HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 31, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 31, 2010 Book Release   Tue Mar 30, 2010 5:32 pm

1. PHR 3373 The Millionaire And His Lovely Miss Manners by Kimberly Lang (translated by Iris Anne)


Kinuha ni Will Harrison ang serbisyo ni Gwen upang turuan ng magandang asal at tamang pagkilos ang dalagitang kapatid nito. At dahil kailangang agad-agad na matuto ang kapatid nito, kailangan niyang tumira sa bahay ng mga ito.
Hindi ikinakaila ni Gwen na apektado siya ng presensiya ni Will. Ito yata ang unang lalaking nakapagpapalimot sa kanya ng lahat ng alam niya sa kagandahang-asal at tamang pagkilos. At tila ganoon din ang atraksiyong nararamdaman nito sa kanya. Kaya nang halikan siya nito ay hindi na siya nakatanggi.
Maganda ang samahan nila. Ramdam niyang sa bawat araw ay lalong lumalalim ang damdamin niya para dito. Ngunit may natuklasan ito sa nakaraan niya at tila iyon ang sisira sa kanila…

2. PHR 3374 The Duke's Ex by Dream Grace


Hindi makapaniwala si Janna nang makita niya si Duke. After seven long, lonely years, the lover who left her without a backward glance was in front of her. At may gana pa itong magkimkim ng galit sa kanya gayong sa pagitan nila, siya ang mas may karapatang magalit.
Ang akala niya ay lumipas na ang kagagahan niya rito.Ang akala niya ay nalimot na niya ang pakiramdam na mahalin ito. Ngunit isang sulyap lang sa mga mata nito, muling tumibok ang puso niya. Isang mabining haplos ng mga kamay nito sa balat niya, at isang mainit na halik mula sa mga labing nagpaparusa ay naglaho na sa puso niya ang anumang hinanakit niya rito.
Ngunit paano kung matuklasan niyang may ibang motibo ang panunuyo nito ngayon sa kanya?

3. PHR 3375 The Don's Boys: Ponce de Leon by Vanessa


Mary Claire, who was more popular as Sydney Fish, a recording artist, a star dating the biggest TV star in Hollywood, came back to the Philippines to take care of her father’s business. Nagpatulong siya kay Don Timoteo, kaibigan ng kanyang ama. Nagpadala ito ng isang taong tutulong sa kanya, si Ponce, isang lalaking halatang iniidolo siya nang husto. He was wearing braces and the first time she saw him, she mistook him for a janitor.
Ngnit pinatunayan nitong maabilidad at isang totoong tao ito. Ito lang ang maaari niyang asahan, lalo na at mayroong nagtatangka sa kanyang buhay at nalalagay siya sa panganib. Pero, hindi kaya manganib din ang puso niya ganoong bigla na lamang tumibok iyon para kay Ponce?

4. PHR 3376 Naughty Princess by Yasmin Joo


Tomboyish at napakapilya ni Janica, ang panganay sa walong anak na babae ng mag-asawang Torrevilla. Nang minsang naisip niyang kumain ng papaya, inakyat niya ang puno ng papaya ng kabilang hacienda. Nahuli siya ni Neilven, ang balikbayang anak ng may-ari. Pero siya pa ang nagalit at binato niya ito ng papaya.
That started their friendship. He was like the brother she never had.
Pero isang araw, nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya!
Hindi nag-iisip na binasted agad niya ito.
Devastated, Neilven left for the States with a broken heart.
Sa loob ng anim na taon ay wala siyang balitang natanggap mula rito. Noon niya napagtanto na may puwang din pala ito sa puso niya na higit pa sa isang kaibigan.

5. PHR 3377 Ponching: Ang Panganay Na Apo Ni Lola Eva by Camilla


Dahil torpe, sa babae, pinaluwas si Alfonso ng lola nito sa Maynila. Iyon ang sabi kay Myrelle ng pinsan ng lalaki. Pero kung ang pagbabasehan ay ang pagkaagresibo ni Alfonso, parang iba yata ang concept ng mga ito sa salitang “torpe.”
Pero napatunayan niya ang pagka-old-fashioned nito nang mag-propose ito sa kanya ng kasal pagkatapos may mangyari sa kanila…

6. Stallion Island Series 10: Julian Veron Yun by Sofia


Nang hindi matanggap sa Stallion Riding Club si Arjhilleyne, ang akala niya ay wasak na ang lahat ng pangarap niya. Pero muling nabuo iyon nang makapasok siya sa Stallion Island. Dati ay sa romance novel lamang niya nakakasama ang maladiyos na kaguwapuhan ng mga Stallion boys, pero ngayon ay may tsansa na siyang maging isa sa mga prinsesa ng mga ito.
Pero may hadlang sa pangarap niya—si Julian Veron Yun na walang ginawa kundi sirain ang mga diskarte niya at akitin siya. Ngayon ay nanganganib siyang mapalayas sa Stallion Island dahil sa kagagawan nito.
Isa lang ang paraan para hindi siya mapaalis sa island—kailangang matapos niya ang parusa sa kanya ng mga village lords at huwag silang mag-aaway ni Julian.
Puwede ba namang hindi sila mag-away nito? At paano niya pipigilan ang sarili na mairita rito at maakit at the same time?
Back to top Go down
 
March 31, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Berlin Photocall / Premiere - The Bounty Hunter March 29, 2010
» Dick Giordano, July 20th 1932-March 27th 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» JJ - Gerard Butler Covers 'Architectural Digest' May 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: