HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 21, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 21, 2010 Book Release   Wed Jul 21, 2010 2:45 am

1. PHR 3478 Here I Am by Victoria Amor


Sugatan na nga ang puso ni Janni—dahil ang magaling niyang boyfriend at best friend ay nagkaibigan at pinagkaisahang gawin siyang tanga—ay nanganganib pang mawala sa ere ang programa niyang Ghost Experience sa DWS radio station. Mabuti na lamang at nasa tabi niya lagi si Dale, ang kaibigan ng pinsan niya na sa tuwina ay nagbibigay sa kanya ng aliw at lakas ng loob.
Hindi niya mapapayagang alisin ang programa niya dahil legacy pa iyon ng kanyang lolo. Kaya kailangan niya ng bagong twist para tumaas ang ratings ng programa.
Pero bago pa man siya makaisip ng gimmick para sa ikasasalba ng programa ay dumating si Hearttaker, ang misteryosong caller niya. Inilahad nito on air ang isang kuwentong hindi lang tungkol sa ghost kundi tungkol din sa isang love story na diumano’y hango sa karanasan nito. Iyon na ang simula ng pagtaas ng ratings nila dahil sa gimmick nitong kinagat ng mga listeners niya.
Subalit mayroon siyang ipinagtataka: magkapareho ang tunog ng tawa nina Hearttaker at Dale. Kaya naman nang hilingin nitong magkita sila ay pumayag siya. Gusto niyang kumpirmahin ang kutob niya.
Handa na ba ang puso niya sa sorpresang dala nito?

2. PHR 3479 Haplos Ng Isang Kahapon by Jennifer June


Six years ago, Cade rejected Veronica’s love for him. Sinabi pa nito na hindi siya nito mahal at kailanman ay hindi minahal. She didn’t want to believe him. Mahal siya nito. Hindi iyon maipagkakaila ng halik nito. Ngunit matigas na sinabi ni Cade na ibaling na lang niya ang pagmamahal niya sa iba. Sumumpa si Veronica na darating ang araw na ito naman ang maghahabol sa kanya at siya ang mang-iiwan dito.
Now it’s payback time. Ipamumukha niya rito na she was over him. Tutuparin niya ang mga binitiwan niyang salita noon dito. Ngunit paano kung ayaw makisama ng puso niya?

3. PHR 3480 Mahal Kasi Kita by Elizabeth McBride


Nasaktan si Bella nang mahuli niya ang kanyang nobyo sa kandungan ng ibang babae. Ang akala niya ay mababaliw na siya dahil doon. Ngunit naroon ang kaibigan niyang si Ryder, handa siyang alalayan.
Nang magtungo sila sa resort ng pamilya nito sa Laguna, wala sa hinagap niya na magpapabago iyon hindi lang ng pananaw niya sa buhay kundi pati ng itinitibok ng puso niya.
Sa bawat araw na magkasama sila ni Ryder ay lalo niyang nakikita ang magagandang katangian nito. At ipokrita siya kung itatanggi niyang nahuhulog na ang loob niya rito. At nang magsalo sila sa isang halik, batid niyang may nararamdaman din ito sa kanya.
Ngunit nang komprontahin niya ito, pakiramdam niya ay nadurog ang puso niya nang sabihin nitong walang anumang kahulugan dito ang halik na iyon…

4. PHR 3481 Lumang Psio Para Sa Puso: Pisong Kasal by Vanessa


Isa lang ang pakay ni Carla kung bakit niya inalok ng kasal si Romulo. Iyon lang kasi ang paraan para makuha niya ang pagkapangulo ng kompanya. She knew he would be in deep trouble, too, if he did not marry her. In short, it was a marriage of convenience.
he couldn’t see anything good about her husband, except for his body and face. He was a spoiled, lazy son of a gun! He was a boy trapped in a man’s body! Ang mga katangian nitong iyon ang ayaw na ayaw niya sapagkat siya ang tipo ng taong dekada nang hindi nagbabakasyon mula sa trabaho.
Ngunit dumating ang pagkakataong kapwa sila nalagay sa peligro nang ma-kidnap sila. It was a real game of survival. And her husband proved that he was a man and not a boy. She fell for him. But how would the man fall for her when he thought she was nothing but a greedy, alpha female, who had sold her soul just to be on top?

5. PHR 3482 Cupid’s Trick by Gypsy Esguerra


College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dahil hindi ito naniniwala sa pag-ibig. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin nitong handa na itong sumubok sa larangan ng pag-ibig. At gusto pa nitong tulungan niya itong ligawan ang babaeng gusto nito! Hay, kung magbiro nga naman ang tadhana!
Para hindi na lang siya masaktan, pinili niyang umiwas na lang dito. Doon naputol ang ugnayan nila.
Ngayon, pagkalipas ng maraming taon ay bigla na lang itong sumulpot sa gabi ng birthday niya, telling her na ito ang secret admirer na nagpapadala sa kanya ng paborito niyang blue roses na may kasamang sweet quotes.
She realized he still had the same effect on her. Ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Sa pagkakataong iyon, matutupad na kaya ang matagal na niyang pangarap na mahalin din siya nito?

6. PHR 3483 Campus Girl: Chloe, The Idealistic Chick by Heart Yngrid


Chloe had a big secret. Five years ago, she slept with a man accidentally! Ang masama pa, ang lalaking kinaiinisan niya ang nakakuha ng kainosentihan niya—si Ruan Gonzales na wala nang idinulot sa kanya kundi disgrasya.
Hindi niya inakala na muling magkukrus ang mga landas nila. Ito ang boyfriend ng kapatid ng nobyo niya. Nakiusap siya rito na huwag na sana nitong ipaalam sa kanya-kanyang kasintahan nila ang nangyari noon. Pero ang buwisit na lalaki, walang ibang alam na ipang-asar sa kanya kundi ang sekretong iyon!
Ang akala niya ay wala nang mas titindi pa sa malupit na sekretong kailangan nilang itago. Mayroon pa pala. Na-in love siya rito at kailangan niyang itago iyon dahil magiging komplikado ang sitwasyon kapag naisiwalat iyon.

7. Bud Brothers Unlimited Series 10: The Bloomer Bandits (An Introduction)
by Rose Tan


Ang manakawan ng underwear ang huling bagay na iisipin ni Mertie na mangyayari sa pagbabakasyon niya sa isang malaparaisong resort. But some pervert took her panties. Subalit binale-wala na niya ang nangyari nang makilala niya si Tarquin, ang lalaking tumupad sa lahat ng romantic dreams niya—kaya naman within twenty-four hours ay in love na siya rito.
Pero naglalaro lang pala si Tarquin. Nahuli niya itong may kaulayaw na ibang babae. Bukod doon, may iba pa siyang natuklasan tungkol sa binata: Ito ang nagnakaw ng underwear niya!
Tarquin was the bloomer bandit.
Ah, hindi niya mapapatawad ito kahit ipadala pa nito sa kanya ang buong Bud Brothers Flower Farm. Hinding-hindi!
Kaya ba pumayag siyang maging phony bride nito?

Back to top Go down
 
July 21, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» New Schleich for me on july 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: