HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 3, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 3, 2010 Book Release   Wed Mar 03, 2010 6:01 am

1. PHR 3349 Langit Sa Piling Mo by Camilla


Parang hulog ng langit si Tony sa buhay ni LJ. Dumating ito sa panahong kailangan niya ng tulong. Iniangat nito ang antas ng pamumuhay nilang mag-anak. Ipinakita nito sa kanya na may pag-asa pa. At higit sa lahat, ipinaramdam nito sa kanya kung paano mahalin ng isang lalaki ang isang babae.
Akala niya, plantsado na ang lahat. Pero kahit pala ang mga anghel na sugo ng langit, may kasama ring kontrabida. At nagkalat ang mga kontrabidang iyon sa paligid ni Tony.
Paano kaya nila malalampasan ang pagsubok sa relasyon nila kung gusto na niyang sumuko?

2. PHR 3350 Deo, My Summer Rain by Victoria Amor


Si Deo ang unang pag-ibig ni Marz na nagdulot sa kanya ng ibayong sakit.
Nang subukan niyang magmahal uli, mas masakit ang dinanas niya. Mas mahirap din ang mga pagsubok na dapat niyang malampasan.
Sa mga pagkakataong kailangang-kailangan niya ng taong makakapitan ay si Deo ang natatagpuan niyang nasa tabi niya. Hindi niya akalain na wala itong kapaguran sa pag-alalay sa kanya.
Hindi nagtagal, napagtanto niya na kailangan niya ito. Kaya nang alukin siya nito ng kasal para masolusyunan ang malaking problema niya ay agad niyang tinanggap iyon.
Ngunit paano niya mapapanatili ito sa tabi niya kung wala na ngayong dahilan para magsama sila?

3. PHR 3351 Another Chance With Love by Mei Sanchez


Ilang taon na ang nakalipas nang unang makilala ni Mhel si Kiko, pero hindi niya maintindihan kung bakit tila nag-iba ang tibok ng kanyang puso sa muling pagkikita nila. Ngunit kagaya ng unang pagtatagpo nila, hindi na uli sila nagkita at nagkausap pagkatapos niyon.
Hanggang sa sumapit ang Christmas party ng kanilang kompanya na naging dahilan upang magkrus uli ang kanilang mga landas. Mula noon ay hindi na napigilan pa ang tuluyang pagkakalapit nila at ang paglalim ng kanilang damdamin para sa isa’t isa.
Naging magandang pantasya ang lahat sa kanila sa kabila ng mga pagsubok na hinarap ng kanilang relasyon. Subalit naging bangungot ang lahat nang matuklasan ni Mhel ang lihim ng kasintahan. At nabunyag iyon isang linggo bago ang kanilang kasal.

4. PHR 3352 Choosy Kind Of Love by Kayla Caliente


Kung si Vincent ay hari ng mga hindi seryoso sa buhay, si Joyce naman ay reyna ng mga workaholic. Kaya nang magsama sila sa trabaho, palaging giyera-patani ang nangyayari.
Wala namang magawa si Joyce. Malaki ang utang-na-loob niya sa lolo ni Vincent na siyang nakiusap sa kanya na turuan ang apo nito ng mga bagay-bagay tungkol sa negosyo.
Peste si Vincent sa buhay niya, at siya ay tila ganoon din dito. Pero habang tumatagal ang pagsasama nila, parang may nababago sa kanila. Hanggang sa dumating ang pagkakataong inamin niya sa kanyang sarili na nahuhulog na ang loob niya rito.
But that was when she discovered that a leopard could not change its spots. At ang kapalit ng leksiyon na iyon ay matinding sama ng loob.

5. PHR 3353 Cole's Downfall by Arvie Fe Espinosa


Nakilala ni Gywneth si Cole isang gabing lasing na lasing siya. Their meeting was quite theatrical. Iniligtas kasi siya nito sa isang lalaking nambabastos sa kanya. From then on, hindi na niya nakalimutan ito. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para magkaroon uli sila ng ugnayan.
Hindi siya makapaniwala sa epektong dulot nito sa kanya. Laking pasalamat niya at mukhang pareho sila ng nararamdaman. He seemed to be so perfect for her. Ito ang matagal na niyang hinihintay—the man of her dreams.
Pero isang bagay ang napag-alaman niya tungkol dito. Everything about their meeting was just a bloody setup. She was just a “job” he had to get and finish. Niloloko lamang pala siya nito mula simula. Ang masakit, nahulog siya sa bitag nito nang walang kahirap-hirap…

6. PHR 3354 Ysanti And Her Twenty Million-Peso Broken Heart by Camilla


Ipinahanap ang stepsister ni Ysanti na si Sunny ng rich and famous estranged father nitong si Guy Lovely. Lumapit sa kanya si Atty. Justin Cortez, ang representative ni Guy Lovely. Ayon dito ay may mamanahin daw na twenty million si Sunny mula sa ama nito.
Ang stepsister niya ang tanging pag-asang nakita niya para maisalba mula sa bankruptcy ang negosyong pinaghirapang itayo ng lolo at papa niya, kaya kahit may nararamdaman na siyang kakaiba sa guwapong abogado ay binale-wala niya iyon. Hindi niya itinuro ang kinaroroonan ni Sunny. Sa halip ay kumilos siya nang sarili para mapasakanya ang malaking perang iyon.
Nakaligtas siya from bankruptcy at plano na niyang bayaran ang halagang ginamit niya na dapat sana ay para sa stepsister niya, pero nahulog na ang loob niya kay Justin.
Kung ipagtatapat niya rito ang tungkol sa ginawa niya, siguradong ang puso niya ang magiging kabayaran sa twenty million pesos na atraso niya.

7. Stallion Island Series 8: Torque Lopez III by Sofia


Ikakasal na lang si Sissy sa guwapong boyfriend niyang si Leo nang makita uli nito ang dating nobyang may asawa at doon piniling sumama.
Ngunit kung kailan handa na siyang mag-move on ay saka naman ito bumalik at nakikiusap na ituloy nila ang kasal.
Nakaluhod pa itong nag-propose sa kanya sa harap ng maraming tao sa paborito nilang restaurant.
Tinabig niya ang kamay nito na may hawak na engagement ring. “Bakit ako magtitiyaga sa iyo? I got news for you, Leo. Malapit na akong umalis papuntang Stallion Island. Sa dami ng guwapo, sikat, at mayayamang lalaki roon, baka nga hindi na kita maalala. Kaya huwag ka nang umasa sa akin.”
“Excuse me,” bigla na lang sinabi sa kanya ng guwapo at matangkad na lalaki. He had dark, penetrating eyes that touched her soul. Nang mga oras na iyon, naglaho ang mundo at unang natunaw ang taksil na ex-boyfriend niyang si Leo. Nandito ba ito para sagipin siya mula sa kabiguan ng puso niya? Sa palagay niya ay kayang-kaya nitong tanggalin ang hinanakit sa puso niya.
Subalit parang wala itong plano na sagipin siya mula kay Leo. Ni hindi nga ito ngumingiti. Saka lang niya napansin ang singsing na nasa ilalim ng kopita ng white wine nito. Mukhang doon tumalsik ang singsing mula sa kamay ng kanyang ex na tinabig niya kanina…
Back to top Go down
 
March 3, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Berlin Photocall / Premiere - The Bounty Hunter March 29, 2010
» Dick Giordano, July 20th 1932-March 27th 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» JJ - Gerard Butler Covers 'Architectural Digest' May 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: