HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 24, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 24, 2010 Book Release   Wed Feb 24, 2010 12:55 am

1. PHR 3339 Puppy Love, True Love by Vanessa


Nakilala ni Azon si Manolito sa ampunan. Tinulungan siya nito upang mawala ang takot sa puso niya. Pero nagkahiwalay sila nang may umampon sa kanya. Ilang taon silang hindi nagkita. Naging mahirap ang buhay niya at nalimot niya ang mga batang pangarap nila.
Nang magkita uli sila, ibang-iba na ito at malayung-malayo na ang naabot nito sa buhay. Tulad noong bata pa sila, walang pag-aalinlangang tinulungan na naman siya nito. Ang bait-bait nito. At mayroon siyang nadaramang seguridad tuwing magkasama sila.
Namalayan na lamang niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Pero may nobya na ito, kahit pa feeling niya ay may gusto ito sa kanya…

2. PHR 3340 Hindi Ko Masabing Akin Ka by Sabrina


Celine never wanted to be a part of Edward’s life. Mahal man niya ito, masyadong matayog ito para sa kanya. Ngunit nang ibaba nito ang sarili sa antas niya ay hindi niya napigilan ang sariling tanggapin ito. She gave him her all. Naisip niyang baka sa pamamagitan niyon ay mahawakan niya ito at hindi na nito naisin pang maghanap ng ibang babae, na sasapat na siya para dito.
Mali siya. Novelty lamang yata siya para dito dahil dagli ring nagsawa ito sa kanya. Nahuli niya itong nakikipaglampungan sa ibang babae. Ayaw niyang patuloy na masaktan kaya habang kaya pa niya ay ipinasya niyang iwan ito.
Ngunit hindi pala niya lubusang naiwan ito. Dahil nag-iwan ito ng panghabang-buhay na alaala sa kanya…

3. PHR 3341 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Scarlett by Vanessa


Unang nakatagpo ng landas ni Scarlett ang kay Alvaro noong disisais anyos pa lamang siya. Ito ang nagtaboy sa kanya at sa kanyang ina paalis sa villa ng nobya nito. Kailanman ay hindi niya nakalimutan ito. Ipinangako niya sa sarili na makakaganti rin siya sa mga taong nang-api sa kanila ng kanyang ina.
Fast forward to more than a decade, she met the man again. She was now a star, a sexy star. May karapatan na siguro siyang magtaray ngayon ngunit hindi niya inaasahan na hindi niya maaaring tarayan si Alvaro, ang pagtaasan ito ng noo. He had something she needed…

4. PHR 3342 Rahab, My Ballerina Lover by Hana Rei


Rahab thought her life was perfect. She had a happy family, a lovable boyfriend, and a good career. Pero sa isang iglap ay nasira ang inaakala niyang perpektong mundo niya. One day, she found herself on a beach, alone, with an injured ankle and a battered soul.
Everything was falling apart right in front of her eyes. Handa na niyang yakapin ang kamatayan nang bigla siyang pigilan ng isang estranghero na may asul na mga mata.
He offered her his hand. And his magnetic gaze was enough to make her forget the pain she was suffering…

5. PHR 3343 Soul Mates by Laurice del Rio


Bata pa si Astrid ay fascinated na siya sa paranormal. Pero kung may third eye man siya, sa palagay niya ay bulag iyon dahil ni minsan ay hindi pa siya nakakakita o nakakaramdam man lang ng multo.
Para sa isang term paper na gagawin niya ay dumayo siya sa malayong bayan ng Sta. Fe kung saan matatagpuan ang bahay ni Lola Mercedes. Na-feature sa isang talk show ang bahay na umano ay pinamumugaran ng maraming kaluluwang-ligaw.
Ngunit, imbes na mga kaluluwang-ligaw ay isang masungit at nuknukan ng angas na lalaki ang nadatnan niya. Ito ay si Franco, apo ni Lola Mercedes. Ayon dito, wala itong balak patuluyin siya sa bahay ng lola nito.
Pero may plano yata sa kanila ang tadhana kaya binagsakan nito ng mabigat na rason ang lalaki para tiisin ang pananatili niya roon. Hindi nagpaunlak ang mga kaluluwa na magkaroon ng starring role sa term paper niya pero may ibang naging bunga ang pananatili niya sa paghahabol niya sa mga iyon.
Nagkaroon siya ng love life. Or so she thought. Kung kailan kasi ipinagpalagay niyang good na sila ni Franco ay saka niya natuklasang madali palang mag-iba ang ihip ng damdamin nito.

6. PHR 3344 Ale, Puwede Ka Bang Mahalin? by Rose Tan


Sa edad na treinta y siyete ay masasabi ni Mundita na matagumpay na siya. Nalampasan na niya ang mga kalbaryo at pagsubok ng kanyang nakaraan. Wala na siyang ibang gusto kundi ang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng kanyang buhay.
Understandably, the last thing she needed was a guy named Enchong. Anak ito ng kanyang boss. Beinte-otso anyos ito, guwapo, at sa kasamaang-palad ay tinubuan ng paghanga sa kanya. Daig pa nito ang multong hindi matahimik kung magparamdam. Nawiwindang tuloy ang tahimik na mundo niya kaya binigyan na niya ito ng ultimatum:
“In three years, I’ll be forty. `Pag ako ang pinag-aksayahan mo ng panahon, magkakaanak ka ng abnormal! So stop dreaming, Junior!”
Pero tila hindi man lang ito natakot sa sinabi niya…

7. PHR 3345 Miss Tactless Meets Mr. Blunt by Dawn Igloria


“Bingi ka ba o ngayon ka lang nakakita ng guwapo kaya natulala ka nang ganyan?” Iyon ang bungad kay Millie ng lalaking nasalubong niya sa ospital. Paano naman, natulala siya nang mapagmasdan ito—mula cute na buhok hanggang makintab na sapatos—at hindi niya narinig na nakiraan ito.
In fairness, cute naman talaga ito. Pero hindi iyon dahilan kaya siya natulala. Bukas kasi ang zipper ng pantalon nito.
Umandar ang pagkataklesa niya at ipinamukha niya iyon dito kasama pa ng isang nang-aasar na ngisi
Kaya lang, binalikan siya ng kanyang pilyang kapalaran. Magkikita pa pala sila ng supladong lalaki. Titira pa siya sa bahay nito at santambak na asaran pa ang ibabato nila sa isa’t isa.
But in the middle of their crazy encounters, her heart, no matter how hard she fought, was quickly drawn to him.

8. PHR 3346 Teenage Love Story by Belle Feliz


Jucylle was a nobody. Ayos lang sa kanya iyon. Masaya siyang hindi gaanong napapansin at nakikita. Hanggang sa pumasok sa buhay niya si Arkin. He was sort of the school prince. Narito ang halos lahat—gandang-lalaki, yaman, at kasikatan.
Bigla, naging sentro siya ng usap-usapan sa eskuwelahan. Tila lahat ay nagtatanong kung bakit kasa-kasama siya ni Arkin. Ngunit tila walang kaso iyon sa binata. Kahit anong taboy niya rito, hindi ito lumalayo. Namalayan na lamang niyang palagay na ang loob niya rito. Masaya siyang kasama ito at tila ganoon din ito sa kanya.
Pero ano nga ba ang pakay nito sa kanya? Nakikipagkaibigan lang ba ito o tama ang hinala ng marami? That Arkin Luciano—Mr. Somebody—was falling for Miss Nobody…

9. PHR 3347 Tycoon For Hire by Lucy Gordon (translated by Iris Anne)


Jennifer was attending an important business function and she needed a man to accompany her. May nobyo siya pero nagkaroon sila ng away at ilang araw na silang hindi nag-uusap.
She called up a reputable escort agency and requested for a male escort. Si Steven Castillo ang dumating sa bahay niya.
She always hated arrogant and self-assured men, at ito na yata ang pinakaarogante, pinakamayabang at pinakabastos na lalaking nakilala niya. Pero ito rin ang pinakaguwapo.
To her shock, he passionately kissed her on the very first night they met.
Isinumpa niyang hindi na siya makikipagkita o makikipag-usap uli rito. Ito naman ay pumustang siya mismo ang tatawag at makikipag-usap dito.
Never!
Ngunit pagkaraan ng ilang araw ay natagpuan niya ang sariling tinatawagan at kinakausap ito.
It was the start of a bewildering affair between them. Hanggang matuklasan niyang hindi nito sineseryoso ang mga babae…

10. PHR 3348 The Don's Boys: Alejandro Cantor by Vanessa


Bad trip si Zorayda sa isang bakasyunista sa Casa Amore kung saan siya naninilbihan bilang kawaksi. Ubod ng yabang si Alejandro—ang kanilang bisita. Isa itong nilalang na wala na yatang gustong gawin sa mundo kundi gawing miserable ang buhay niya. Kadarating pa lamang nito, pinag-overtime na siya nang todo.
Pero hindi niya kayang itanggi, gumuguwapo ang tingin niya rito sa paglipas ng mga araw. Sa katunayan, parang mas guwapo pa ito sa kanyang one and only na si Pablo.
Back to top Go down
 
February 24, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Company Magazine UK 2010
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: