HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 12, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 12, 2010 Book Release   Wed May 12, 2010 10:25 am

1. PHR 3409 Dream Date With The Millionaire by Melissa McClone (translated by Salve Canale)


Hindi dahil naghahanap ng pag-ibig si Dani kaya nasa online dating site siya na Blinddatebrides.com. Pinilit lang siya ng kanyang boss na mag-sign up doon dahil kung hindi ay mawawalan siya ng trabaho. Kaya tinatanggihan na lang niya ang mga miyembro ng Web site na nag-aalok ng date. Pero napilitan na naman siyang makipag-date dahil sa kanyang boss; kasama raw iyon sa trabaho niya. Doon niya nakilala si Bryce.
Wala sa hinagap niya na mag-e-enjoy siya sa date na iyon. At tila ganoon din ito. Nasundan pa nang nasundan ang pagkikita nila. At pigilin man niya ang kanyang sarili, alam niyang unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito.
Ngunit paano kung malaman nito ang tunay na dahilan ng pakikipaglapit niya rito? At paano kung may lihim din pala ito na maaaring makasira sa kanila?

2. PHR 3410 The Don's Boys: Carmine Fabila by Vanessa


Hiniling ni Doncia kay Don Timoteo na pakasalan siya ni Carmine. Tinupad naman nito ang kahilingan niya. Inutusan nito si Carmine na pakasalan siya.
Malaki ang pagkakautang ni Carmine sa don, kaya walang pagpipilian ito kundi ang gawin ang ipinag-uutos dito. Ngunit nagbago ang isip ni Don Timoteo at natural na nagbago rin ang isip ni Carmine na pakasalan siya.
Hindi makapapayag si Doncia.
Carmine was going to pay!

3. PHR 3411 And Aubrey Was Her ame by Janelle Kim


Halos ikamatay ni Fredinel ang pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na si Aubrey dahil ito ang kanyang unang pag-ibig.
Ngunit para namang pinaglalaruan siya ng tadhana nang makilala niya ang babaeng hindi lang kapangalan at kaedad ng kanyang nasirang kasintahan, kundi kahawig din nito.
Anuman ang kanyang gawin ay tila palaging may kulang. Dahil kahit magkapareho sa lahat ng bagay o aspeto ang dalawang Aubrey sa buhay niya ay magkaiba pa rin ang kanyang nararamdaman para sa dalawang babae.
Umiibig lang ba siya kay Aubrey dahil kahawig at kapangalan ito ng kanyang nasirang kasintahan? At may binubuhay lamang itong alaala sa kanya?

4. PHR 3412 Lovefinder: Dawn Kiss by Victoria Amor


Ipinasa kay Georgina ng fiancé niyang si Thomas ang buong package na tinanggap nito mula kay Lovefinder. Kasama sa package ang pagbabakasyon sa isang isla—ang Tierra de Amor. Doon ay kasama niya si Chinny, ang kaibigan niyang laging sinusundan ng isang mapait na alaala. Sa islang iyon din siya bibigyan ni Thomas ng isang linggong kalayaan bago ang kasal nila.
Malaya siyang makipagkita sa kanyang unang pag-ibig na si Maive kung gugustuhin niya. Pero hindi na niya pala kailangang makipagkita rito. Natagpuan na lang niya itong nasa dalampasigan ng Tierra de Amor.
At the break of dawn, he kissed her. Kung sana ay kayang burahin ng isang matamis na halik ang lahat ng bagay sa pagitan nila—ang nakatakdang kasal niya kay Thomas, ang mga taong lumipas, at higit sa lahat, ang mapait na dahilan ng kanilang paghihiwalay noon…

5. PHR 3413 Doing Yin A Favor by Camilla


Charles had been a permanent fixture in Yin’s life. Kampante siya sa lalaki dahil parang kapatid na ang turing nila sa isa’t isa. Nagbago lang ang lahat nang dumating ang isang trahedya sa buhay niya.
Sinamahan siya ni Charles sa pinakamadilim na bahagi ng buhay niya. And when she started picking up her life, he was there to help her. Kaya ito lang ang naisip niyang karapat-dapat na maging ama ng kanyang magiging anak.
But would he be also willing to give her that love that she so wanted?

6. PHR 3414 Waiting For Love by Angel Bautista


Melinda was a neglected child. Maaaring mayroon siya ng lahat ng bagay na kayang bilhin ng pera, pero kulang na kulang naman siya sa pagmamahal at atensiyon na siyang pinakakailangan niya. Kaya nang maging parte ng buhay niya si Roman, ibinuhos niya rito ang lahat ng atensiyon at pagmamahal na hindi nagawang ibigay sa kanya ng mga magulang niya. Minahal niya ito nang buung-buo, sukdulang wala siyang itira para sa sarili niya. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi nito nagawang mahalin siya gaya ng pagmamahal niya rito.
Kailangan ba niyang magmakaawa kay Roman upang mapatunayan na karapat-dapat siya sa pagmamahal nito?

7. PHR 3415 A Taste Of Heaven by Yelena


Kahit mapanganib, nag-volunteer si Ella para sa isang medical mission sa Mindanao upang makita uli si Robert, ang magiting na sundalong matagal na niyang iniibig. Nais niyang sagutin nito ang isang katanungang matagal nang bumabagabag sa isip niya: bakit hindi nito sinagot ang mga sulat niya ng mga nakalipas na taon?
Pero naging mailap ito. Matagal na niyang pangarap na matamo ang pag-ibig nito kaya naman nalungkot siya sa pambabale-wala nito na tila ayaw nito sa kanya. Pero bakit ilang beses na pinrotektahan siya nito nang malagay sa panganib ang buhay niya? Ang isa pang labis na nagpagulo sa isip niya ay nang matuklasan niyang itinago pala nito ang lahat ng mga sulat niya—at may sagot pala ang mga iyon, dangan nga lang at hindi nito ipinadala sa kanya. Mga sulat na nagpapahayag ng damdamin nito sa kanya.
Ano ang dahilan nito at tila sinisikil nito ang totoong nararamdaman nito sa kanya?

8. PHR 3416 Ngayon Sana Ang Kailanman by Dawn Igloria


Nahaharap si Armea sa kakaibang kompetisyon. Kailangang unahan niyang mag-asawa ang best friend niyang si Simon. Sampung milyong piso ang nakataya. Kung siya ang mananalo ay maiaahon na niya mula sa kahirapan ang kanyang pamilya. May malaking hitch nga lang: Ayaw niyang mag-asawa kung sa ibang lalaki siya magpapakasal.
Si Simon ang gusto niyang pakasalan. Puwede naman iyon dahil ramdam niya na mutual ang pagtingin nila sa isa’t isa. Hinintay niyang alukin siya nito ng kasal. Nainip lang siya dahil hindi nito ginawa iyon. Kaya lakas-loob na siyang nagsabi rito.
Nadismaya siya dahil tinanggihan siya nito. Hindi raw siya ang gusto nitong pakasalan. Ngunit ang puso niyang makulit ay ayaw sumuko. Malaki talaga ang paniniwala niyang mahal din siya ni Simon. Naniniwala siyang may ibang dahilan kaya ito tumanggi sa suhestiyon niya. She decided to snoop a little. Kumbinsido siyang may inililihim ito. What she had discovered was bound to change her forever.
Back to top Go down
 
May 12, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: