HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 17, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 17, 2010 Book Release   Wed Mar 17, 2010 12:53 am

1. PHR 3361 Doubting Tammie by Dawn Igloria


Kahit kunsumido si Tammie sa mapang-alaskang si Joshua, sa utos ng daddy niya ay napilitan siyang alagaan ang binata nang magkasakit ito. Nagpasalamat ito dahil pinainom niya ito ng gamot, inasikaso at ipinagluto pa.
“Bonus points iyon para kapag nanligaw ka sa akin, mataas ang chance na sasagutin kita.”
Lalong umusok ang bumbunan niya sa asar dito. Hindi lang pala ito mapambuska, conceited din. Kahit guwapo ito at malakas ang sex appeal nito, hinding-hindi niya maiisip man lang na siya pang babae ang manliligaw rito.
Ngunit may kakampi yatang propeta o mangkukulam ang bruho. Dahil dumating nga ang araw na niligawan niya ito, with matching long-stemmed roses and imported chocolates. Dismayado nga lang siya dahil tuwing aakyat siya ng ligaw ay nakakahanap ito ng paraan para takasan siya.
Pasaway talaga! Parang matimtimang birhen kung umasta!

2. PHR 3362 Always Have, Always Will by Belle Feliz


James and Katherine had a long history together. They had been friends since high school and they had always been secretly in love with each other.
Napakaraming pagkakataon na ninais nilang magtapat sa isa’t isa pero laging may nangyayaring aberya. She had a boyfriend. James had a girlfriend. Distance tested their love and friendship. Dapat na ba silang sumuko at mahalin na lamang ang mga taong nagmamahal sa kanila? O manatiling nagmamahal sa isa’t isa kahit patuloy ang pagdating ng iba’t ibang hadlang?

3. PHR 3363 Perfect Lovers by Camilla


Kailangan ni Vino ng pekeng nobya at kailangan din ni Jovelle ng pekeng nobyo. They were “perfect lovers.”
Hanggang ang palabas ay nauwi sa totohanan.
Ang akala ni Vino ay si Jovelle na ang babaeng para sa kanya. Pero biglang naglaho ito at hindi na nagparamdam sa kanya…

4. PHR 3364 Baby Bonanza by Maureen Child (translated by Sofia)


Isa lang ang dahilan ni Jenna sa pagpunta sa cruise—ang komprontahin si Nick Falcon. Kapag nagawa na niya iyon, tapos na ang misyon niya at babalik na siya sa kanyang normal na buhay. Hindi na niya hahayaang muling mahulog siya rito at ipagsapalaran na naman ang kanyang puso.
Ngunit nang magkaharap na sila, hindi niya magawang paglabanan ang atraksiyon dito. Hindi siya makatakas sa yakap at halik nito. At na-realize niya, mahabang panahon mang hindi sila nagkita, baliw pa rin pala ang puso niyang nagmamahal dito…

5. PHR 3365 Ang Simbolo Ng Pag-ibig Niya Sa Akin by Haze Prado


Na kay Carla na ang lahat—mapagmahal na mga magulang at mariwasang pamumuhay—maliban kay Philip, ang lalaking matagal nang itinatangi ng kanyang puso. Kapatid lang kasi ang tingin nito sa kanya.
Naging komplikado ang lahat nang ligawan nito ang half sister niyang si Bea. Kinamuhian niya si Bea dahil pakiramdam niya ay inagaw nito ang pagtingin ng lalaking mahal niya. Ngunit nalaman niyang ampon lang pala siya ng mga kinikilala niyang mga magulang. Nagpasya siyang lumayo.
Ilang taon siyang namuhay nang mag-isa hanggang sa magkita uli sila ni Philip. Wala siyang balak ibalik ang dating samahan nila pero ayaw siyang tantanan nito. Tuloy ay nabuhay uli ang dating pagtingin niya rito na alam niyang hindi naman talaga nawala.
Nang may mangyari sa kanila, ang akala niya ay masusuklian na rin sa wakas ang damdamin niya para dito. Ngunit nagkamali siya…

6. PHR 3366 Daphne's Story by Camilla


Editor in chief ng True Hearts Romances si Daphne Diaz, pero kahiya-hiya mang sabihin, sa edad niya ay wala pa siyang karanasan sa pag-ibig. Nang makilala niya si Damian Rosales, agad na nagpakita ito ng interes sa kanya. Ngunit labag sa panuntunan niya ang pagpatol sa isang lalaking may sabit na, kaya hindi pa man ito nakakaporma ay basted na ito sa kanya.
Pero tila sadyang pinaglalapit sila ng tadhana. Maraming pangyayari na nagpatunay niyon, hanggang sa magpasya siya na pagbigyan ang sariling mahalin ito. Ngunit hindi talaga siguro sila laan sa isa’t isa dahil sa isang pangyayaring hindi man niya kasalanan ay siya ang kailangang magsakripisyo. Pinili niyang lumayo na lang dito…
Back to top Go down
 
March 17, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Berlin Photocall / Premiere - The Bounty Hunter March 29, 2010
» Dick Giordano, July 20th 1932-March 27th 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» JJ - Gerard Butler Covers 'Architectural Digest' May 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: