HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 24, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 24, 2010 Book Release   Tue Mar 23, 2010 11:48 pm

1. PHR 3367 Lovefinder: Morning Smile by Victoria Amor


Fall in love in Esperanza… iyon ang mga salitang nakasulat sa heart tag na nakapaloob sa envelope na tinanggap ni Chesca mula kay Lovefinder. Kasama niyon ang sketch kung paano magpunta sa islang tinutukoy nito at malaking halaga ng pera na siyang gagastahin niya para sa kanyang pagbabakasyon. Isa kasi siya sa iilang masuwerteng chatters na miyembro ng Lovefinder Society na napili ni Lovefinder na bigyan ng vacation package for a week. Sinunggaban niya ang oportunidad na makapagbiyahe, lalo na nang malaman niyang ang paborito niyang chatmate ang makakasama niya sa Esperanza.
Ngunit hindi sumipot sa pier ang katagpo niyang chatmate. Sa halip ay si Martin, ang long-time asungot sa buhay niya na ang hobby ay alaskahin siya o kaya ay gawin siyang muchacha, ang naroon.
Imposible yatang magkatotoo ang wish ni Lovefinder para sa kanya…

2. PHR 3368 Ang Ilusyon Ni Eloisa by Camilla


Gusto ni Eloisa na makapangasawa ng mayaman dahil iyon lang ang nakikita niyang paraan para makaahon sila sa hirap. Ilusyon niyang magkaroon ng lalaking magbibigay sa kanya ng ending na parang sa fairy tales.
Dumating sa pinaglilingkuran niyang sea urchin farm si Rommel Villaroeal. Unang pagkikita pa lang nila ng lalaki, nag-clash na agad sila. Pero nang magkalapit sila, nagsimulang mangarap si Eloisa. Tila unti-unti nang matutupad ang ilusyon niya, hanggang matuklasan niya ang tungkol sa ex-fiancée nito na ngayon ay malaya na para makipagbalikan dito…

3. PHR 3369 Lukaret Kong Puso by Kayla Caliente


May stalker ang kaibigan ni Joan na si Nikky pero mukhang nakahanda pa itong magpa-stalk, lalo at guwapo ang lalaking bubuntut-buntot dito.
Psych major siya at kumukuha ng masteral degree sa naturang kurso kaya pinakiusapan siya nito na alamin nila kung ano ang pagkatao ng lalaki. Para huwag malagay ito sa peligro ay pumayag siya.
Sa pagkilatis niya sa lalaking nakilala niyang si Dexter ay dalawa ang natuklasan niya: Una, walang-wala sa kilos nito na may sayad ito sa pag-iisip. Pangalawa, hindi lang ito mukhang normal, para ding katakam-takam ito.
Huli na nang mapansin niyang nahuhulog na pala ang loob niya rito. At nawari niya, siya siguro ang may sayad dahil alam naman niyang si Nikky ang type nito pero gusto pa niyang umeksena.
She was no snake kaya siya na rin ang kusang lumayo. Iyon ay kahit parang sinagasaan ng dump truck ang puso niya.

4. PHR 3370 Maybe Someday by Lace


Pagkalipas ng apat na taon ay nagbalik si Cassandra sa Pilipinas para pagbigyan ang hiling ng kanyang amang may sakit. Sa pag-uwi niya ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Anton Santillan. Hindi niya inakalang sa pagtatagpo nilang iyon ay gigisingin nito sa kanya ang isang damdaming pilit niyang kinalimutan—isang batang pag-ibig na nagdulot sa kanya ng ibayong sakit ng kalooban na siyang dahilan ng pag-alis niya sa bansa.
Sa pag-uwi rin niyang iyon ay may natuklasan siyang isang bagay na gusto niyang pagsisihan: a child’s play that ruined her chance at happiness. Magagawa pa ba niyang itama ang mga maling nagawa niya at bawiin ang pusong minsan ay naging pag-aari niya?

5. PHR 3371 Thank You For Making Me Yours by Janelle Kim


Crush ni Stephanie si Nathan. Pero kahit anong gawin niyang pagpapapansin dito ay mukhang hindi talaga ito interesado sa kanya. Hahayaan na lang sana niya ito pero nakaisip siya ng ideya kung paano siya mapapansin nito. Nagpanggap siyang girlfriend nito sa text. Naniwala naman ito.
Sinakyan niya iyon.
Nang inamin na niya ang totoo ay parang wala lang iyon dito. Iyon pala, sa umpisa pa lang ay bistado na siya nito. Kasabay niyon ay ipinahayag nito na mahal siya nito. Pero hindi niya inamin ang totoong nararamdaman niya para dito.
Paano na kung bumalik ang totoong girlfriend nito? Ayaw na niyang matawag na “walanghiya” at “mang-aagaw” katulad ng ginawa sa kanya ng isa pang babaeng baliw na baliw rito.

6. PHR 3372 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Coco by Vanessa


Dumating ang pagkakataong kailangang mamili ni Coco sa dalawang taong mahalaga sa buhay niya: ang mommy niya o si Lucas. Pinili niya si Lucas. She turned her back on the life she was used to—the wealthy, glamorous life. Nakita niya kay Lucas ang dedikasyon at sakripisyo nito para sa kanya at sa kanilang mga pangarap. Dahil doon ay isa lang ang pumasok sa isip niya: he was worth it.
O iyon ang akala niya…
Back to top Go down
 
March 24, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Berlin Photocall / Premiere - The Bounty Hunter March 29, 2010
» Dick Giordano, July 20th 1932-March 27th 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» JJ - Gerard Butler Covers 'Architectural Digest' May 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: