HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 29, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 29, 2010 Book Release   Tue Jun 29, 2010 3:21 am

1. PHR 3457 When I Have You by Laurice del Rio


Hindi kasali sa mga ambisyon ni Beck sa buhay ang maging ulirang ina. Pero walang kukupkop sa anak ng best friend niya kaya napilitan siyang maging instant mommy. Minahal niya ang bata na parang tunay na anak.
Isang araw ay sumulpot na lang sa pamamahay niya ang isang lalaki—si Nathan Rodriguez. Taglay nito ang isang nakakatulig na balita. Nagkapalit daw sa ospital ang anak nito at ang sanggol na isinilang ng kaibigan niya.
Handa siyang sumabak sa giyera huwag lang mawala sa kanya ang bata pero mukhang determinado rin si Nathan na kunin ang bata. Ang masaklap, tila malaki ang tsansang magtagumpay ito. Dahil doon kaya pumayag siya sa nakakalokang alok nito—ang pansamantalang pumisan sa bahay nito kasama ang bata.
Isa sa mga pakay niya ay ang makakita ng ebidensiya na unfit father ito. Pero kabaligtaran ang natuklasan niya. Hindi lang ito fit na fit bilang ama, parang ang sarap din nitong maging asawa. Ang problema, may babae nang may hawak ng titulong iyon sa buhay nito…

2. PHR 3458 JB Forever by Amanda


Paulit-ulit na nagbabalik sa alaala ni Alou ang nakaraan: noong lakas-loob na nagtapat siya ng damdamin niya para kay JB, at binasted siya nito.
Nine years later ay muli siyang nakabalita tungkol sa lalaki. He now resided in Vigan, and was still single.
Nagtungo siya sa Vigan pero hindi para hanapin si JB—though she was hoping, na muling magkrus ang mga landas nila. At nangyari nga iyon.
But JB was a changed man, malayo sa JB na nasa litratong pinakatagu-tago niya. He now looked fierce, mahaba ang buhok, may balbas at bigote, at parang may kung anong galit sa mundo.
Ayaw maniwala ni JB na hindi ito ang dahilan ng pagtungo niya sa Vigan. At paano nga bang hindi, kung sa muling pagkikita nila ay malinaw na malinaw sa mga kilos niya na mahal pa rin niya ito?

3. PHR 3459 Club 56: Blood Oath by Arielle


Hindi nagustuhan ni Trader ang desisyon ng kanyang mga magulang na kupkupin si Livia. Lalong wala siyang balak na ituring itong kaptid.
Naging aloof at malamig ang pakikitungo niya rito.
Pero nang maglayas ito ay hindi niya napahindian ang pakiusap ng kanyang mga magulang na tumulong sa paghahanap sa pasaway na babae.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang matagpuan ito na nagtatrabaho sa isang nightclub! Animo nabago na rin ang personalidad nito. Nawala ang kainosentihan nito.
Lingid sa kaalaman niya, ang club na pinagtatrabahuhan ni Livia, ang Club 56, ay nagsisilbing front ng isang agency na nag-i-specialize sa revenge business. At nasa listahan siya ng Club 56 sa mga dapat turuan ng leksiyon.
Ang kasalanan niya: Pinaibig daw niya si Livia at sinaktan ang puso nito!

4. PHR 3460 Club 56: Covenant by Arielle


Si Arissa Hudson ang pinakabagong kitchen help ng Club 56. Isa rin siyang prospective client ng club na palihim na nag-i-specialize sa pagpaparusa sa mga lalaking nananakit sa damdamin ng mga babae.
Sa sitwasyon ni Arissa, kailangan niya ang tulong ng Club 56 upang maparusahan si Steel Gerickson. Itinaboy at binale-wala siya nito pagkatapos siyang paibigin.
Ngunit sa pag-iimbestiga ng Club 56, hindi ganoon kasimple ang kuwento niya at hindi rin ordinaryong lalaki si Steel Gerickson.
Nang tanggapin ng club ang kaso niya, inakala niyang makakapaghiganti na rin siya sa lalaki. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang ibalik siya niyon sa piling ni Steel at ipakasal pa rito!

5. PHR 3461 You Are The One by Arvie Fe Espinosa


Mahal na mahal ni Leah si Henry ngunit gold digger at mukhang pera ang tingin nito sa kanya. Harap-harapang sinabi nito sa kanya na hinding-hindi ito papatol sa kanya.
There was nothing more painful than being accused of something she was not, especially when it came from the man she loved dearly. Kung mayroon lamang siyang magagawa para mabago ang pagtingin nito sa kanya ay gagawin niya.
Pero paano? Lalo lamang kasing lumalim ang pagdududa nito sa kanya nang pamanahan siya ng ama nito…

6. PHR 3462 Kapag Tayong Dalawa by Amanda


Gilbert Deloro was like an angel in disguise. Dumating ito sa buhay ni Judith sa panahong kailangan niya ng tulong. Ipinagkaloob nito ang lahat ng kailangan niya—at higit pa. Hindi niya mapaniwalaan ang kabaitan nito.
Hanggang isang araw, humingi ito sa kanya ng pabor. Kailangan daw nito ng isang “dummy girlfriend” na ihaharap nito sa nagbabalik na ex-girlfriend nito.
She could not say “no” to him. Malaki ang utang-na-loob niya rito. Ngunit alam niyang hindi lang iyon ang dahilan. Sino ba namang babae ang tatangging maging girlfriend ng isang tulad nito na ubod ng guwapo, mayaman at successful?
Kung maaari nga lang niyang gawing totohanan ang pagpapanggap nila ay gagawin niya…

7. PHR 3463 Club 56: Heartland by Arielle


Isang babaeng nagngangalang “Gabrielle” ang bumihag sa puso ni Alonzo nang magpunta siya sa Paris. Ngunit sinawimpald na nasawi ito sa isang plane crush.
Sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay natagpuan niya sa Club 56 ang isang babeng tinatawag ang sarili sa pangalang “Elle.” Kamukhang-kamukha ito ni Gabrielle ngunit matigas ito sa pagtangging ito ang babaeng mahal niya.
Upang matiyak niya kung si Elle ay si Gabrielle, nagtrabaho siya bilang waiter sa Club 56…
Back to top Go down
 
June 29, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Star Magazine UK - June 28, 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Connected Hum Tum - Video Update - 6th June 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: