FRUITCAKES 1: My Fair Lady (In Straightjacket)released: Dec 12, 2007
“I want you for myself. Kung magpapakasal ka,
Sa akin na lang, please.”
Lexy jumped at the chance to marry the legendary Chinese Billionaire, Don Simon T. Uy. It was just a matter of time. Tatanghalin na itong reyna ng Dragon Empire. Pero kung kailangan abot-kamay na niya nito ang kayuparan ng mga pangarap, saka naman umeksena ang bodyguard na si Marek.
Marek was not a real bodyguard. He was Don Simon’s right-hand guy, asked to investigate the chosen bride-to-be-. Isang araw pa lamang sa misyon ay natuklasan na nitong may tsunami sa ulo si Lexy. Daig pa nito si Sisa kung umasta. The lady clearly belonged to an asylum. At makakarating iyon kay Don Simon.
Parehong may hidden agenda, sino sa mga ito ang magtatagumpay? Sino ang pupulutin sa padded cell?
FRUITCAKES 2: My Naughty And Naughty(A Special Edition 144 pages)
released: dec 19, 2007
"That kiss was premediatated. Therefore, it's not innocent."
Masidhi ang hangarin ni Portia na makaganti sa taksil at walang modong boyfriend niya. Sapin-sapin ang sama ng loob at kahihiyang ibinigay nito sa kanya kaya nararapat lamang na ito ay putulan! Nagpahasa siya ng malaking gunting sa Hortaleza.
Pero may buwisit na lalaking umeksena-- si Chip. Biglang sumulpot ito sa silid kung saan niya isasagawa ang "operasyon" Hayun, hindi natuloy.
Ang thing got worse. Her boyfriend suddenly died in front of her and Chip.
What to do?
Sa takot na mapagbintangan, they did the unbelievable. Pero may nakakita sa pala sa kanila at nagbabanta na i-expose ang "krimen."
No choice siya kundi ang makipagkapit-bisig kat Chip para maisalba ang kanyang sarili. The problem was, Chop didn't want to cooperate...
FRUITCAKES Series 3: Mutya Ng Madre CacaoReader's Choice
released January 9, 2008
"Sinagip mo ang buhay ko at
itinaya mo ang kinabukasan mo
para sa akon. In my book., that's
love beyond reasonable doubt."
Kinidnap, binugbog, at inilibing siya nang buhay. Ang akala ni Alfon ay katapusan na niya. Pero may dumating na anghel at hinukay siya sa kanyang libingan.
Si Mutya. Ang kasa, kapalit ng kaligtasan niya ay ang pananatili nang habang-buhay sa bayan ng Madre Cacao. Hindi puwede iyon. Pinakiusapan niya si Mutya na tulungan siyang makatakas doon.
Pumayag ito. Pero dahil doon ay nalagay sila sa alanganin at itinakda ang kanilang kasal.
Hindi siya makatutol. Masarap kasi ang halik nito...
Fruitcakes 4: The Nerdreleased: jan 17, 2007
Mayaman at hindi basta-basta ang gustong maging asawa ni Goldie. At mayroon na siyang prospectL Si Ignacio Tamayo, ang hentong kaklase niyang high school. Nagpakadalubhasa ito sa ibang bansa at ngayon ay hindi lamang very successful, very rich din. Desidido siyang bihagin ito. Malakas ang loob niya dahil siya ang first love nito.
Pero paano kung hindi totoo ang kasabihan at natsutsugi pala ang first love?
