HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 20, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 20, 2010 Book Release   Wed Jan 20, 2010 10:08 am

1. PHR 3306 Loving Paul by Dawn Igloria


Isang hopeless romantic si Roan. In this day and age, she still believed in the fairy-tale kind of love.
Nakilala niya si Paul. He was not a knight-in-shining armor type but he was every inch a prince. Habang lumilipas ang mga araw, tumataas ang level ng interes nito sa kanya. Hindi siya makapaniwala nang parang mahiyaing schoolboy na nag-propose ito ng kasal sa kanya pagkaraan lang ng dalawang buwan!
Kaya lang, tulad sa mga fairy tales, isang wicked witch sa katauhan ni Marvin ang nagbanta sa perfect love story nila ni Paul. May kasangga pa itong villain sa katauhan naman ni Randy.
Sa pinagsamang puwersa ng dalawa na ang misyon ay paghiwalayin sila ni Paul, she realized na hindi pala siya isang perfect princess. Nahihirapan na siyang ipaglaban ang pag-iibigan nila ng kanyang prinsipe. Parang gusto na niyang sumuko. And yet…

2. PHR 3307 Before I Let You Go by Angel Bautista


Sa edad na beinte-singko ay hindi pa nararanasang magka-boyfriend ni Denise. “NBSB” o No Boyfriend Since Birth daw siya, sabi ng mga kaibigan niya. Paano naman ay nuknukan ng pagka-protective ang kanyang mga magulang. Okay lang naman sa kanya ang ganoon. Until she met Niel.
Minsang magkasama sila ni Niel ay tinanong siya nito.
“If I ask you to take me to another adventure, will you?”
Sumama siya at hindi lang adventure ang kanyang natagpuan. She found herself falling in love with him.
Pero mali pala na mahalin niya—dahil nalaman niya kung bakit siya hinihigpitan ng kanyang mga magulang. Iba ang dapat niyang pakasalan at obligasyon niya ang sumunod.
And now, she was faced with the most heartbreaking task of all, saying good-bye to the one she really loved…

3. PHR 3308 Conquering The Pirate Lord by Sofia


Simple lang ang plano ni Jeremie sa pagsama sa cruise— ang mag-relax bago siya bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga responsibilidad niya sa pamilya niya.
Hanggang mapanalunan niya sa isang game ang isang date kasama si Lucian Montecillo, who was also known as the Pirate Lord. He owned Asia’s most promising cruise ship. Guwapo sana ito pero suplado at parang allergic sa mga babae.
Ayaw nito sa kanya and the feeling was mutual. Pero nang halikan siya nito, nayanig ang mundo niya at nagkabuhul-buhol ang tibok ng puso niya.
Natagpuan na lamang niya ang sariling nangangarap na sana ay madugtungan pa ang ugnayan nila…

4. PHR 3309 Black Bureau Elite: But She Conquered My Heart (Agent Whisper) by Noelle Arroyo


Isang anak-mayaman, successful businesswoman, at aktibo sa mga charitable projects. Pero sa Black Bureau, siya si Agent Whisper, criminal profiler for three years. Iyan ang pagkakakilala ng nakararami sa maganda at seryosong si Francesca Lescano.
Siya rin ang klase ng babaeng pinakaiiwasan ng isang playboy na tulad ni Atty. Santino Oliveros. Because she would want commitment forever and men like him commit only for a day. Kung bakit hindi naman mabura sa isip niya ang magandang mukha ni Francesca.
Then he got kidnapped. Sa pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay, the memory that was foremost in his mind was the day Francesca was able to see the vulnerable, scared man that he really was. Nangako siya na kapag nakaligtas siya, titigilan na niya ang paglalaro.
He had a goal—to capture Francesca’s heart…

5. PHR 3310 Falling In Love With My Bodyguard by Haze Prado


Sanay si Nerissa na hinahangaan at pinaluluguran. Kaya nabibigla siya sa ikinikilos ni Lawrence, ang “forced” bodyguard niya. Forced dahil ang daddy lang niya ang may gustong magkaroon siya ng bodyguard. At sa dinami-rami naman ng puwede nitong i-hire, si Lawrence pa na nuknukan ng antipatiko ang pinili nito. Puwes, kung inaakala ng lalaking iyon na ito ang masusunod, nagkakamali ito. Siya pa rin ang amo nito.
Pero tila hindi ganoon ang itinatakbo ng mga pangyayari. May kung anong taglay ito na napapasunod siya nito gayong hindi naman ito gumagamit ng lakas… at dahas.

6. PHR 3311 Love To April by Sydney San Jose


Arogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel. Ang labis pa niyang ikinaiinis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya.
She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who kept criticizing her. At ganoon ang palaging ginagawa ni Miguel. Ang konsolasyon na lamang niya ay palagi itong may nakahandang uplifting words para sa kanya.
Hanggang sa matuklasan niya ang tunay na pagkatao nito. And without even realizing it, nahulog na ang loob niya rito.
Could she be able to handle another heartache?

7. PHR 3312 Baby Of Shame by Julia James (translated by Iris Anne)


Walang hinangad si Rhianna kundi ang iligtas at bigyan ng kaligayahan ang kanyang ama. Buong buhay niya ay wala siyang hinangad kundi ang mapalapit dito. With those in mind, she ran to Alexis Petrakis, head of a massive business empire, the Petrakis International, for help.
Alexis mesmerized her on their first meeting.
On the night of their first meeting, something magical happened between them.
They made love.
Pero iyon na pala ang magiging una at huling pagkikita nila. Sa halip na buuin ang relasyon nilang mag-ama ay dinurog nito ang pagkatao niya.
After five years, they met again.
At hindi niya maintindihan kung bakit sa halip na masidhing pagkamuhi ang maramdaman niya para dito ay tila minamagneto na naman nito ang buong pagkatao niya.

8. PHR 3313 Lover For Hire by Dawn Igloria


Pirmi na lang butata si Edison tuwing liligawan niya si Genevieve kaya ang akala niya ay nagpapa-hard-to-get lang ito.
“Huwag mo nang ituloy ang panliligaw mo dahil ngayon pa lang ay binabasted na kita.”
Winner yata siya sa pakulitan kaya malabong manalo ito sa kanya. Alam niyang babagsak din ito sa mga kamay niya. Guwapo, mayaman, at isa na siyang ganap na doktor. Hindi ba’t ang mga iyon talaga ang hinahanap ng mga babae sa isang lalaki?
“Maghihintay ako hanggang magkaroon ka na rin ng feelings sa akin,” puno ng self-confidence na sabi pa niya.
“Tubuan ka man ng lumot at tahid sa paa, hinding-hindi mangyayari `yon,” mas matigas na deklara nito.
Ang akala niya ay banta lang iyon. Pero natuklasan niya ang kaugnayan nito sa family friend nilang mayaman at higit ang katangian kaysa sa kanya.
But then, giving up was not an option. Lalo pa nga at nakikita niya ang longing sa mga mata ni Genevieve tuwing magkakatitigan sila..

9. PHR 3314 My Sweet Chef by Bernadette Licarte


Bilang isang best dessert chef, napakadali para kay Jewel na i-turn down ang alok ng aroganteng businessman na si Luke na magtrabaho siya sa hotel and restaurant nito. But Luke dared her and she was not the type of woman to back down.
But when she was already in his territory, she found out that her legendary willpower was put to the ultimate test. How could she ignore her annoyingly attractive boss?
Maging susi kaya ang masasarap na dessert para ma-in love ito sa kanya?

10. PHR 3315 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Pipay Caballero-Smith by Vanessa


“I don’t think it would be fair if I don’t tell you some things about me. You see, I really like you, and I like being with you. Matagal na panahon na akong hindi nakakatawa, Pipay. Ikaw lang ang nakapagpatawa uli sa akin. But I can’t hurt you by not telling you what I feel. I still feel something for my ex.”
Aray here, there, and everywhere. Hindi kaagad nakatugon si Pipay sa isiniwalat sa kanya ni Antonio. Masakit, oo, pero nagpapasalamat siya sa pagrespeto nito sa kanya sa ganoong paraan.
“I want to forget her. I want to be with you… Masarap sanang gawin na huwag nang magpaliwanag, na huwag nang sabihin ito sa `yo, pero hindi ko kayang gawin. I guess I just want you to know the truth and at the same time, I am hoping that even with the truth, you would find it in you to… I don’t know, help me out or just be with me and see what happens.”
Willing itong kalimutan ang ex nito, may matinding atraksiyon din ito sa kanya. Nasa kanya ang partida. Bakit hindi siya susubok? Ganoon niya kamahal si Antonio. Sana lang ay may positibong kapuntahan ang sugal na iyon.
Back to top Go down
 
January 20, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Golden Globes - January 17, 2010
» Trumpeter releases (in the US) for January of 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: