat at hindi kagaya ni Prudencio na mukhang kalaban ng diplomat.
Pero bakit bigla na lang siyang pumayag na mahalikan nito?

3. PHR 3486 My Angel by Belle Feliz


Dumating si Jeremiah sa buhay ni Jacyl na tila anghel na sugo ng Diyos. Binigyan siya nito ng pag-asa, ng rason upang patuloy na mabuhay. Dahil sa tulong nito, nakabangon siya mula sa lusak at nagkaroon ng bagong buhay.
Umibig siya rito. Hindi naman maiiwasan iyon. Ito na yata ang pinakamabuting tao na nilalang ng Diyos. Ito na rin yata ang pinakaguwapong lalaki sa buong mundo.
Ngunit kahit gaano niya kamahal ito, alam niyang hindi sila para sa isa’t isa. Lalo na kapag nalaman nito ang isang lihim niya na kanyang pinakatatagu-tago…

4. PHR 3487 Love Overdue by Maricar Dizon


Anicko planned to get married at twenty-six. Mukhang hindi naman mahirap matupad iyon. Ang sabi nga ng mga kaopisina niya: “Hindi ka nawawalan ng karelasyon. Kahit hindi mo sila mahal, sige ka lang nang sige.” Still, that dream seemed to elude her.
Nalaman niya ang dahilan nang dumalo siya sa get-together nila ng mga high school classmates niya. One of those who attended was Iggy, the lonely and mysterious boy—the first love of her life, but only get to love from afar.
Napagtanto niyang si Iggy lang talaga ang hinihintay niya upang lumigaya uli siya. Ngunit katulad ng dati, tila kay hirap pa ring abutin ito.
Hanggang kailan maghihintay ang puso niya rito? Hanggang kailan niya mamahalin ito nang lihim?

5. PHR 3488 Searching Forever by Celina


Dahil sa pagtanggi sa kagustuhan ng kanyang ama na maipakasal sa lalaking magsasalba raw sa nalulugi nilang kompanya ay tumakas si Sassa para magpakalayu-layo.
Alam niyang masakit sa kanyang ama ang ginawa niya pero ayaw naman niyang isakripisyo ang kaligayahan niya.
Sa lugar na pinuntahan niya ay nakilala niya si Jason. Noong una ay arogante ang tingin niya rito, ngunit sa kalaunan ay natagpuan na lamang niya ang sarili na gusto niyang kasama ito parati. Ito ang nagbigay-ligaya sa buhay niya at alam niyang nahuhulog na ang loob niya rito.
Ayaw niyang isangkot ito sa kanyang problema kaya habang maaga pa ay iniwasan na niya ito. Ngunit lalong nadagdagan ang problema niya dahil may kaugnayan pala rito ang lalaking nakatakdang ipakasal sa kanya ng kanyang ama…

6. PHR 3489 No Matter What by Camilla


Naipit si Rio sa pagitan ng kanyang tungkulin bilang alagad ng batas, obligasyon sa kanyang pamilya, at pag-ibig. Ngunit mas pinili niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan kaya iniwan niya ang kanyang nobyong si Danes nang wala man lang malinaw na paliwanag.
Ngunit nang pagtagpuin uli sila ng tadhana at kailanganin nito ng proteksiyon mula sa kanya, muling nagulo ang kanyang puso at isip.
Sa pagkakataong iyon, kakayanin ba niyang muling malayo at mawala ito sa kanya? O mas mananaig ang sigaw ng kanyang pusong ni minsan ay hindi nakalimot magmahal dito?

7. PHR 3490 The Innocent’s Dark Seduction by Jennie Lucas (translated by Iris Anne)


A gold digger.
Iyon kaagad ang hula ni Roark sa pagkatao ni Lia—na pera ang nagpapatakbo sa buhay nito, isang babaeng handang ikalakal ang katawan kapalit ng kayamanan. Kung hindi ay bakit ito magpapakasal sa isang lalaking triple ang agwat ng edad dito?
Lia’s husband of ten years had only been dead for two weeks when Roark gate-crashed the auction party she was hosting.
Ang pakay ni Roark kay Lia ay bilhin dito ang isang lupain na pagtatayuan ng magiging pinakamalaki niyang proyekto sa buong buhay niya. Isa siyang land developer at aalukin niya ito ng halagang hindi matatanggihan ng isang mukhang perang babaeng kagaya nito.
He seduced her when she refused to sell him the property; Lia found him extremely desirable.
But imagine his shock when he discovered that Lia was still a virgin.
Paano nangyari iyon?
Back to top Go down
 
July 28, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» New Schleich for me on july 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: