HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 February 2, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 664
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: February 2, 2010 Book Release   Wed Feb 03, 2010 1:29 am

1. PHR 3323 Sabihin Mong Mahal Mo Pa Rin Ako by Camilla



Minahal ni Miya si Rolf noon sa kabila ng magkaibang estado nila sa buhay. Ngunit may nangyari na naging dahilan upang sila ay magkahiwalay.
Pagkalipas ng ilang taon, muling bumalik ito dala ang isang liham na diumano ay ipinadala niya rito, na nakikiusap dito na tuparin nito ang pangakong binitiwan nito sa kanya noon na mamahalin siya nito habang-buhay.
Ang liham kayang iyon ang magsisilbing tulay para madugtungan ang kahapon nila? Tutuparin nga kaya nito ang ipinangako nito noon sa kanya sa pagbabalik nito o pagdurusa at sakit ang hatid nito sa kanya bilang ganti sa kasalanang inakala nitong ginawa niya rito noon?

2. PHR 3324 Love Hurts by Bernadette Licarte



Five years ago, umibig si Roma kay Lyron Lazarte. At ibinigay niya rito ang lahat, para lang masaktan sa bandang huli. Nalaman niyang nakatakda na pala itong ikasal sa isang babaeng kapareho nito ang estado sa buhay.
Nasaktan siya nang husto kaya minabuti niyang lumayo. Kakayanin niyang makabangon. Kakalimutan na rin niya ito at ang pag-ibig niya rito.
Pero muling nagkrus ang kanilang mga landas. Humingi ito ng tawad sa kanya at sinabi nitong mahal siya nito.
Dapat ba siyang maniwala?

3. PHR 3325 My Precious Jade by Camilla



Minalas na naaksidente ang pamangkin ni Jade. Galit na galit siya sa babaeng bumangga kay Lily. Handa siyang idemanda at ipakulong ito.
Pero sumaklolo ang kapatid nito. Si Dickson Bumatay ang pilit na umareglo sa kaso ng kapatid nito. Ang problema, hindi lang ang kaso ang naareglo nito kundi pati ang puso niya.
Everything was too good to be true. Hanggang sa dumating ang pagsubok sa relasyon nila, at bigla ay pinaalis siya nito.

4. PHR 3326 Prince Solace by Arielle



Bata pa si Lace ay napapanaginipan na niya ang isang matapang na prinsipe na nagngangalang “Prince Solace”. Dahil sa madalas na pananaginip niya ay inakala niyang reincarnation siya ng lalaki. Kaya naman hindi siya sanay na umastang babae. Idagdag pang lalaki ang best friend niya at madalas panlalaking sports ang nakahiligan nila.
Sa kung anong dahilan ay tila konektado ang buhay niya at ang buhay ng best friend niyang si Max sa prinsipeng napapanaginipan niya. Tila sila ang modern-day version ng panaginip niya. Kung sa panaginip ay siya si Prince Solace, ito naman ang sorceress na kalaban ni Prince Solace. Kaya kahit gaano man kamahal ng sorceress si Prince Solace ay hindi maaaring magkatuluyan ang mga ito. Mukhang ganoon din sa tunay na buhay ang takbo ng relasyon nila ni Max. Kailanman yata ay hindi siya ituturing nito na higit pa sa pagiging kaibigan.

5. PHR 3327 My 24/7 Piece Of Heaven by Janelle Kim



Tiniis ni Airabelle ang hindi magandang pakikitungo ni Linkurt sa kanya dahil sa utang-na-loob niya sa ama nito at dahil sa lihim na pagtingin niya rito. Mga bata pa lamang sila ay inis na ito sa kanya.
Pero nang bumalik ito mula sa ibang bansa ay unti-unting nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Nagkaroon tuloy siya ng pag-asang mamahalin din siya nito. Kaagad ding nawala ang pag-asang iyon nang makita niyang tila nagkakamabutihan na ito at ang babaeng noon pa ay hayagan nang nagpapakita ng pagkagusto rito.
Aasa pa ba siyang mapapasakanya ang lalaking inalagaan niya sa kanyang puso sa napakahabang panahon?

6. PHR 3328 Kung Sino Pa Ang Minamahal by Bernadette Licarte



Pagod na si Claude sa pag-iisa kaya naisip niyang mag-propose sa anak ng isang business associate niya. Pareho sila ng katayuan at pananaw sa buhay ng babae kaya sigurado naman ay magkakasundo sila nito. He knew she would be the perfect wife and he would learn to love her—later.
Pero nabago ang lahat ng plano niya nang makilala niya si Emmalyn Sandoval, ang kapamilya ng babaeng aalukin sana niya ng kasal.
Emmalyn was the embodiment of every man’s desire. Maganda, mabait, at simpleng babae ito. But to her, he was her worst nightmare. Kahit daw siya ang kauna-unahang lalaking nagpadama rito ng ganoon katinding atraksiyon ay hindi nito maaaring ipagkanulo ang sarili.
Yet, he was determined to claim a bride. He wanted her—now and forever!

7. PHR 3329 Task Force Kapayapaan: Alex Bacani by Camilla



Mula sa pagkabata ay isa lang ang tanging hangad ni Alex Bacani sa buhay: Pagbayarin ang taong nagbigay ng malaking pilat sa kanyang mukha. Pumasok siya sa military dahil sa misyong iyon. Sa loob ng mahabang panahon, doon umikot ang buhay niya.
Until Georgiana…
Pinagbigyan niya ang kanyang sarili na “malulong” dito—if only for a while. Nang matuklasan niyang ikakasal na ito sa iba, naisip niyang mas mabuti na iyon. Sooner or later ay kailangan din naman niyang iwan ito para sa sariling kaligtasan nito.
Ngunit tila huli na para doon. Naunahan na siya ng taong tinutugis niya…
Back to top Go down
 

February 2, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» Thursday Meeting #3 - 17th February
» Microsoft Office 2010 Pro Plus Build 14.0.4743.1000 (2010 ENG X86 X64)
» TCP/IP E-Book
» Book 11 has a title!
» Book Club

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-