HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 5, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 5, 2010 Book Release   Wed May 05, 2010 10:12 am

1. PHR 3402 Age Is Only A Number by Karen Dee


Celine’s plan was to keep herself busy. Iyon lamang ang naisip niyang paraan para makalimutan niya si Dino—ang lalaking nag-iwan ng malaking sugat sa kanyang puso. Ngunit hindi rin siya nakatanggi nang yayain siya ng kanyang kapatid na magbakasyon sa Isla Nevada.
Things were settled and went according to plan. Ngunit ang planong magkaroon ng magandang bakasyon ay naisantabi nang biglang sumulpot sa kanyang town house si Denis—the giant but handsome friend of her brother.
Ngayon ay nadagdagan na ang listahan ng mga taong iniiwasan niya. Pero sa kanyang pagkainis, walang balak si Denis na bigyan siya ng mapayapang bakasyon. Ininsulto pa nito ang height niya, calling her a dwarf in her own territory!
But how come na hinahanap-hanap niya ang presensiya nito nang awayin niya ito at sinabing ayaw na niyang makita ito?

2. PHR 3403 Fortune Of The Heart by Heart Yngrid


Pierre was a professional heartbreaker. Wala siyang ginawa kundi magpaiyak ng babae. Hindi niya alam na isang hula ang nakatakdang magpabago sa takbo ng buhay niya.
Habang lulan siya ng isang eroplano ay may nakatabi siyang isang weird na matandang babae. Sinabi nito na nakatakda siyang mamatay sa gulang na treinta anyos kung hindi niya mapapangasawa ang isang babaeng hindi nito pinangalanan. Nakilala na raw niya ang babaeng iyon. Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil hindi siya naniniwala sa hula.
Pero nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya at makaligtas siya ay naniwala siya sa hula ng matanda. Saan niya hahanapin ang babae? Tatlong katangian lang ng babae ang ibinigay sa kanya ng manghuhula: maputi, may nunal sa puwit, at magaling magluto.
Natatakot siyang mamatay pero anim na buwan na lang bago siya mag-birthday kaya paano niya hahanapin ang babaeng iyon? Tinunton niya isa-isa ang mga ex-girlfriends niya pero sa tuwina ay bigo siya at natagpuan ang sariling nagbubulalas ng sama ng loob kay Erika, ang sekretarya niyang unti-unti na niyang natututuhang mahalin at inaakala niyang kakampi niya.

3. PHR 3404 Lovefinder: Midnight Dream by Victoria Amor


Sapilitang isinama si Chinny ng best friend niyang si Georgina sa isang isla. Self-exile daw iyon, ayon dito. Magmumuni-muni raw sila roon sa loob ng isang linggo para luminaw ang kanilang mga isip. Pareho kasi silang may mabigat na dinadala sa dibdib. Hindi siya makatagpo ng katahimikan dahil palagi siyang sinusundan—kahit sa pagtulog—ng isang mapait na alaala.
Umasa siya na matatagpuan niya ang katahimikan sa bagong kapaligiran. Ngunit sa halip na katahimikan ang matagpuan niya roon ay gulo sa puso at isip ang nasumpungan niya dahil sa pagsulpot ni Ross. Presensiya pa lang nito ay sapat na upang magising at mabulabog ang mga nakatagong emosyon sa kanyang dibdib.
She never thought she would soon find the serenity she was looking for in his arms.
But they had only a week, too short for a beautiful love story…

4. PHR 3405 To Love Or Not To Love by Kayla Caliente


Inis si Megan kay Devin—ang bagong empleyado sa pinapasukan niyang kompanya. Paano ay ito na ang naging paborito ng boss niya. Nayayabangan din siya rito.
They were constantly bickering, were always ready to outshine each other—until there came a point when their boss decided to put his foot down.
In-enroll sila nito sa isang team building seminar. Pero nagkaroon ng aberya noong nagse-seminar na sila sa isang isla. Dahil sila lang ang naroon, napilitan silang magtulungan.
Habang kasama niya ito, unti-unting nabago ang tingin niya sa lalaki. Hindi naman pala ito mayabang tulad ng pagkakakilala niya rito. She also admitted to herself how gorgeous he was, something she tried to ignore when they were in the office.
Nasobrahan yata siya dahil dumating sa puntong pinag-iilusyunan na niya ito. Could it be possible to fall for him even a short time?
Pero ang ilusyon niya ay agad na gumuho nang makabalik na uli sila sa sibilisasyon—at nalaman niyang may nagmamay-ari na pala sa puso nito…

5. PHR 3406 Dazed And Confused by Sheena Rose


Pagkatapos malaman ni Arsenia na niloko ang kababata niya ng dating kasintahan nito ay nakabuo siya ng desisyon: ipaghihiganti niya ito.
Ang kaso, hindi siya makalapit-lapit sa lalaking pakay niyang paghigantihan. Parati kasing ang business partner nitong si Ipeng ang nakakaharap niya.
Sa totoo lang, kahit sira na ang impresyon niya sa mga Adan sa mundo, hindi pa rin niya naiwasang magka-crush kay Ipeng. For her, he was Mr. Cuteness and Mr. Hotness combined.
Pero mapatawad kaya siya nito sa sandaling matuklasan nito ang masamang motibo niya sa pag-a-apply sa kompanya ng mga ito?

6. PHR 3407 When I See You Smile by Arvie Fe Espinosa


Unang pagkikita pa lamang ni Gelai kay Brian—ang playboy na kapatid ng kaibigan niya—ay nagpa-cute na agad siya rito. Ngunit tinalampak lamang nito ang beauty niya. Hantarang sinabi nito na wala itong kainte-interes sa isang “little girl” na kagaya niya.
Nakipagkasundo siya rito na tatantanan na niya ito pero dapat ay pumayag muna ito sa gusto niya. Ang kondisyon: bibigyan siya nito ng isang linggo para makilala siya nito nang husto. Pumayag naman ito.
Ang akala niya ay maayos na ang samahan nila at unti-unti nang nahuhulog ang loob nito sa kanya. Until she learned the hard truth. Kailanman ay hindi siya mamahalin nito. Pinagbigyan lamang daw siya nito.
Lumayo siya para makalimot . Ngunit nang magkita sila pagkalipas ng dalawang taon ay nagkabaligtad sila ng kapalaran. Wala itong ginagawa kundi makipag-flirt sa kanya.

7. PHR 3408 Heartbreakers: The Blue-eyed Handsome Devil by Sofia


Bata pa lamang si Jezzie ay gusto na niya si Wyndham Archer. Subalit ni minsan ay hindi siya pinansin nito dahil sa dami ng naggagandahang babaeng nakapalibot dito.
Until one fateful night, Wyndham finally saw her as an attractive woman worthy of his attention. Handa na siyang ibigay ang sarili rito ngunit sa huling sandali ay ipinagtabuyan siya nito.
She would never forgive him for treating her virginity like a scourge when she was giving it to him as a gift. Lumayo siya rito pero bakit hinahabol siya nito ngayon? Kumakatok ito sa puso niya. Bibigyan ba niya ito ng pagkakataon na saktan uli siya o pananatilihin niyang nakapinid ang kanyang puso?
Back to top Go down
 
May 5, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: