HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 26, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 26, 2010 Book Release   Wed Jan 27, 2010 2:36 am

1. PHR 3316 Awakened Love by Ann Margaret


Nagpunta si Reine sa New York para tuparin ang kanyang pangarap na maging isang sikat na professional fashion photographer doon. Hindi niya inasahan na sa unang trabaho niya ay makikilala niya ang most sought-after male model na si Lancaster “Lake” Faulkner.
Hindi niya maiwasang ma-intimidate dito, lalo na nang nalaman niyang isa itong dugong-bughaw at sa likod ng charming façade nito ay may itinatago itong matinding galit. Pero hindi rin niya maiwasan ang umuusbong na damdamin niya para dito kahit medyo komplikado ang buhay nito.
Nang sa tingin niya ay umaayon na ang lahat sa kanya, saka naman niya nalaman ang tungkol kay Lindsey, ang unang pag-ibig ni Lake na sa tingin niya ay itinatangi pa rin ng binata sa puso nito…

2. PHR 3317 How To Forget Beautiful Memories by Janelle Kim


Mula pagkabata ay lihim nang iniibig ni Feab ang childhood best friend niyang si Dyrus. Pero hanggang sa maghiwalay sila ay hindi niya nasabi rito na mahal na mahal niya ito. Nangako silang magsusulatan pero kahit isang sulat ay wala siyang natanggap mula rito.
Ilang taon ang lumipas bago muling nagkrus ang kanilang mga landas. Nagpalit pa ito ng pangalan dahil ayaw raw nitong magpakilala sa kanya hangga’t hindi nito napapatunayang hindi niya nakalimutan ito. Galit din daw ito sa kanya dahil hindi man lang niya sinagot ang kahit isa sa mga sulat nito sa kanya.
Nagtaka siya.
Paano nangyari iyon?
Nang malaman nila ang dahilan ay saka nila inaming mahal nila ang isa’t isa. Nakahanda na sana silang dugtungan ang kanilang nakaraan nang malaman nila ang isang nakagugulat na katotohanan na nakaambang tuluyang pumutol sa matamis na pagmamahalan nila.

3. PHR 3318 Jhona's Moon Wedding by Arvie Fe Espinosa


Hindi maintindihan ni Jhona kung bakit napakalaki ng galit ni Aldrie sa kanya. They had been on each other’s neck from the very first time they met. Sinabihan pa siya nito na wala siya ni katiting na substance.
Kung tutuusin , wala naman siyang maalalang ginawa niya rito. Ang hindi niya matanggap, kung gaano ang inis na ipinakita nito sa kanya, ganoon naman ito kagiliw sa kapatid niya. Sa katunayan, masugid itong nanliligaw sa ate niya.
Sa kabila niyon, hindi niya napigilan ang pagmamahal na nadarama niya rito, anumang pagtanggi niya. Ngunit may pag-asa ba siya rito kung mula’t sapul ay mababa na ang tingin nito sa kanya?

4. PHR 3319 Prinsesang Kokak by Rose Tan


Determinadong umani ng tagumpay at respeto, lumuwas sa Maynila si Isay at tumira sa poder ng isang mambabatas. Doon ay nakilala niya ang anak nito—si Pepito Jr. na guwapo, mabait, at ubod ng kulit. Dahil sa mga katangian nitong iyon, walang babaeng hindi mai-in love dito. Mabilis pa sa alas-kuwatro, nahulog ang loob niya rito.
Gayunman, hindi siya umaasa na magugustuhan din siya nito. Maganda ang tipo nito. Sa kamalasan, ipinaglihi raw siya sa palakang masama ang loob. Kaya tiis-tiis lang ang kayang puso.
Kaya? Eh, bakit nang may magkamaling manligaw sa kanya, ganoon na lamang ang ngitngit ni Pepito?

5. PHR 3320 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Tanya Maginhawa by Vanessa


Kahit isang dalaga pa ay ginagawa ni Tanya ang lahat para magampanan ang pagiging isang ina sa kanyang pamangkin. Nagtungo kasi sa ibang bansa ang kapatid niya at ilang buwan lang ay hindi na nakibalita ito sa kanila.
Kaya ngayon ay mabigat ang responsibilidad niya. Dala-dalawa ang trabaho niya. Kulang na lang ay gawin niyang araw ang gabi.
Sa gitna niyon ay dumating sa buhay niya ang artistang si Heath Sanders. Pinagkaguluhan ito ng lahat ng babae, tinitilian, kahit sa opinyon niya ay isa lamang itong ordinaryong sanggano.
Sa malas ay nasibak siya sa trabaho nang dahil dito. Lalong parang magugunaw na ang mundo niya nang maaksidente pa ang pinakamamahal niyang pamangkin at kinailangang maoperahan.
Wala siyang trabaho o ari-arian na maaaring isangla o ibenta…maliban na lamang sa kanyang katawan.
Ang unang customer, walang iba kundi si Heath Sanders.

6. PHR 3321 Hopeless Romantic by Roma Borromeo


Three years ago, nagpaalam kay Rena si Ej na kailangan nitong lumayo muna. Hiniling nito sa kanya na kung sakaling gusto na niyang makahanap ng lalaking mamahalin, sana raw ay gawin niya iyon kapag nakabalik na ito. Hindi man niya alam ang dahilan, nangako siyang hihintayin niya ito.
Sa loob ng mga lumipas na taon, she was silently hoping na isang araw ay darating ito. Kapag nangyari iyon, siguro ay mapupunan na ang puwang sa kanyang puso at muli siyang magiging masaya. At siguro ay malalaman na rin niya ang sagot kung bakit bigla siyang hinalikan nito noon bago ito umalis...

7. PHR 3322 Ang Ambisyosang Nagmahal: Lych by Camilla


Minahal ni Lych si Castro noon pa man. Pero umalis ito at iniwan siya sa ere. Pagkalipas ng limang taon, bumalik ito—and promised her forever once more.
She took the gamble and believed him—para lang magkamali uli. Dahil ang inakala niyang totoong pag-ibig ni Castro para sa kanya ay paghihiganti lang pala.
Back to top Go down
 
January 26, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Golden Globes - January 17, 2010
» Trumpeter releases (in the US) for January of 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: