HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 16, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 16, 2010 Book Release   Tue Jun 15, 2010 5:26 pm

1. PHR 3443 Hold Me Tight In Your Happy Ever After by Janelle Kim


Hindi maipaliwanag nina Clarisse at Blas ang tila mahikang bumalot sa kanila kaya sa loob ng maikling panahong pagkakakilala nila ay agad na nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Pero kung gaano nila kabilis na inaming mahal nila ang isa’t isa ay doble ang bilis ng paghihiwalay nila. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang iniwan ni Blas si Clarisse. Sinubukan ni Clarisse na kalimutan ito pero hindi siya nagtagumpay dahil sa tuwina ay naaalala niya ito.
Susuko na sana siya sa paghihintay rito pero muli silang pinagtagpo ng tadhana. Inakala ni Blas na nag-asawa na siya kaya pilit na lumalayo ito. Naglakas-loob siyang ipagtapat dito ang naging sitwasyon niya noong iwan siya nito. Isa lamang ang idinadalangin niya: Sana ay tanggapin pa rin siya nito kapag nalaman nito ang mga nangyari sa kanya.

2. PHR 3444 Same Destiny by Camilla


Kinailangang lumayo ni Sissie sa pamilya ni Earl Suarez dahil sa patung-patong na eskandalong dinanas niya sa pagkaka-involve niya sa estranged half brother nito na si Chester. Nagsisimula na siyang makaahon nang muling magtagpo ang mga landas nila ni Earl five years later—at bigla na lamang itong nag-propose ng kasal.
Tinanggap niya iyon. Why not? Dati na niyang mahal ito.
Pero may isang taong hindi papayag na matuloy iyon: si Chester…

3. PHR 3445 Nurse Of My Heart by Kayla Caliente


Para pansamantalang makawala si Chiqui sa pag-iintindi sa dalawang barakong kuya niya ay pumayag siyang tanggapin ang alok ng kaibigan niyang si Francis na maging private nurse nito nang maaksidente ito.
Ang dahilan ng pagkakaaksidente nito ay ang pamomroblema nito sa nobya nitong si Aisha. Sobrang in love dito si Francis pero ang dalaga ay tila ba nagpapalipas lang ng oras sa pakikipagrelasyon dito. Ang lalong nagpakulo sa dugo niya ay nang laitin siya ng babae.
Bilang ganti ay naisip niyang subukang agawin dito si Francis, tutal naman ay mukhang dehado si Francis sa relasyon nito at ng girlfriend nito.
Ang hindi niya inaasahan ay ang mga kumplikasyong lilikhain ng padalus-dalos na plano niya—kumplikasyong maglalagay sa puso niya sa panganib.

4. PHR 3446 Muli by Camilla


Isang whirlwind romance na nauwi sa kasalan—at sa mabilisang hiwalayan—ang nangyari kina Meg at Dax. Pakiramdam ni Meg, hindi niya kayang patawarin ang ex-husband niyang si Dax sa ginawa nitong pagtataksil sa kanya noon.
Five years later, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Sa kabila ng matinding pag-iwas niya kay Dax, patuloy naman ito sa panunuyo na mapalapit uli sa kanya. Gusto raw nitong balikan ang masasayang alaala nila para magsisi siya na hiniwalayan niya ito.
At siya pa ang sinisisi nito sa paghihiwalay nila noon!

5. PHR 3447 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Pagpapanggap by Vanessa


Isang simpleng manggagawang tahimik at misteryoso. Ganoon nakilala ni Juliana si Mario—ang lalaking muling bubuhay sa kanyang pusong nasaktan at natutulog. Umibig siya rito. At tila umibig din ito sa kanya, hanggang sa dumating ang araw na natuklasan niyang isang pagpapanggap lamang pala ang lahat. Ibang tao ito at may babae nang nagmamay-ari dito…

6. PHR 3448 Love Story by Sonia Francesca


Kontento na si Cherie sa pangangalaga sa love story ng kaibigan niyang half Korean na si JM at ng boyfriend nitong Korean na si Joo Gang Hun. Kung may fans club ang love team ng mga ito, baka siya na ang presidente niyon. She really liked their story, very Koreanovela-ish. When she said Koreanovela-ish, siyempre ay may super cool at guwapong third wheel.
Si Gang Phil.
Older brother ito ni Joo Gang Hun na nagkataong may feelings din para sa kaibigan niya. Hindi nito puwedeng sirain ang relasyon ng dalawa kaya gagawin niya ang lahat para harangan ang mga plano nito. Pero nang minsang hingan siya nito ng tulong ay hindi siya tumanggi. In fact, hindi ito nagdalawang-salita sa kanya.
Gusto niyang iumpog ang sarili tuwing tatawagin siya nito at susunod naman siya. Parang may ipinakain ito sa kanya kaya sunud-sunuran siya rito. Was it because she could feel his pain whenever she saw him watching the woman he loved loving his own bother? Or was it because she had dreamed of him and his upper-left-side-lip mole more than once?
Destiny ba itey?

7. PHR 3449 Always And Forever by Keene Alicante


Maita was really a romantic person. She believed in signs, serendipity, and destiny. Pero dahil sa paniniwalang iyon at kakapili niya ay nanganib pang sa maling lalaki siya mapunta. Nasaktan lang siya ng kanyang ex-boyfriend na si Edgar. Mahal pa rin niya ito. Pero sasayangin lang niya ang pag-ibig at panahon niya kung aasa siyang may pag-asa pa silang magkabalikang dalawa.
Sa gitna ng kanyang pamimighati, dumating sa buhay niya si Paolo Contreras.Hindi niya alam kung ano ang nangyari, dahil isang umaga, nagising na lang siya na gusto na niya ito kahit ipinangako niya sa sarili niyang hindi na muna siya magmamahal uli. At kahit pagbawalan niya ang puso niya ay ayaw niyong makinig sa kanya.
Pero may sinabi ito sa kanya kaya tila mabibigo na naman siya.
“Don’t worry, I am not interested in women who just had their heart broken by someone.”
Back to top Go down
 
June 16, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Star Magazine UK - June 28, 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Connected Hum Tum - Video Update - 6th June 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: