HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 14, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 14, 2010 Book Release   Tue Jul 13, 2010 10:09 am

1. PHR 3471 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Pikot by Vanessa


Isang knight in shining armor na doktor, magandang lalaki, at nagtataglay ng magagandang katangian ang darating sa buhay ni Bang. Iyon ay ayon sa nabasa sa baraha. Kaya nang dumating sa buhay niya ang isang doktor—kahit hindi ito direktang nakatingin sa kanya ay gumawa siya ng paraan upang maging nobya nito. Hindi siya nabigo.
Ngunit nagsimulang maiba ang guhit ng tadhana—at hindi siya makapapayag doon. Kailangang masunod ang unang sinabi ng baraha na sila ng doktor ang magkakatuluyan kaya pinikot niya ito.
Ngunit kinailangan niyang masaktan bago niya maunawaan na nagkamali siya. Hindi dapat asahan ang baraha sa buhay niya…

2. PHR 3472 Loving You Is Another Temptation I Can’t Resist by Majesty Roque


Kung noon ay mariwasa ang buhay ni Ammay, kabaligtaran na iyon ngayon. Kailangan niyang magbanat ng buto para sa kanila ng kanyang ina na may sakit. Ngunit minalas pa siya nang maaksidente siya sa paghabol lang sa sukli niya sa jeep na nakalimutang ibalik ng driver.
Nagkamalay siya sa ospital at hindi niya akalaing ang nakabangga sa kanya ay ang lalaking una at huling nagpatibok sa puso niya—si Duard. Ito ang lalaking nagprisintang maging Mr. Right niya noong nasa kolehiyo pa siya. At ito rin ang dumurog sa batang puso niya.
Pero naramdaman niyang ito pa rin ang itinitibok ng puso niya kaya madali na naman siyang na-in love dito. Sa pangalawang pagkakataon ay alam niyang nagtagumpay na siya. Ngunit nagkamali siya—dahil nasaktan pa rin siya. Ang karibal niya sa puso nito noon ay karibal pa rin niya ngayon…

3. PHR 3473 Meant To Be My Hero by Janikka Bernardo


Isang pangako ng pag-ibig ang dahilan ng pagbabalik ni Ellise sa Pilipinas. Ngunit ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang malaman niyang ang lalaking nangakong magmamahal sa kanya ay may iba nang nagmamay-ari.
Dala ng sama ng loob ay muntik na siyang maaksidente sa daan. Doon niya nakilala si Bryan, ang guwapong vocalist ng bandang Southern Fever. Tila itinalaga ito ng tadhana na maging tagapagligtas niya. Dahil nang muntik na naman siyang mapahamak, naroon uli ito, iniligtas siya.
Hindi si Bryan ang tipo ng lalaking magugustuhan niya, tiyak niya iyon sa kanyang sarili. Ngunit bakit tuwing makukulong siya sa mga bisig nito, napapanatag ang kalooban niya? Pakiramdam niya ay walang makakasakit sa kanya habang naroon ito…

4. PHR 3474 Let's Make A Brand-new Start by Janelle Kim


Mahirap lang ang pamilya ni Bianca kaya ayaw ng tatay niya na makipagrelasyon siya sa isang mahirap na lalaking kagaya ni Joshua. Pero lihim na sinuway niya ito. Nagmamahalan sila ni Joshua at nakahanda siyang ipaglaban ang pag-ibig niya rito.
Pero nang mangailangan sila ng malaking pera para sa kaligtasan ng kanyang ina ay tinulungan sila ni Edward, ang mayamang manliligaw niya na gusto ng tatay niya para sa kanya.
Pikit-matang nakipaghiwalay siya kay Joshua at sinagot niya si Edward. Iyon ay kahit si Joshua pa rin ang laman ng puso’t isip niya. Tiniis niya ang matinding galit na ipinadarama nito sa kanya.
Ngunit sadyang matigas ang kanyang puso. Anumang pagdidikta ang gawin niya para ibigin niyon si Edward ay si Joshua pa rin ang hinahanap at isinisigaw niyon. Muli ay sinuway niya ang kanyang ama. Nakipagkalas siya kay Edward at binalikan niya si Joshua.
Parang may bombang sumabog sa harap niya nang sabihin nitong hindi na siya mahal nito at nakahanap na ito ng iba.

5. PHR 3475 For Reel And For Real by Raphaela Kristina


Limang taon ding namayagpag ang love team nina Bliss at Enzo sa ere. They even reached a point where they became the hottest love team in Philippine showbiz. Theirs was one of the few pseudo love teams that worked. Yes, their love team was a fraud! Dahil kung gaano sila ka-sweet on camera, ganoon naman sila katabang off cam. Ni hindi nga sila nagpapansinan sa set.
Ngunit natapos ang glory days ng kanilang love team nang mapagdesisyunan ni Enzo na iwan na nang tuluyan ang showbiz na naging dahilan din ng paglamlam ng career ni Bliss. At hindi lang iyon ang sinira nito, kundi pati rin ang puso ni Bliss—for she had been loving him discreetly all these years.
After two more years, he agreed to do a comeback movie… with her! And seeing him for the first time after two years, na-realize niya na wala pa ring nagbago. Suplado pa rin ito!

6. PHR 3476 Romancing Sunday Rose by Claudia Santiago


Galit si Sunday sa mga lalaki dahil sa pag-aabandona sa kanilang mag-ina ng kanyang ama. Kaya nang lokohin ng nobyo nito ang pinsan niyang si Candice ay siya na ang gumanti para dito. Nang makita niya sa isang restaurant ang nobyo ni Candice ay ibinuhos niya ang isang basong tubig sa ulo nito. Laking pagkapahiya ng lalaki sa mga nakasaksi ng eksenang iyon—para lamang matuklasan ni Sunday sa kalaunan na maling lalaki pala ang nagantihan niya. Dahil kakambal pala iyon ng lalaking nanloko sa pinsan niya!
Doon nagsimula ang kabanata nila ni Andro Miguel Villonco, ang kakambal ng nobyo ni Candice. Laking gulat niya nang malaman niyang si Andro pala ang pinakabagong bigating kliyente ng kanyang negosyo! Kaya nagkaroon ito ng pagkakataong insultuhin siya mula ulo hanggang paa. Ngunit nagbago ang ihip ng hangin nang basta na lamang ipakilala siya nito bilang fiancée nito nang bumalik ang dating nobya nito.
Iyon na ang pagkakataong nakita niya upang makaganti rito.

7. PHR 3477 Ang Tanging Pag-ibig Ni Loubelle by Majesty Roque


Nasa wedding industry ang trabaho ni Loubelle at natutuwa siyang bahagi siya ng kasiyahan ng mga ikinakasal. Ngunit ni minsan ay hindi pa niya naranasang magmahal. Abala kasi siya sa trabaho at wala pa siyang panahong hanapin ang pag-ibig.
Pero totoo nga yatang hindi kailangang hanapin ang pag-ibig dahil kusa iyong dumarating. Ganoon ang naramdaman niya nang makilala niya ang guwapong si Denrick Velasco, anak ng isa sa mga naging kliyente niya. Naging malapit sila sa isa’t isa. Hindi na yata kompleto ang araw niya kung hindi niya nakikita ito o naririnig man lang ang tinig nito kahit sa telepono.
Ngunit kung kailan handa na siyang bigyang-laya ang damdamin niya ay saka naman dumating ang isang dagok sa kanyang pamilya. At nangangahulugan iyon ng pagsasakripisyo niya ng kanyang pag-ibig kay Denrick…

Back to top Go down
 
July 14, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» New Schleich for me on july 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: