HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 7, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 7, 2010 Book Release   Wed Jul 07, 2010 6:01 am

1. PHR 3464 Ang Pinakamagandang Pamana by Laurice del Rio


Bago mamatay ang lola ni Donna ay ipinakabilin-bilin nito sa kanya ang isang sulat. Sa sandaling bawian daw ito ng buhay ay pagsikapan niyang ihatid ang sulat sa kung kanino nakapangalan iyon.
Ganoon na nga ang ginawa niya at iyon ang naging daan para magbago nang husto ang buhay niya. Kasama sa magandang ibinunga niyon ay ang pagkakakilala nila ni Rad. Ang problema, masama ang tingin nito sa kanya; tila nagdududa sa totoong pagkatao niya. Pero hindi naging hadlang iyon upang umusbong ang isang damdamin sa kanyang puso. Nawari na lang niya isang araw na mahal na niya ito.
“I love you, sabi niya rito minsan.
“Sorry, pero ako hindi kita mahal.” Iyon ang isinagot nito.
Dapat na ba siyang sumuko?

2. PHR 3465 Ironic by Hana Rei


Dahil sa ginawang panghihiya ni Riki kay Benteng noong mga bata pa sila ay nagsimula ang kalbaryo ni Riki sa presensiya nito. Palagi na lang itong nang-aasar sa araw-araw ng buhay niya. Ngunit nang maaksidente ito ay bakit ganoon na lamang ang pag-aalala niya rito?
Hindi niya matanggap iyon.
Ngunit ang lalong hindi niya matanggap ay nang may mangyari sa kanila.
Paano nangyari iyon gayong mortal silang magkaaway?

3. PHR 3466 My Lady, Guadalupe by Camilla


Nakilala ni Guadalupe si Rocco Mendoza. She fell in love with him. Suwerte niya dahil minahal din siya nito. “Tall, dark, and devilishly handsome” ang deskripsiyon ng kaibigan niya rito.
Akala niya ay pulos kaligayahan ang mararamdaman niya sa relasyon nila. Pero nagkamali siya dahil sumulpot si Kristel para sabihing fiancé nito si Rocco at pinaglalaruan lang siya ng lalaki.
Hindi siya naniwala sa sinabi nito dahil mahal niya si Rocco.
Pero kaya pa ba niyang kumbinsihin ang sarili na siya nga ang mahal nito kahit na ilang beses niyang nakitang magkasama ang dalawa?

4. PHR 3467 Sullen Princess by Yasmin Joo


Ganoon na lang ang pagkainis ni Aurielle nang malaman niyang nanalo siya sa contest na sponsored ng isang beauty soap. Lingid sa kaalaman niya, isinali pala siya roon ng isa sa mga kapatid niya.
Ang premyo: makaka-date nang isang linggo sa Boracay ang isang sikat na male celebrity.
Naisip niyang i-enjoy na lang ang premyo. Pero sa dinami-rami ng lalaking artista sa showbiz, ang makaka-date pala niya ay si Clint Rivera! Inis siya rito. Feeling God’s gift to women kasi ito.
Pero noong nasa Boracay na sila, she saw the human side of him. She also saw the charms he possessed that she tried to ignore when they were first intoduced.
And when their romantic date finally came to an end, they found themselves in love with each other.
But back in their real world, reality started to bite. Sikat na artista ito, at ang isang ordinaryong tulad niya ay makakasira lang sa career nito…

5. PHR 3468 Mrs. De Claro The Second Time Around by Camilla


Failure ang marriage ni Chanita Brillantes sa successful and handsome businessman na si Angelo de Claro. Nauwi sa annulment ang kasal nila…
Six years later, naaksidente si Angelo at nagkaroon ng selective amnesia. As far as he was concerned, kasal pa rin sila nito—at siya lamang ang hinahanap nito.
Para mas maging mabilis ang recovery nito ay pumayag siya sa pakiusap ng mga magulang nito na alagaan si Angelo. Aminado rin siya na appealing ang salaping inialok sa kanya kapalit ng kanyang serbisyo.
Pero hindi niya inaasahan na in between pretending to be his wife and living her own life ay magniningas uli ang apoy na siyang dahilan kung bakit siya nagpakasal noon kay Angelo after a whirlwind romance…

6. PHR 3469 Club 56: Nothing Sacred by Arielle


Nagbunga ang pagsisikap ni Illyra. Nakamit niya ang tagumpay sa larangan ng pag-awit. Isa na siyang successful international singer. Ang susunod na hakbang sa plano niya ay ang pumili ng perfect husband mula sa mga de-kalibreng manliligaw niya.
Ngunit ang pagkakaroon niya ng isang perfect husband ay nasira nang pagsamantalahan siya ni Shannon, ang bartender ng Club 56.
Matindi ang pagprotesta ni Shannon sa paratang niyang iyon. Hinding-hindi raw ito papatol sa isang babaeng tulad niya na mayabang, vindictive, at sakim.
Natigil ang pa-aaway nila nang mapanood nila ang videotape ng tunay na naganap sa pagitan nila. There was no rape. Malinaw na nakita nila na mutual ang naging partisipasyon nila sa “activity.” At hindi lamang isang beses na naganap iyon kundi ilang beses pa at sa iba’t ibang bahagi ng Club 56!

7. PHR 3470 The Chase by Belle Feliz


Isinumpa ni Grazie na bibigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Seryoso siya rito kaya labing-anim na oras kung magtrabaho siya sa isang araw at dalawa ang pinapasukan niyang trabaho.
She never thought of falling in love because she didn’t have the time for it. Ngunit nang dumating si Bien Carlo Andrion sa buhay niya, nagkakulay ang dating black and white na mundo niya. Nakaramdam siya ng kilig. Napasaya siya nito. Pati pamilya niya ay na-in love dito.
He was a perfect boyfriend.
But she had to let him go…
Back to top Go down
 
July 7, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» New Schleich for me on july 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: