HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 9, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 9, 2010 Book Release   Wed Feb 10, 2010 12:37 am

1. PHR 3330 Way To Your Heart by Angelene Buena


Balot ng lungkot ang buhay ni Sarre nang magkakilala sila ni Travis. Tinawag pa siya nitong duwag dahil hindi niya hinaharap ang mga problema. Kung alam lang nito ang pinagdaraanan niya.
Ang madalas na pagsulput-sulpot nito ang naging daan upang magkalapit sila. Tinuruan siya nitong muling maniwala sa kanyang sarili at sa kanyang pangarap. Higit sa lahat, isang damdamin ang pinukaw nito sa puso niya…

2. PHR 3331 Kissing Mr. Wrong by Sonia Francesca


Kung gaano ka-friendly ang kaibigang doctor ni Annabee, ganoon din ang level ng kasungitan ng pinsan nitong si Arthur. Tila milyones ang halaga ng ngiti nito kaya madalang pa sa patak ng ulan tuwing El Niño kung ngumiti ito. Sa kabila niyon, hindi niya alam kung ano ang nakita ng puso niya rito para mahumaling siya rito, sukdulang makipagkompetensiya siya sa alaala ng namatay na nobya nito.
Inakala niyang madali lang itong mahuhulog sa kanya dahil bukod sa maganda at mabait pa siya—at higit sa lahat, may killer legs pa. Pero pinakawalan na niya at lahat pati ang itinatago niyang charms ay mukhang wa epek pa rin dito.
Hay, naku, malaking problema ito.

3. PHR 3332 Iguhit Mong Muli Ang Pag-ibig by Victoria Amor


Biglaang bumalik si Yuri sa bansa dahil sa sumbong ng kaibigan niya na may babae ang ama niya. At nang makumpirma niyang tama ang sinabi nito ay agad siyang bumuo ng plano at kinasabwat niya ang kinaiinisang lalaki–si Resty.
Ngunit may kondisyon si Resty para sundin ang gusto niya.
“Spend twenty days with me, Yuri. Take it or leave it,” anito.
Wala siyang choice kundi pumayag sa gusto nito, alang–alang sa ikatatagumpay ng plano niya.
Alam niyang laro ang pinasok niya. Pero okay lang dahil matatapos din agad iyon. Subalit nagulantang siya nang matuklasan niyang may mas malaki pa palang laro sa likod ng lahat—at ang mismong ama niya ang game master.
Paano niya mapapanatili ang kontrol niya sa laro kung ang puso na niya ang sumusuko?

4. PHR 3333 Mapaglaro Kong Puso by Faith Madel


Si Arthur Mondragon ang lalaking pinapangarap ng maraming babae. Pero para kay Katrina, ang isang katulad ng lalaki ay hindi dapat hangaan. Lahat na yata ng hindi magagandang ugali ay taglay nito. Bukod doon, isa itong notorious playboy na ang misyon yata sa buhay ay paibigin ang lahat ng magagandang babae at iwan kapag nagsawa na ito.
Hindi niya akalaing ang para sa kanya ay pinakamasamang lalaking nakilala niya ang siya pang magpaparamdam sa kanya ng kalinga at pagmamahal na hindi niya inakalang kayang ibigay ng sinumang lalaki. Pero dapat nga ba niyang paniwalaan ang pagpapahalaga at pagmamahal na iniaalay nito? Paano kung gawin lang din siya nitong laruan?

5. PHR 3334 The Millionaire's Cinderella Wife by Lilian Darcy (translated by Salve Canale)


Isa lang ang pakay ni Sierra kaya siya nagsadya sa opisina ni Raphael de Luna—ang bigyan na ng tuldok ang anumang nakaraan nila. Pero sa muli nilang pagkikita, humingi ito ng pabor sa kanya. At hindi niya nagawang tanggihan ito.
Sa mga araw na magkasama sila, nagbabalik sa kanya ang magagandang alaalang pinagsaluhan nila noon, maging ang damdamin niya para dito.
Paano kung humingi ito ng pangalawang pagkakataon? Paano siya makatatanggi kung pinananabikan niya nang husto ang makasama, mayakap, at mahagkan ito? Higit sa lahat, pinananabikan niyang muling mahalin ito…

6. Stallion Island Series 6: Jairon Vince Yun by Sofia


Kung may lugar sa mundo na ayaw tapakan ni Alexandrea, iyon na marahil ang Stallion Island Riding and Leisure Club. Kahit iyon pa ang pinakamagandang lugar sa mundo, hindi na niya nanaising makita pa ang ex-boyfriend niyang si Jairon Vince Yun. Nang mag-break sila ay hindi man lang siya hinabol nito. Ni minsan ay hindi nakiusap itong bumalik sa kanya. At hindi nito pinahalagahan ang pagmamahal niya kahit isinuko niya ang kanyang pangarap para dito.
But when her brother Alessandrace left for a Tibetan expedition, he left his martial arts dojo Mist Fusion into her hands. At ang aalalay sa kanya ay si Jairon.
Nagsilbing isang malaking battlefield ang Stallion Island para sa kanila ni Jairon. Subalit sino nga ba ang mananalo? Ang isip na nagsasabing hindi na niya dapat mahalin ito—o ang puso niyang hanggang ngayon ay hangal pa rin sa pagmamahal dito?
Back to top Go down
 
February 9, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Company Magazine UK 2010
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: