HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 23, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 23, 2010 Book Release   Wed Jun 23, 2010 1:44 am

1. PHR 3450 Tell Me You Love Me by Noelle Arroyo


Nakilala ni Yzee ang napakaguwapo at napakakisig na may-ari ng isla kung saan nakatira ang tiyo at tiya niya. Sa kabila ng mga katangiang iyon ni Andro ay may kapintasan ito. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang humanga si Yzee sa lalaki. Kaya nang kailanganin ni Andro ang kanyang tulong ay pinagbigyan niya ito. Nagpakasal siya rito nang kailanganin nito ang isang asawa para sa isang importanteng business transaction sa mga banyaga.
Pero sa sandaling pagpapanggap ay nahulog siya rito. At tila ganoon din ito sa kanya. Kung kailan masayang-masaya na siya sa nadiskubreng pag-ibig, saka niya naunawaang isa lang siyang maliit na pain sa isang sistema ng mga mayayamang negosyante at laro ng isang makapangyarihang pamilya. Hindi naging tapat si Andro sa kanya sa lahat ng bagay.
At kahit mahal pa rin niya ito, kahit nauunawaan niya ang sitwasyon nito, kinailangan pa rin niyang lumayo para masiguro niya ang katatagan ng kanilang mga puso…

2. PHR 3451 Getting Real by Belle Feliz


Natuklasan ni Jillian na mahirap pala talagang magpakatotoo sa showbiz nang matagpuan niyang umiibig siya kay Paul Vincent Alcaraz o “Enteng,” ang kanyang matalik na kaibigan at dating ka-love team.
Sinubukan niyang kalimutan na lamang ang damdaming iyon ngunit hindi niya magawa. Patuloy na lang siyang umasa na mamahalin din siya nito balang-araw—na darating ang panahon na hindi na sila sasagot sa mga reporters na “magkapatid” lang ang turingan nila kapag tinatanong sila tungkol sa totoong status ng kanilang relasyon.
Hanggang isang araw, hinalikan siya nito sa mga labi! At hindi iyon sa harap ng camera.
“Does a brother kiss his sister like that?” tanong nito.
Ano ang ibig ipakahulugan nito? Hindi kaya umiibig na rin ito sa kanya?

3. PHR 3452 Loving Fredrick by Dawn Igloria


“Hindi lalaki lang ang dapat na magpasaya sa buhay ng isang babae.” Iyon ang fearless declaration ni Clarette pagkatapos ng huling breakup niya sa isa na namang walang-kuwentang kalahi ni Adan.
May isa pa siyang matapang na pahayag: “If I want a child, all I need to do is find a man fertile enough to impregnate me.”
Nang dumating nga sa kanya ang pagkakataon, kinarir niya iyon nang bonggang-bongga. Isang guwapong estranghero ang napilit niyang maging sperm donor—si Fredrick. Wala itong gaanong alam tungkol sa kanya at vice versa. Kumbinsido siya na madali lang niyang maididispatsa ito kapag nabuo na ang pinakaaasam niyang anak.
Pero hindi pala ganoon kadaling ipagpag ito sa sistema niya. Ilang araw lang sa piling nito ay gusto na niyang maging kapit-tuko rito.
Kailangan na nilang maghiwalay. Pero gusto muna niyang i-solve ang irony. Kung hindi bukal sa loob nito na maging sperm donor niya, bakit palagi siyang tinitingnan nito na parang gusto nitong ibigay sa kanya ang buong mundo?

4. PHR 3453 Love Is Not Blind by Sofia


Para hindi tangayin si Love ng sindikatong pinagkakautangan ng tatay niya ay kinailangan niyang magpanggap na bulag at mamuhay na isang bulag. Wala siyang oras sa pag-ibig. Malas kasi siya pagdating sa lalaki. Hindi na siya binalikan ng kasintahan niyang si Mitos na nag-abroad.
Pero sa pagpapanggap niya ay isang lalaki ang laging nakakaagaw ng atensiyon niya. Binubuhay nito ang nahihimbing na puso niya. Isang misteryo para sa kanya ang pagpapanggap nito bilang Mitos kahit batid niyang “Cameron” ang tunay na pangalan nito. Ito ang sumagip at nag-alaga sa kanya mula sa mga sindikatong dahilan kung bakit muntik nang mapariwara ang buhay niya.
Pinangatawanan nito ang pagpapanggap bilang Mitos at hinayaan niya ito. Hanggang sabihin nitong mahal siya nito kahit ang buong akala nito ay bulag siya. Mahal din niya ito kaya gusto niyang hilingin na ipakilala nito ang tunay na pagkatao nito at mahalin siya nito hindi bilang si Mitos kundi bilang ang totoong ito.
Mamahalin pa kaya siya nito kapag nalaman nitong nakakakita talaga siya?

5. PHR 3454 Falling In Love Again by Angel Bautista


Sa loob ng apat na taon ay inisip ng lahat na patay na si JC. When his consciousness returned, he discovered he had lost everything. Pati ang kanyang kasintahang si Rhiya ay nagpakasal na sa iba. Hindi niya alam kung paano magsisimula uli kaya naisipan niyang lumayo.
Nasa limbo siya nang makilala niya si Laura. She was light, laughter, and beauty—everything he was not.
Alam niyang mahal siya ni Laura at kaya nitong ibigay ang lahat para sa pag-ibig nito sa kanya. Ngunit siya, kaya ba niyang muling magmahal pagkatapos mawala ang lahat sa kanya?

6. PHR 3455 Bound To Love You by Ashlene Javier


Grade four pa lamang si Fiana ay kumbinsido na siya na si Ethan ang gusto niyang makasama habang-buhay. Ngunit hindi siya pinapansin nito. Twelve years old siya nang ma-brokenhearted dito, kaya sumumpa siyang kalilimutan na lamang niya ang damdamin niya para dito.
Pagkalipas ng mahigit sampung taon ay isa na siyang sikat na artista at most sought-after endorser. Gayunman ay hindi pa rin siya lubos na masaya dahil halos nakakulong na siya sa mahigpit niyang schedule ang ubod pa ng istrikto ng mama niya, at higit sa lahat ay wala siyang love life.
Nang mangailangan siya ng driver, isang Jonathan Gerodiaz ang nag-apply sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nang unang magtama ang mga mata nila ng lalaki ay bumilis ang tibok ng puso niya. Isang tao lamang ang alam niyang may ganoong epekto sa kanya: Ang childhood crush niyang si Nathaniel Arrastia o Ethan. Ang kaibahan lang ng kababata niya ay alam niyang hinding-hindi ito mamamasukang driver dahil kilala ang pamilya nito sa larangan ng business.
Pero bakit pakiramdam niya, kapag tinititigan siya ni Jonathan ay si Ethan ang nakatitig sa kanya? Ano ang pagkakaugnay ng dalawa sa puso niya?

7. PHR 3456 Sweet Thing by Sheena Rose


Iniwan si Mel ng boyfriend niya dahil masyado raw siyang naging busy sa trabaho niya. Hindi niya ito masisi kung naghanap man ito ng kapalit niya. Tuloy brokenhearted ang drama niya.
But not for long. Isang araw kasi ay nagtapat ng pagmamahal nito sa kanyang most eligible bachelor na kilala niya—si Ouwen Allegre. Nagtataglay ito ng mga superlative qualities: super hot, super kind and super successful.
Back to top Go down
 
June 23, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Star Magazine UK - June 28, 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Connected Hum Tum - Video Update - 6th June 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: