HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 28, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 28, 2010 Book Release   Wed Apr 28, 2010 7:20 am

1. PHR 3393 Saint Catherine University Series: Campus Girl: Ashlee, The Rock Diva by Heart Yngrid


Ashlee might be impertinent and harsh but she was a very loyal and protective friend. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ang mga kaibigan niya. Tuwing may nang-aagrabyado sa mga ito ay ginagantihan niya ang mga taong iyon.
Isa si Jiro sa mga nakaranas ng lupit ng paghihiganti niya nang paluhain nito ang isa sa mga kabarkada niya noong nasa kolehiyo pa sila. Kaya laking gulat niya nang sa muling pagkikita nila after a few years ay nalaman niyang ito ang bagong nobyo ng kanyang best friend.
Dahil wala siyang tiwala kay Jiro ay pumayag siya sa pakiusap ng kaibigan na bantayan ito habang nasa ibang bansa ang kaibigan. Sisiguruhin niya na babalik ang kaibigan niya na ito pa rin ang mahal ni Jiro at wala itong magiging ibang babae. Hindi talaga siya boto rito para sa kaibigan niya ngunit nang lumaon ay unti-unting nakita niya ang substance nito bilang tao. Kasabay niyon ay ang pagbangon ng isang damdaming hindi niya inasahang madarama para dito.
No, she could not fall in love with her best friend’s boyfriend…

2. PHR 3394 Lovefinder: Twilight Song by Victoria Amor


Sa pagtakas ni Athea sa miserableng buhay niya ay natagpuan niya ang sarili sa Tierra de Amor sa tulong ni Lovefinder. Ang problema, nakasama niya sa naturang isla ang galit sa mundong si Ken a tila gusto ring gawing miserable ang buhay niya. Handa siyang makipag-away rito sa ikatatahimik ng buhay niya.
Subalit tinangay ng hangin ang lahat ng inis niya kay Ken nang marinig niya itong tumugtog ng piyano… She never thought one twilight song could change her heartbeat in an instant.

3. PHR 3395 Bunny Ilusyunada by Dawn Igloria


May napulot na singsing si Bunny. Ngunit katakut-takot na pagsisisi at kahihiyan ang idinulot niyon sa kanya. Sa kabila niyon, hindi pa rin niya magawang idispatsa ang singsing. Dahil ang ilusyon niya ay ibinigay iyon sa kanya ng kanyang Prince Charming.
Pagkalipas ng ilang taon, isinuot uli niya ang singsing. Dalawang Prince Charming ang dumating sa buhay niya.
May romance at serendipity factor nga yata ang singsing na iyon. Dahil sa kabila ng pagiging chubbylina niya, parehong nagkagusto sa kanya ang dalawang cute na lalaki.
May isang problema lang siya. Paano niya hahatiin ang puso niya sa dalawang ito?

4. PHR 3396 The Don's Boys: Rafe Jacob by Vanessa


A jerk, that was Trinidad thought of Rafe when she met him. Kahit ito na yata ang pinakaguwapong nilalang na nakita niya sa tanang buhay niya ay hindi naging sapat iyon upang matuwa siya rito.
Ngunit nang hagkan siya nito ay parang ibig magbago ng kanyang opinyon. Hindi na ito “jerk” kundi “master seducer” na.
Pero mali ang nagaganap. Ikakasal na siya. Hindi siya dapat ma-attract sa iba.
Ang nangyari ay iniwan siya ng kanyang mapapangasawa nang dahil kay Rafe.
Napahiya siya sa buong bayan nila. Pero sa halip na iahon siya ni Rafe sa sitwasyong iyon ay iniwan din siya nito. Kaya naman nang mabalitaan niyang ikakasal na ito ay naghimagsik siya.
Mata sa mata. Pangil sa pangil. Wala ring kasal na magaganap dito sukdulang kidnap-in niya ito!

5. PHR 3397 Color My World by Kayla Caliente


Ang weird ng trabahong inaalok kay Lucy ni Lola Trinidad: kaibiganin daw niya ang apo nitong si Trino. Simula raw kasi nang ma-involve ang binata sa isang aksidente ay tila may sarili na itong mundo. Hindi na rin daw ito tumingin pa sa ibang babae simula nang iwan ito ng girlfriend nito pagkatapos ng aksidente.
Palibhasa ay desperado na siyang magkatrabaho kaya tinanggap niya ang alok nito.
Medyo nahirapan siya sa trabahong iyon. Tila determinado si Trino na huwag siyang papasukin sa mundo nito. But, slowly but surely, she managed to find a way. The problem was, she started to feel something deeper for him.
And she thought her feeling was reciprocated. Sa katunayan, malakas ang kutob niyang siya ang babaeng tinutukoy nito nang sabihin nitong “Nahanap ko na ang babaeng magpapasaya sa akin.”
Pero bakit nang dumating ang araw na ipapakilala na nito ang “babae” sa lola nito ay ang ex-girlfriend nito ang dinala nito sa bahay?

6. PHR 3398 Black Bureau Elite Series: In Black And White (Agent Elektra) by Noelle Arroyo


Tinawanan lamang ni Kyrene ang sinabi ng field partner niyang si Kenneth na may cancer ang kanyang lola. Laging gimmick kasi iyon ng kanyang lola para mapauwi siya. Ngunit nang kumpirmahin ng pamilya niya ang balita, she was so devastated that Kenneth stayed with her—all night, in her bed.
The first night was excusable, ngunit, para ulitin pa ang nangyari sa pagitan nila ay komplikasyong hindi nila kailangan. Minabuti nilang lumayo muna sa isa’t isa.
Pero nang kailanganin niya ng “asawa” para tumigil na ang lola niya sa pamimilit na ipakasal siya sa lalaking gusto nito para sa kanya, hindi nagdalawang-isip si Kenneth na tulungan siya. In fact, he was so effective playing the role na kahit sino ang makakakita sa kanila ay maniniwalang totoong mag-asawa sila.
Bakit nga ba pumayag ito?

7. PHR 3399 Getting Red-hot With The Rogue by Ally Blake (translated by Sumire Villegas)


Ipinosas ni Wynnie ang sarili sa estatwa sa harap ng gusali ng Kintanar Investment Group para mapapayag ang namamahala ng naturang establisimyento sa proposal niya. Nakuha naman niya ang atensiyon ni Dylan Kintanar, ang head of public relations.
The moment they met, she could almost hear the sizzle of attraction between them. But getting involved with the man was a major no-no.
Trabaho ang ipinunta niya roon. At tila ito man ay walang balak na ma-involve sa kanya.
Pero ayaw man nila, hindi nila kayang labanan ang animo magnetong humahatak sa kanila palapit sa isa’t isa…

8. PHR 3400 The Substitute Groom by Noelle Arroyo


Isang linggo bago maikasal si Jeanne kay Pons—best friend niya at siya ring lalaking ipinagkasundo sa kanya—ay namatay ito dahil sa isang aksidente. Hindi pa siya nakakabawi ay nalaman niyang ang half brother nitong si Bastian ang papalit dito sa kasal. Nataranta siya. Lalaking-lalaki si Bastian, samantalang ang kanyang namatay na best friend ay isang closet queen. Paano siya tatakas kung ang kapalit niyon ay dangal ng kanyang mga magulang?
Pero maayos naman palang kausap si Bastian. Strictly platonic. Besides, may annulment. Kapag nakaraos sila sa kasalan, makakaraos din sila sa hiwalayan.
Ang problema, hindi napigilan ni Jeanne ang ma-in love kay Bastian hindi pa man sila naikakasal. At kung kailan damang-dama na nila ang pag-ibig sa isa’t isa, saka pa natuklasang hindi talaga patay si Pons…

9. PHR 3401 Constantly In Love by Belle Feliz


Chris and Princess started off as friends. Pero lingid kay Chris, iniibig na ito ni Princess simula pa lang nang unang masilayan niya ito. He was the Prince Charming she had been waiting for all her life. Ang magtapat ito sa kanya ng pag-ibig ang pinakaaasam niya. Inakala niyang dumating na ang araw na iyon nang isang araw ay may ipagtapat ito sa kanya.
“May sasabihin ako pero huwag kang magagalit, ha?” anito. “Naisip kong ligawan ka.”
Nanlaki ang kanyang mga mata, bumilis ang tibok ng kanyang puso. Matutupad na yata ang pangarap niya.
“Pero napag-isip-isip ko na mali.”
Biglang gumuho ang kaligayahan at pag-asa niya.
“We had a very beautiful friendship. Sayang kung mamantsahan ko.”
Sinipa niya ito sa sobrang inis.
How much longer would she wait for him to realize he was wrong?
Back to top Go down
 
April 28, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Dressed to Kilt - April 5, 2010 NYC
» Dallas Event April 17, 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: