HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 21, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 21, 2010 Book Release   Tue Apr 20, 2010 6:12 pm

1. PHR 3383 My Wife’s Stepdaughter by Camilla


Inibig ni Nunet si Aldo nang iligtas nito ang buhay niya. Pero ni-reject siya nito kaya nagpakalayu-layo siya.
Pagkaraan ng ilang taon, muli silang nagkita. Inalok siya nito ng kasal. Tinanggap agad niya iyon dahil mahal pa rin naman niya ito. Ang akala niya ay wala nang katapusan ang kaligayahan niya. But she was wrong.
Dahil may ibang motibo pala ito sa pagpapakasal sa kanya…

2. PHR 3384 Best Love Is… by Noelle Arroyo


Matagal nang matalik na kaibigan ni Alexa si Ben; at kahit saan siya pumunta ay kasama niya ito. Secured na secured kasi ang pakiramdam niya kapag kasama niya ito.
Ngunit sa pagtataka niya, nang may isang seryosong manliligaw na dumating sa buhay niya, daig pa ni Ben ang isang tatay sa pag-i-interrogate dito. Kailangan daw nitong kilatisin ang lalaki dahil hindi ito papayag na maloko siya.
Aaminin niyang may hatid na kilig iyon sa puso niya. Pero bakit niya mararamdaman iyon gayong sanay naman siyang inaalagaan nito?
Nalaman niya ang sagot nang sabihin ni Ben na aalis na ito. Ayaw niyang mawala ito sa kanyang buhay…

3. PHR 3385 The Perfect Maid Of Honor by Maan Beltran


Nabalitaan ni Eunice na ikakasal na si Brad, ang kababata at lihim na minamahal niya. Isinumpa niyang gagawin niya ang lahat para hindi matuloy ang kasal nito dahil naniniwala siyang sila dapat ang magpapakasal.
Hindi pa niya naisasagawa ang mga plano niya ay nabuko na siya ni Lexus, ang kuya at kaisa-isang kapatid ng fiancée ni Brad. At kung gaano siya ka-eager na hadlangan ang kasal, ganoon naman ito kadeterminadong pigilan siya. Tila lahat ay gagawin nito para sa kapatid nito—even if it meant making her fall for him.
Siniguro naman niyang hindi ito magtatagumpay.
Pero pasaway ang puso niya dahil hindi ganoon ang nangyari…

4. PHR 3386 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Katrina by Vanessa


Katrina’s life was comfortable and it would have been a great and satisfying one if it were not for her wicked stepmother and stepsister. Siya ang moderno at mayamang Cinderella. At ang kanyang Prince Charming, bagaman charming naman talaga ay kulang ang dating sa puso niya. But she had to marry him so that the king, her father, would be pleased.
She was already determined to marry her fiancé to win her father’s trust when she met Paeng, her fiance’s drop-dead gorgeous employee. Sino ang mag-aakala na ang modernong Cinderella pala ay magkakaroon ng affair sa mekaniko ni Prince Charming?

5. PHR 3387 Mr. And Mrs. Riogi by Camilla


Kung may taong labis na kinaaasaran ni Szen, iyon ay walang iba kundi si Tero Hino, ang consultant at senior investigator ng detective agency na pinaglilingkuran niya. Kung bakit ito pa ang pinili ng boss nila na maging partner niya sa isang assignment kung saan kailangan nilang magpanggap bilang mag-asawa.
She couldn’t stand Tero.
Pero sandali pa lamang silang magkasama nito sa undercover operation na iyon ay nahulog na agad siya sa bitag ng legendary charm nito. Kung kailan naman nangyari iyon ay saka niya nalaman ang tungkol sa involvement nito kay Donna, ang girlfriend ng jewel thief na minamanmanan nila…

6. PHR 3388 Saint Catherine University: Campus Girl: Claudette, The Queen Bee by Heart Yngrid


Claudette was the campus “queen bee.” Siya na yata ang pinakamaldita sa buong SCU. But because she was beautiful and popular, she could always get away with everything.
Ang akala ng mga tao ay nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Ang totoo, ang pinakagusto niya ay hindi niya makuha-kuha. She had been pining for Jerry Genares since the first time she saw him but he avoided her like a plague.
Hindi siya makapapayag na hindi mapasakanya si Jerry. Ngunit nang sa tingin niya ay malapit na niyang makamit si Jerry, may isang lalaking nanggulo sa mga plano niya—si Morris, ang pinsan ni Jerry na tutol sa pagtangi niya sa pinsan nito. Dinala siya nito sa isang isla at inilayo kay Jerry. Tuturuan daw siya nito ng leksiyon doon para ma-realize niya ang mga mali niya.
Pero bukod sa leksiyon na sinasabi nito ay may iba pa siyang natutuhan habang kasama niya ito. Iyon ay ang ibigin ito nang higit pa sa nadama niya para sa pinsan nito.

7. PHR 3389 Henrick’s Love by Belle Feliz


Gayle could not believe what was happening to her love life. She just experienced her second heart break. What was wrong with her?
Gayunman, ayaw niyang sumuko. Alam niyang darating ang panahon na darating din ang tamang lalaki para sa kanya.
Then came Henrick, her best friend’s gorgeous cousin.
“Don’t admire me, Gayle. Don’t ever fall for me. That would be the biggest mistake you’re going to make in your whole life. I may look like an angel but I’m not good,” babala nito sa kanya.
Alam niya kung bakit sinabi nito iyon. He ran a business empire in the States; hence, he had no time for love.
Ngunit hindi siya nakinig. Sumige pa rin siya. Minahal pa rin niya ito at patuloy na umasang isang araw ay mamahalin din siya nito kahit na nasasaktan na siya.
Her heart was in trouble again…

8. PHR 3390 If Love Is Not Enough by Bernadette Licarte


Hindi sinasadyang napasakamay ni TJ ang isang lumang diary. Labis siyang naapektuhan sa nabasa niyang love story na nakasulat doon. He felt he was a part of it. He also felt he was falling for the author and so he vowed to find her.
Natagpuan niya si Sabina, ang nakawala sa diary, pero sa pagkadismaya niya ay hindi pala ito ang nagmamay-ari niyon. But Sabina knew who the owner was and promised him she would help him find the mysterious woman. Habang magkasama silang naghahanap sa misteryosang babae ay unti-unti silang nagkapalagayan ng loob. Until they found the owner. True enough, malaki nga ang koneksiyon nito sa buhay niya. Napatunayan niya na hindi pag-ibig ang naramdaman niya kundi isang hindi maipaliwanag na kahungkagan sa kanyang pagkatao.
When he was ready to tell Sabina she was the one he really loved, isang rebelasyon naman ang gumulantang sa kanila—isang rebelasyong hahadlang sa pag-ibig niya rito.

9. PHR 3391 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Alejandrina by Vanessa


Lahat ng babae sa pamilya ni Alejandrina—mula sa kalola-lolahan niya—ay mga modernong Eba na hindi papayag na hindi makuha ang kanilang gusto. Sila na mismo ang gumagawa ng paraan upang lumigaya. Kaya nang makita muli ni Alejandrina, makalipas ang ilang taon, ang matagal na niyang sinisintang si Jacinto ay naging determinado siyang maging kanya ito. Ang naging motto niya: “Aakitin kita, lalaking pikon!”
Maakit niya kaya ito gayong siya ay isa lamang regular na jologs at sa track record ng lalaki ay mga sosyalera ang nagugustuhan nito?

10. PHR 3392 Si Jordanna—ang Lumba-lumbang Apo Ni Lola Eva by Camilla


Kung problema sa pamilya niya ang kanyang katabaan, hindi para kay Jordanna mismo. Kaya kahit nalaman pa niya na ang magiging kapareha niya sa entourage sa kasal ng pinsan niya ay ang kaisa-isang ex-boyfriend niyang si Abesamis Bartolome, hindi siya nagpatangay sa pangha-harass ng mga ito na magpapayat siya.
Pero nang mabigyan siya ng pagkakataon na makasama ito pagkalipas ng maraming taon, unti-unti na siyang nag-reconsider. Hindi pa rin niya mapatawad ang lalaki sa panda-dump nito sa kanya noon para sa isang babae na super sexy. Hanggang sa tuluyan na siyang pumayag sa suhestiyon ng Lola Eva niya na mag-hire ng fitness instructor.
At tila mai-in love siya sa instructor na iyon.
Back to top Go down
 
April 21, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Dressed to Kilt - April 5, 2010 NYC
» Dallas Event April 17, 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: