HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 26, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 26, 2010 Book Release   Wed May 26, 2010 1:39 am

1. PHR 3423 Mariza by Camilla


Na-excite ang buong baryo nina Mariza sa pagbabalik ng kapatid niyang si Lulu Belle. Nakasilo ito ng mayamang “DOM”—si Brando—at magpapatayo roon ang lalaki ng isang malaking processing plant ng iba’t ibang fruit juices. Malaking tulong iyon sa aandap-andap na kabuhayan ng baryo kaya ganoon na lang ang paghahanda ng lahat nang malamang darating ang “DOM” kasama si Lulu Belle upang personal na asikasuhin ang ipapatayong negosyo.
Pero para sa kanya ay nakakahiya ang balitang iyon. Paano naman kasi, matanda na si Brando at beinte-tres anyos lang ang kanyang kapatid.
Sa kakaiwas niya na makita si Brando ay siya pala ang lalapitan nito nang malagay sa panganib ang buhay nito. At taliwas sa kanyang inaasahan na uugud-ugod na ito, guwapo pala ito at tama lang ang edad para sa kanya!
Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng kanyang kapatid kapag nalaman nitong nahuhulog na ang loob niya kay Brando?

2. PHR 3424 The Don’s Boys: Desiderio by Vanessa


Desiderio had a mission—to take care of Don Timoteo’s ex-girlfriend, the old lady Amanda. May isang hiling sa kanya si Doña Amanda at iyon ay ang ilayo ang isang babae sa asawa nito.
Para sa kanya ay isang simpleng misyon lang ang nakalatag sa harap niya. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang malaman niya na ang babaeng tinutukoy ng donya ay si Gabriella, ang “unang nobya” niya noong siya ay namamalimos pa lamang sa kalsada, ang babaeng matagal na niyang hinahanap, at ang babaeng nangakong magiging asawa niya balang-araw.

3. PHR 3425 The Problem With Joram by Camilla


Whirlwind romance ang nangyari kina Joram at Zhang na nauwi sa kasalan. Masuwerte man si Zhang sa naging asawa ay super-malas naman siya sa biyenan. Ipinakita nito sa kanya na hindi siya nito gustong maging manugang dahil ang gusto nito ay si Fina—ang ex-fiancée ng asawa niya.
Nang bigla na lang sumulpot si Fina sa buhay nila, doon nagsimulang magkawindang-windang ang relasyon nila ni Joram.
At hindi man lang magpaka-discreet ang asawa niya sa pakikipaglandian sa bruha!

4. PHR 3426 The Don’s Boys: Armand by Vanessa


Unang nakilala ni Sandra si Armand noong panahong kinailangan niya ng malaking halaga at ito ang “nakabili” sa kanya. It was a night she would never forget. Nagkahiwalay sila ng landas pagkatapos ng gabing iyon. Hindi niya inasahan na muli pa silang magkikita—kung kailan engaged na siya sa matalik na kaibigan nito…

5. PHR 3427 A New Tomorrow by Laurice del Rio


Sa proseso ng pag-abot ni Lindsay sa kanyang pangarap—ang makawala sa kahirapan—ay may mga kinailangan siyang isakripisyo. Kasama roon ang pagmamahalan nila ni Cholo.
Akala niya ay kontento na siya sa buhay niya at maayos na ang lahat. Ngunit muling nagtagpo ang mga landas nila ng lalaking minsan ay minahal niya. Cholo went by the name of Poch now. Mula sa pagiging isang kahig, isang tuka ay presidente na ito ng isang maunlad na kompanya. And he was engaged to a woman any man would be proud to have as his wife.
Isa siyang videographer at dahil sa mapagbirong tadhana ay serbisyo pa niya ang kinuha ng mapapangasawa nito. It shouldn’t matter all that much to her. Pero habang nakakasama niya ito ay hindi niya mapigilan ang mga damdaming nagpupumilit na umahon. Should she make the ultimate sacrifice kahit ikawasak ng puso niya ang sakripisyong iyon?

6. PHR 3428 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Dangal by Vanessa


Ang sabihing shocked si Trudes sa indecent proposal ng kanyang among si Zacarias ay kulang. Galit na galit siya na sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay lumaban siya at nagpasyang iwan ang kung tutuusin ay maayos nang trabaho niya. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakaalis ng hacienda nito ay kinailangan na niya ng malaking halaga. Pikit-matang tinanggap niya ang alok nito…

7. PHR 3429 Lovefinder: Eternal Promise by Victoria Amor


Sa mga pangungusap na “Farewell, beloved. No more tears, for I’ll promise you a love beyond understanding. For eternity, I will love you” nagsimula ang quest ni Zantha para tuklasin ang kaugnayan niya sa kakaibang panaginip niya.
Nakasilip siya ng pag-asa na maaaring mabigyan ng kasagutan ang mga tanong niya nang isang babae ang nakipag-ugnayan sa kanya sa Lovefinder Society. Sinasabi ng babaeng ito na hawak nito ang isang lumang sulat na nagsasaad ng pangakong katulad ng inusal ng lalaki sa panaginip niya. Handa raw itong makipagkita sa kanya dala ang sulat kapalit ng mga heart tags na mula kay Lovefinder.
Desperate to have the answers she needed, bumalik siya sa Pilipinas. Hindi niya inakalang hindi lamang ang sagot na hinahanap niya ang makukuha niya. Na-unmask din niya nang hindi sinasadya si Lovefinder, at dinala pa siya ng kanyang paghahanap sa bisig ng lalaking pakiramdam niya ay nakasama na niya buong buhay niya—si Hugh.
She realized eventually, hindi pala maingat ang puso niya tulad ng kanyang isip. Walang nagawa ang pagiging psychic niya para pigilan ang pagkatok ng pag-ibig at ang pagdating ng matinding sakit na kaakibat niyon…
Back to top Go down
 
May 26, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: