HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 19, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 19, 2010 Book Release   Tue May 18, 2010 5:24 pm

1. PHR 3417 The Don's Boys: Alessi by Vanessa


Lumaking isang mekanikong maton si Conseption. Hindi niya sinadya iyon kundi lumaki lang talaga siya sa ganoong kondisyon. Tuloy, inakala ng lahat na iba ang kasarian niya. Ikaila man niya ang lahat ay parang walang naniniwala sa kanya ngunit dahil sa iyon ang kanyang comfort zone ay hinayaan na lamang niya ang mga tao…
Hanggang sa makilala niya si Alessi, isang lalaking tila nilikha upang magpaligaya ng mga babae. At ang pagkababaeng likas sa kanya ay biglang nagkumawala—mula sa pagiging maton ay tila gusto niyang maging malandi nang bonggang-bongga!

2. PHR 3418 My Everything by Belle Feliz


Mula pagkabata ay kaibigan na ni Riegette si Jarvis—kahit pa madalas silang hindi magkasundo at kahit pa mayaman ito at anak lang siya ng isang katulong.
Isang araw, natuklasan na lamang nilang mahal na nila ang isa't isa. Higit pa iyon sa pagmamahal-kaibigan.
Ang akala niya ay magiging maayos ang relasyon nila. Pero katulad ng inaasahan, hindi sumang-ayon ang lahat sa relasyon na iyon.
Niyaya siyang magtanan ni Jarvis.
Ang akala niya, matatakasan nila ang lahat ng balakid sa relasyon nila. Pero bumalik din sila pagkaraan ng ilang araw dahil nais nilang kunin ang approval ng lahat. Sa bandang huli, kinailangang lumayo ni Jarvis sa kanya.
Pagbalik nito sa buhay niya pagkalipas ng maraming taon, limot na siya nito. Literal na nalimot nito ang lahat ng mga pinagdaanan nila, ang pagmamahalan nila, ang lahat ng mga pangako—dahil sa amnesia.
Bumalik man ang alaala nito ay tila wala na ring saysay. Siya ay pag-aari na ng iba, at ito man ay may fiancée na rin…

3. PHR 3419 Basta't Tayong Dalawa by Camilla


Batid ni Sheryl na si Ryan ang solong inaasahan ng ina at mga kapatid nito kaya ganoon na lang ang pagtutol ng mga ito sa kanya nang pakasalan siya ng lalaki. Ginawa ng mga ito ang lahat para sirain ang pagsasama nilang mag-asawa. Pero may katapusan din ang mahabang pasensiya niya.
Kung balak ng pamilya nito na sirain siya sa mga mata ni Ryan, wala siyang balak na papanalunin ang mga ito sa labang iyon.
She would give them a good fight bago magawa ng mga ito ang nais ng mga ito na mangyari.
A good fight.

4. PHR 3420 Marchese's Forgotten Bride by Michelle Reid (translated by Sofia)


Pagkalipas ng anim na taon ay muling nakita ni Cassie si Sandro Rossi. Subalit hindi na ganoon ang itinatawag dito kundi “Alessandro Marchese.” Higit sa lahat, hindi na siya maalala nito at maging ang gabing pinagsaluhan nila bago ito tuluyang nawala sa buhay niya.
Subalit nararamdaman pa rin niya ang atraksiyon dito. Kahit gusto niyang kamuhian ito ay ito pa rin ang itinitibok ng kanyang puso.
Paano kung hindi siya mahal nito katulad ng sinabi nito noon? Pakiramdam kasi niya ay sinasadya nitong kalimutan siya dahil isa lang siyang pagkakamali para dito. Tama bang patuloy niya itong mahalin, o kalilimutan na lamang niya ito gaya ng paglimot nito sa kanya?

5. PHR 3421 The Diakos Baby Scandal by Natalie Rivers (translated by Dawn Igloria)


Hindi naranasan ni Kerry na mahalin at kalingain. Kaya nang makilala niya si Theo, iniwan niya ang lahat para dito. Inakala niyang ito ang magbibigay sa kanya ng pagmamahal at kalinga na matagal na niyang hinahanap.
Subalit nagkamali siya. Sa isang pagkakamali niya ay ipinagtabuyan siya nito.
Ngunit ano ngayon ang ginagawa nito sa harap niya? May proposisyon daw ito sa kanya. Kailangan niyang magpanggap na fiancée nito para makuha nito ang islang matagal na nitong nais mabili. Hindi raw siya maaaring tumanggi dahil kasalanan niya kung bakit nagdalawang-isip ang may-ari ng isla na ipagbili iyon dito.
Ayaw man niya, napilitan siyang pumayag sa gusto nito. Dalangin na lamang niyang hindi nito matuklasan ang pinakaiingat-ingatan niyang lihim…

6. PHR 3422 Change Of Heart by Laurice del Rio


Nakatakda na ang kasal ni Nerisse nang agawin ng isang aksidente ang buhay ng kanyang nobyong si Tony. At sa pagkawala ng lalaki, parang naglaho ang lahat ng kulay, liwanag, at kaligayahan sa mundo niya. All she could feel was pain and loneliness.
Sinubukan ng mga kaibigan at mga magulang niya na tulungan siya, pero hindi niya magawang bumangon. Until she met Niel. Complete opposite ito ng kanyang dating kasintahan. Sa unang pagkakataon mula nang mawala si Tony, napukaw ang kanyang damdamin. At hindi lang simpleng atraksiyon ang nararamdaman niya para dito. Niel made her feel both emotionally and physically excited, isang bagay na noon lang niya naramdaman sa isang lalaki.
Was she finally moving on? Kaya na ba niyang pakawalan ang mga alaala ng dating nobyo at bumuo ng bago kasama si Niel?
Back to top Go down
 
May 19, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: