HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 10, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 10, 2010 Book Release   Wed Mar 10, 2010 9:37 am

1. PHR 3355 A Book Made With Love by Mei Sanchez


Napilitan si Odette na tumira kasama sa iisang bahay ang writer na si Keith dahil kailangan nilang tapusin ang librong ginagawa nila sa loob ng dalawang buwan.
Gusto na niyang matapos iyon para makabalik na siya sa normal na buhay niya—dahil para silang north at south pole, magkaibang-magkaiba ang mga panuntunan sa buhay.
Pero kahit poles apart sila, hindi pa rin niya naiwasang mahulog ang kanyang loob dito. Nang sa wakas ay nagawa niyang aminin sa sarili na may damdamin siya para dito, saka naman nagpakita ito ng interes sa isang babae.
Masasawi ba agad ang puso niya?

2. PHR 3356 Ex Deal by Laurice del Rio


Brilliant idea ng mga taong nakapaligid kina Chona at Airol na magsama sila sa pagbabakasyon. Pareho silang brokenhearted kaya mas makabubuti raw kung sabay na aaliwin nila ang mga sarili para makalimot.
They got off to a bumpy start but somewhere along the way, things started to go well. Nagkasundo pa sila na tutulungan ang isa’t isa na huwg magpadala sa panghihimok ng respective exes nila kung sakaling subukan ng mga iyon na makipagbalikan sa kanila.
Pero kung kailan maayos na sana ang lahat ay saka kumalas sa kasunduan si Airol. Mukhang hindi nito nakayang tiisin ang ex-girlfriend nito na nakikipagbalikan dito. Ang masaklap pa, nangyari iyon sa puntong natuklasan na niyang mahal na niya ito.
Solo flight at brokenhearted na naman tuloy ang drama niya.

3. PHR 3357 Miyaki's Story by Camilla


Hindi maganda ang first meeting ni Miyaki kay Gio Alitagtag. Semplang ang lalaki dahil sobrang pa-cute ito sa kanya. Pero sa mga sumunod na pagkakataon ay bumawi ito, hanggang sa maging tagapagligtas pa siya nito mula sa sira-ulong suitor niya.
It all happened too fast, too soon. Naging magnobyo sila—at na engage–the same day dahil sa pressure ng pamilya nito. Pero may isang miyembro ng pamilya Alitagtag na ayaw sa kanya. At gumawa ito ng paraan para madispatsa siya sa buhay ng Kuya Gio nito…

4. PHR 3358 Romantico by Heart Yngrid


Romantico Pelaez III was a chronic playboy, a cruel heartbreaker. Kaya napaka-ironic na ito ang naatasang mamahala sa Romantico’s—ang restaurant na idinisenyo para sa mga taong nag-iibigan. And as the manager of Romantico’s, kailangang panatilihin nito ang romantikong imahe ng restaurant, at iangkop ang sariling imahe roon. And by that, he needed a decent girlfriend he could present to their regular patrons.
So she, Jade Patricio—a self-confessed hopeless romantic—was forced to be his display girlfriend. She hated his guts. Ngunit dahil sa pagmamahal niya sa restaurant ay pumayag siya sa gusto nito.
Subalit masyado yata niyang na-internalize ang role niya kaya nagising na lamang siya isang araw na totohanan nang in love dito. Pero may patutunguhan kaya ang nararamdaman niya para sa isang taong limitado lang sa pisikal na aspeto ang konsepto sa romance?

5. PHR 3359 Playing By Heart by Sabrina


Mula nang may magtangka sa pagkababae ni Kate, nagpasya siyang itago ang totoong hitsura sa pamamagitan ng pag-assume ng manang look, meaning big dresses, dark-rimmed eyeglasses, bushy eyebrows, hair in a bun, and bare, powder-free face. Mas mabuti na ang nag-iingat.
Nang maging boss niya si Nathan, walang saysay ang pagbabalatkayo niya. He saw through her. At wala itong balak na manatili siyang manang-looking. Gusto nitong makita ang totoong hitsura niya.
Aminado siya, noong una ay ayaw niya. Pero habang tumatagal, gusto na rin niyang magpaganda para sa guwapong boss niya…

6. PHR 3360 Stellar Tempest (Forever And As Always) by Vemille


Nagulo ang tahimik na buhay ni Daryeinne nang makilala niya ang antipatiko—ngunit guwapong—si Caldwell. She fell in love with him. Ang akala niya ay pareho sila ng naramdaman para sa isa’t isa kaya ibinigay niya ang sarili rito.
Pero laking pagsisisi niya nang mabatid na gusto lang palang maghiganti ng ina nito sa kanya at si Caldwell ang ginamit nitong instrumento. Dulot ng mga pangyayari ay nagkalayo sila.
Ilang taon din ang dumaan bago sila nagkitang muli. Ang pasaway na puso niya ay parang nagkabuhay nang masilayan ito. Panay ang pigil niya sa kanyang damdamin ngunit napahinuhod na naman siya nito.
Ano na naman kaya ang hatid nito sa pagbabalik sa piling niya, lalo pa’t nalaman niya sa “fiancée” daw nito na kaya lang bumalik si Caldwell sa kanya ay dahil may kukunin itong “bagay” sa kanya na pag-aari nito?

7. Stallion Series 9: Warren Li by Sofia


Bukod sa pagyaman ay may isa pang misyon si Leica sa pananatili sa Stallion Island—ang espiyahan si Warren Li para sa kaibigan niyang si Carlyn. Nangako itong pakakasalan ang kaibigan niya. Iyon pala ay nambababae lang ito sa isla. At sa kasamaang-palad ay isa siya sa mga babaeng iyon na inaakit nito. Sa isang ngiti lang nito ay nabibighani na ang mga babae rito.
Hindi siya immuned sa charm ni Warren, pero hindi ibig sabihin na katulad siya ng ibang mga babae na willing magpauto rito. Magagaya lang siya sa mga iyon na ibabasura lang nito pagkatapos.
Isang kaaway si Warren. Kaya nitong mapatalsik siya sa Stallion Island. At oras na mahuli siya nito sa pag-eespiya niya, hindi na siya makatutuntong pa roon—at kasama niyon ang paglaho ng pangarap niya.
Paano kaya kung ang igawad nitong kaparusahan sa kanya ay ang pagbihag sa puso niya.
Back to top Go down
 
March 10, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Berlin Photocall / Premiere - The Bounty Hunter March 29, 2010
» Dick Giordano, July 20th 1932-March 27th 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» JJ - Gerard Butler Covers 'Architectural Digest' May 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: