HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 June 9, 2010 Book Review

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 674
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: June 9, 2010 Book Review   Wed Jun 09, 2010 8:35 am

1. PHR 3436 Ang Karinderya King At Call Center Queen by Ashlene Javier



Sa dami ng responsibilidad ni Wilma sa buhay, dagdag gastos lang ang tingin niya sa pagkakaroon ng boyfriend, hanggang sa ma-meet niya ang heartthrob ng Puerto Galera na si Jeric. Iniligtas kasi siya nito sa dalawang lasing na pinagbalakan siyang gawan ng masama. At dahil sa trip ng team leader niyang si Iveth sa larong “Truth or Dare,” si Jeric tuloy ang naging first kiss niya, in her 25 years of existence.
Nang inakala niyang maiiwan na lang sa Puerto Galera ang mga kahihiyang dinanas niya kasama si Jeric, parang gusto niyang himatayin nang malaman niyang pamangkin pala ito ng may-ari ng inuupahan niyang apartment. At magiging bagong kapitbahay niya ito!
Lalong gumulo ang sitwasyon nang magkagusto kay Jeric ang kapatid niyang si Glaiza. Ayaw na ayaw pa naman niyang nasasaktan ang kapatid niya. Eh, paano naman ang puso niya?

2. PHR 3437 The Frog Princess by Jessica Sison



Tinanggap ni Sophia ang alok niYuan na pakikipagkaibigan sa kabila ng pagdududa niya sa katapatan nito. May dahilan naman para magduda siya. Siya na pinagtatawanan dahil geek, may suot na makapal at malaking salamin sa mga mata, at mahina ang loob, pero bakit siya pa ang napili nitong kaibiganin?
“I want you to be my friend, Sophia. Why would I care about what others would say?” sabi nito.
Nagtiwala ang puso niya rito. Kalakip ng pagtitiwalang iyon ay umasam siyang may pagtingin din ito sa kanya. Ngunit nalaman niyang kaya pala nilapitan siya nito ay dahil sa pustahan nito at ng mga barkada nito. Nasaktan siya nang labis kaya ipinasya niyang lumayo at mag-aral sa Amerika.
Pagkalipas ng sampung taon ay muli silang nagkita. Wala nang bakas ng dating nerd sa hitsura niya. Lumapit uli si Yuan sa kanya at humingi ng tawad. Ngunit hindi lang tawad ang pakay nito. Niligawan siya nito.
Magtitiwala pa kaya ang puso niyang labis na nasaktan? Pero paano kung sa pagkakataong iyon ay totoo na ang iniluluhog nitong pag-ibig? Palalampasin ba niya ang pagkakataon na muli siyang lumigaya?

3. PHR 3438 Magandang Biro Ng Tadhana by Laurice del Rio



Tahimik at payapa ang buhay ni Nelyn sa Sta. Fe ngunit bigla na lang, sa pamamasyal niya sa dalampasigan, ay may natisod siyang isang walang malay na lalaki. Mukhang biktima ito ng kung anong sakuna. Nagkawanggawa silang mag-ina at nagpasya silang kupkupin muna ito. Iyon nga lang, paggising nito ay wala itong maalala.
Nagkaroon siya ng pagtingin sa lalaking inalagaan nila ng kanyang ina pero dumating din ang panahong kailangan na nitong umalis. Pero ilang araw pa lang makalipas nitong lisanin ang lugar nila ay may natuklasan siya tungkol sa pagkatao niya na magiging daan para magkrus uli ang mga landas nila ng lalaki. Ang masaklap, hindi na kasinsimple ng dati ang kanilang sitwasyon…

4. PHR 3439 Love’s Spring by Belle Feliz



Nasaktan nang husto si Lemuel nang maghiwalay sila ng ex-girlfriend niya. It took a while before he became whole and ready to love again. And it seemed like Mafi came at the right time—kahit kagagaling din nito sa isang hindi magandang karanasan sa huling karelasyon. Ito na yata ang babaeng nakatakda niyang pakasalan.
Masayang-masaya sila sa relasyon nila. Ngunit dumating ang kinatatakutan niya.: nagbalik ang dating pag-ibig ni Mafi. He felt threatened. Kakayanin ba niyang pagdaanan muli ang hirap ng pagkawala ng isang babaeng minamahal?

5. PHR 3440 Girl, Be Mine by Rhiana Dizon



Hindi inaasahan ni Cherry ang naging pagtrato sa kanya ni Michael pagkatapos nitong malaman ang sekreto niya. Sa halip na lumayo ito ay lalo pa itong nakipaglapit sa kanya at pinagsilbihan pa siya. Sa madilim na bahagi ng kanyang buhay ay ito ang nagsilbing tanglaw at liwanag niya. Ang pagmamahal, pang-unawa, at pagkalinga nito ang muling nagpabalik ng tiwala niya sa buhay, sa kanyang sarili, at kung paano muling magmahal…
Makayanan kaya niya kung si Michael na nagbigay ng pag-asa sa kanyang buhay ang mawala?

6. PHR 3441 To Edsa, Where Ivar Belongs by Camilla



Mali ang akala ni Epifania delas Alas—aka Edsa—na fairy-tale ending ang mangyayari sa kanila ng long-time boyfriend niya. Matagal na palang ipinagpalit siya nito sa katrabaho nito. Kung bakit sa lahat ng puwedeng magsabi sa kanya tungkol doon, ang super “OP” pa na si Ivar Santos ang may lakas loob na sumira sa lahat ng pangarap niya sa buhay. Hindi pa nakontento, nagawa pa siyang pintasan ng hudyo!
Pagkatapos niyon ay hindi na sila nagkita. Two years later, nagtagpo uli sila. May pinag-awayan na naman sila. Hanggang sa kailanganin niyang magsakripisyo at napilitan siyang pansamantalang tumigil sa bahay nito…

7. PHR 3442 Between Love And Hate by Yara Claire



Mula pagkabata ay hindi na magkasundo sina Gabrielle at Paolo. He made her childhood like hell. Kakompetensiya din niya ito sa maraming bagay. Ito kasi ang mas pinapaboran ng kanyang ama samantalang siya ang anak. Ipinagpasalamat niya ang pag-alis nito papunta sa Amerika para mag-aral dahil nagkaroon ng katahimikan ang buhay niya.
Ngunit pagbalik nito sa bansa, muli na namang nagulo ang mundo niya. He had turned into a very handsome man at wala yatang babaeng hindi hahanga rito.
Aaminin niya, naiinis pa rin siya rito. Kakompetensiya pa rin ang turing niya rito. Ngunit may iba pang damdaming pinupukaw ito sa puso niya…
Back to top Go down
 

June 9, 2010 Book Review

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» Miami Dolphins Alumni Update: June 2010
» Symponia 7R review
» [Suggestion]review subsection
» Fortissimo//Akkord:Bsusvier Final review/Impression
» Servo Magazine - June (2013) 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -