HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 2, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 2, 2010 Book Release   Wed Jun 02, 2010 12:51 am

1. PHR 3430 The Billionaire’s Bride Of Vengeance by Miranda Lee (translated by Sofia)


Bumalik si Nicole sa Pilipinas para kunin ang mga naiwan niyang gamit sa mansiyon nila sa Tagaytay na niremata na ng bangko. Nagkrus doon ang mga landas nila ni Russell McClain, ang lalaking nakabili ng mansiyon. Unang kita pa lang niya rito ay naramdaman na niyang parang may galit ito sa kanya. Labis na ipinagtaka niya iyon dahil hindi naman niya kilala ito.
Gayunman, hindi maitatago ang matinding atraksiyon nila sa isa’t isa. Sa maikling panahon ay umibig siya rito. At nang yayain siya nitong pakasal ay agad na pumayag siya.
Pero napagtanto niyang marami pa siyang hindi alam tungkol sa lalaking mahal niya, kabilang na ang nakaraan nito. At sa mismong araw ng kasal nila niya nalaman na hindi pala tadhana ang may gawa kung bakit sila nito nagtagpo…

2. PHR 3431 Somewhere In My Heart (Tales Of The Traveling Bling): Race by Rose Tan


Noon, niligawan ni Race si Zita para ilayo sa kapahamakan ang kanabukasan at kaligayahan niya. Nagtagumpay naman ito pero nasaktan pa rin siya dahil napaniwala siya nito na totoong may damdamin ito sa kanya.
Ngayon, siya naman ang nanliligaw rito para sagipin ito sa kapahamakan at sakit ng ulo. Madali lang naman siyang manligaw. Ginaya niya ang style nito noon, inulit ang proseso, step by step, hanggang sa mauwi sila sa holding hands at kissing scene…

3. PHR 3432 Your Lying Heart by Dream Grace


Steve was the perfect best friend. Nang magkaproblema si Dalisay sa boyfriend niya ay ito ang naging karamay niya. Galing din si Steve sa pakikipaghiwalay sa girlfriend nito na si Heather kaya na-appreciate niya ang pagtulong nito kahit alam niyang malungkot pa rin ito.
Ngunit bigla na lang itong nagdeklara na gusto nitong maging boyfriend niya. Seryoso raw ito.
Pero hindi pala ito nagsasabi nang totoo—dahil bumalik si Heather at sinabi nitong napipilitan lang si Steve na pakisamahan siya. Nagulat siya sa narinig at hindi nakapag-isip nang matuwid. Ipinangalandakan pa ni Heather na kaya lang siya niligawan ni Steve ay dahil sa pride nitong natapakan ng babae.
Nalungkot si Dalisay sa nalamang ginamit lang siyang panakip-butas ni Steve para huwag pagtawanan ng iba sa patuloy na pagkahibang sa dating nobya. Labis din siyang nasaktan—lalo pa at higit na sa best friend ang turing niya rito…

4.
PHR 3433 Love Equals Checkmate by Black Rose


Kung music lover si Hanna, si Harold naman ay isang computer geek. Magkaiba ang kanilang mga mundo, pero nangyari ang isang bagay na tila imposible: umibig si Hanna kay Harold.
Ang akala niya ay ganoon din ito sa kanya, pero hindi pa rin pala nito nakakalimutan ang ex-girlfriend nito. Kaya nang makapasa siya sa isang prestihiyosong music school sa New York, nagdesisyon siyang iwan ito.
After six years, she went back to the Philippines. Isa na siyang accomplished pianist, at kinikilala sa buong mundo.
Nang magkrus uli ang mga landas nila ni Harold, nagulat siya nang malamang mayroon ito ng lahat ng CDs niya at mga magazines kung saan siya ay naka-feature.
Hindi kaya tulad niya ay hindi pa rin nito nakakalimutan ang nakaraan nila?

5. PHR 3434 My Captive Heart by Laurice del Rio


Carly was at the wrong place at the wrong time. Dahil doon ay kinailangan niyang magtago para mailigtas ang buhay niya.
Lola Rowena was at the right place at the right time. Ito ang naging daan para mailayo siya sa kapahamakan.
Pero ayon sa matanda na may kakayahang makita ang hinaharap, may panganib pa raw na nakaamba sa kanya. Kaya inatasan nito ang apong si Russel upang ilayo siya sa mga taong nagtatangka sa buhay niya.
Wala siyang ibang choice kaya pikit-mata siyang pumayag. Nailihis nga sa panganib ang buhay niya pero ang puso yata niya ang malalagay sa peligro dahil napakabilis na nahulog ang loob niya kay Russel…

6. PHR 3435 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Ganda by Vanessa


Hindi isinilang na maganda si Hilda. Sa katunayan, lumaki siyang mulat sa katotohanang sa karamihan ng tao, ang kagandahan ay katumbas ng salapi na ginagamit sa bawat araw at kapag wala niyon ang isang tao ay kawawa ito.
Bata pa lamang siya ay mayroon na siyang isang lalaking labis na hinahangaan, si Zandro, ang lalaking nagbansag sa kanya ng “aswang“ at “Hilda Bruhilda“ sapagkat mukha raw siyang ganoon. Sa kabila ng lahat ay ito pa rin ang pangarap niya.
Ngunit bigla ay naging mabait ito sa kanya... Ang akala niya ay nakuha nitong lagpasan ng tingin ang kanyang hitsura. Nagkamali pala siya. Ito pala ang magiging dahilan para mapahamak siya.
Hanggang sa ang kapangitan niya ay napalitan na ng kagandahan. Salamat sa pagkakaaksidente niya at siyensiya. Wala siyang ibang nais gawin kundi ang gantihan si Zandro. Tila naman inaayunan siya ng pagkakataon—dahil hindi niya inaasahang muling nagtagpo ang mga landas nila. Sa bagong mukha niya, hindi na siya nakilala nito. At umibig ito sa kanya…
Back to top Go down
 
June 2, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Star Magazine UK - June 28, 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Connected Hum Tum - Video Update - 6th June 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: