HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 17, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 17, 2010 Book Release   Wed Feb 17, 2010 1:37 pm

1. PHR 3335 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Catalina by Vanessa


Catalina used to have it all—she was popular, rich, pretty, and in love. Ngunit hindi raw lahat ng magagandang bagay ay nagtatagal. Napatunayan niyang totoo iyon sapagkat nawala sa kanya ang minamahal niya at bumagsak din nang tuluyan ang kabuhayan niya. At nang literal siyang halos wala nang makain ay nakilala niya si Dimas. He was a world-famous pianist, sent from above. Ito ang tumulong sa kanya. He was larger-than-life, he was gorgeous, and he was everything she wanted… if only he smiled more often. Ngunit ano nga ba ang masama kung susubukan niyang pangitiin ito? Maliit na bagay lamang iyon kompara sa naitulong nito sa kaya. At iniisip niyang kung sakaling mapangiti niya ito, baka sakaling mapansin din nitong siya ay isang babaeng pasado naman na maging nobya nito…

2. PHR 3336 I'm Falling For You by Rhiza Pauline


Guwapo at matalino, iyon ang boss ni Kat na si Bernard. Pero ubod din ito ng istrikto, parang de-numero ang galaw, at tila wala sa bokabularyo nito ang salitang “ngiti.”
Ngunit isang araw, naabutan sila ng adoptive parents niya sa bahay sa isang kakatwang sitwasyon. Wala man silang ginawang “milagro” ni Bernard, hindi naniwala ang mga ito lalo at nakatapi lang siya ng kumot.
Kahit anong pagkontra ang gawin niya, itinakda ang kanilang kasal.
Ang ipinagtataka niya, bakit hindi tumutol si Bernard? Tila tuwang-tuwa pa nga ito sa nangyari. At panay ang pagpapakita nito ng sweetness sa kanya…

3. PHR 3337 You Are The Song Of My Heart by Majesty Roque


“I’ll come back to take care of you. I promise, I will.”
Iyon ang pangakong binitiwan ni Daren kay Elijah bago umalis ang binata papuntang Amerika noong fourth year high school sila. Pinanghawakan ni Elijah ang pangakong iyon.
Ngunit mahigit isang dekada na ang lumipas ay hindi pa rin ito bumabalik. Kaya hindi niya inaasahang makikita ito sa high school reunion nila. Sabik siyang makita ito, ngunit natabunan iyon ng pagkayamot dahil nang panahong kailangang-kailangan niya ito ay wala ito sa tabi niya.
Ngayon ay humihingi ito ng tawad. Bumalik na raw ito para tuparin ang pangako nito sa kanya.
Dapat ba siyang magtiwala rito at isugal ang puso niya?

4. PHR 3338 A Fairy Tale by Belle Feliz


Ang makita silang ikinakasal ang isa sa mga pangarap ng mga magulang nina Jacobo at Selena kaya naman mga bata pa lang sila ay ipinagkasundo na sila.
When Selena learned about this, the idea didn’t go well with her. Hindi niya alam ang mararamdaman. Jacobo was her best friend, almost a brother to her. She couldn’t imagine herself loving him romantically.
Alam din pala nito ang tungkol sa kasunduan. Hiniling niya rito na kausapin nito ang kanyang ama na putulin iyon.
“Ayaw mo ba akong makasama habang-buhay?” tanong nito.
“I want to be with you forever, but not as your wife. I can’t see us together like that.”
Masuyong hinagkan nito ang kanyang noo. “You know I’ll give you everything you want. If it’s freedom you want, you would have it,” pahayag nitong may kalakip na lungkot ang tinig.
Natupad ang nais niya.
But when she saw Jacobo with another woman, it was as if a knife went through her heart. Could it be that she was in love with him after all?

5. Stallion Island 7: Alessandrace Sandejas by Sofia


Bilang isang sikat na kayak explorer, naging misyon na ni Summeria at ng mga kapatid niya na makapagsagwan sa pinakamalalim na river gorge sa mundo—ang Tsangpo River ng Tibet. Subalit hindi matutuloy ang mapangahas na paglalakbay na iyon kung hindi kasama si Alessandrace Sandejas, ang lalaking minsan na niyang tinalikuran. At ngayon, siya ang naatasan na magsama rito sa Tibet o hindi matutuloy ang trip nila roon.
But Drace had a quiet life in Stallion Island now. Ang huling bagay na nanaisin nitong gawin ay ang bumalik sa delikadong exploration at ang makita siya.
Handa siyang gawin ang lahat para lang matuloy ang pagtungo nila sa Tibet kasama ito. Kahit maging alipin pa siya nito habang-buhay…
Back to top Go down
 
February 17, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Company Magazine UK 2010
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: