HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 14, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 14, 2010 Book Release   Wed Apr 14, 2010 9:53 am

1. PHR 3378 Ruthless Awakening by Sara Craven (translated by Iris Anne)


“Don’t say you weren’t warned…”
Iyon ang mga salitang binitiwan ni Vernon kay Rhianna. Mahigpit na ipinagbabawal nitong dumalo siya sa kasal ng pinakamatalik niyang kaibigang si Carrie sa hinihinala nitong mahal niya na si Simon. Ngunit sinuway pa rin niya ang kagustuhan nito. Nagtungo siya sa hacienda na pagdarausan ng kasal.
May katwiran si Vernon—ang may-ari at panginoon ng hacienda—na mangamba na baka gumawa siya ng eskandalo upang hindi matuloy ang kasal. Natural lang na pagmalasakitan nito ang mga ikakasal ,Vernon did the unthinkable: he got on his yacht, sailed and kidnapped her.

2. PHR 3379 Somewhere In My Heart (Tales Of The Traveling Bling): Ignacia by Rose Tan


Malaki ang problema ni Ginny. Sa kagustuhan niyang makuha ang masuwerteng bracelet na pag-aari ng babaeng kliyente niya ay nakipagkita siya sa boyfriend nito na si Calixto. Hangad niyang maayos ang relasyon ng mga ito para ibigay na sa kanya ni Lorrie ang bracelet.
May sarili rin palang agenda si Calixto kaya agad na pumayag itong makipagkita sa kanya. Naguluhan siya nang sabihin nitong kailangan nito ng asawang masama ang ugali at siya ang pinagpapanggap nito. Babayaran daw siya nito ng limang libo bilang kabayaran sa isang araw na “trabaho.”
Pumayag naman siya.
Natulog silang magkatabi at magkayakap.
Ang problema, iginigiit nito na may nangyari sa kanila kahit matay man niyang isipin ay wala siyang matandaan. Pero iginiit pa rin nito na mayroon. Peksman daw.
Paano nangyari ang “nangyari” nang hindi niya nalalaman?

3. PHR 3380 Lovefinder: Sunset Tears by Victoria Amor


Pangangailangan ang nagtulak kay Caren na tanggapin ang alok ni Sean na maging cook siya sa bahay nito. Pilit na kinalimutan na lamang niya ang kabog sa dibdib niya na nakikihalo sa takot na nararamdaman niya para dito. Seryosung-seryoso kasi ito at hindi marunong ngumiti.
Hindi niya inakalang maraming mangyayari habang nasa poder siya nito. Isinama siya nito sa Esperanza Island at ginawa siyang writer ng online journal na pag-ibig ang theme.
Hanggang natagpuan niya ang sariling ginagawa ang lahat para kay Sean—si Sean na naniniwalang hindi nito kailangan ng kahit sino para mabuhay—lalo na ng isang babaeng hindi nito pinagkakatiwalaan…

4. PHR 3381 The Don's Boys: Romeo Labrador by Vanessa


Pinakasalan ni Maggie si Romeo sa simpleng dahilan: Kailangan niya ito sa pinansiyal na aspeto. Ngunit sisiguruhin niyang hindi ito masasaktan kung sakaling magkahiwalay na sila ng landas.
Isa na sana itong ulirang asawa nang bigla na lamang nitong naisipang magbanda. Dapat ay maging masaya siya dahil nakatagpo na ito ng mapaglilibangan nito, hindi iyong naghihintay na lamang ito parati sa kanyang pag-uwi.
Ngunit bakit hindi siya natutuwa? Bad trip na bad trip siya dahil bigla ay hindi na siya ang sentro ng buhay nito.

5. PHR 3382 Sherree Ann by Camilla


Nalulong sa sugal ang mga magulang ni Sherree Ann. Naisangla ng mga ito ang bahay nila sa isang kaibigan. Nang hindi makabayad ang mga ito ay siya ang hininging kabayaran. Ipapakasal siya sa pamangkin ng pinagkakautangan ng mga ito.
Ang bahay na lang ang natitira sa kanila kaya wala siyang choice kundi pumayag.
Hindi nga lang niya inakalang ang lalaki pala na papakasalan niya ay si Zach. Pinakaiiwasan niya ang binata dahil nabuwag nito ang pader na iniharang niya sa kanyang puso dahil ayaw na niyang umibig…
Back to top Go down
 
April 14, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Dressed to Kilt - April 5, 2010 NYC
» Dallas Event April 17, 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: