HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 13, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 13, 2010 Book Release   Tue Jan 12, 2010 12:10 pm

1. PHR 3294 Morena by Arielle


Dalawa lamang ang dahilan ni Bowden Gerickson sa pagbabalik niya sa Pilipinas: una ay para kunin ang gintong naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama, at ikalawa ay para singilin si Alusia sa kasalanan nito.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang si Alusia ngayon ang “morena” na tribung sumagip sa kanya noon. Ang morena ang nagsisilbing tagapayo at manggagamot ng tribu. Bukod doon may immunity ito sa batas. Lahat ng sabihin nito ay dapat sundin ng buong tribu. Kaya nitong baligtarin ang totoo at iutos ang kamatayan niya.
Ang tanging paraan para makuha niya ang hustisya ay kung mapapaalis niya si Alusia sa pagiging morena. Pero magagawa niya lamang iyon kung makukuha niya ang pagkababae nito.
Kailangan kasing dalisay ang isang morena…

2. PHR 3295 The Don's Boys: Magsaysay Vadelles by Vanessa


“Try to find a woman you’ll really marry,” wika ni Don Timoteo kay Magsaysay. “Really” sapagkat ang babaeng inalok niya ng kasal ay hindi talaga para sa kanya. It was just for show. That was his role, the pretend knight in shining armor.
Ang naisip niya sa sinabi ng matanda ay simple lang: The old man is imagining things. It’s not as if wonderful women just fall from the sky.
Noon may bumagsak sa kanya mula sa itaas, si Adelaida, ang tagapagligtas ni Don Timoteo, ang babaeng tatangkain niyang palayuin sa matanda. Pero sa prosesong iyon ay siya ang napapalapit dito. The woman could ignite his passion just by being him near.

3. PHR 3296 The Last Time I Heard I Love You by Raquel Panganiban


Nagitla si Lili sa mga sinabi ng bagong kapitbahay niya na si Michael na perfect wife material siya at nakahanda itong iharap siya sa dambana. Wala sa plano niya na muling ma-involve sa kahit kaninong lalaki. Two years na umikot ang buhay niya sa isang lalaki para lamang isang araw ay matagpuan niya ang sarili na nag-iisa, walang tiwala sa sarili at pangit ang tingin sa mundo.
Gusto niyang magsimula ng panibagong buhay. Sayang naman kung magmumukmok at manghihinayang siya sa isang lalaking hindi dapat panghinayangan. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay.
But Michael was always a distraction. Ang akala yata nito ay madadala ang lahat ng babae sa lalim ng dimples nito. Ang akala yata nito ay gusto niyang magpayakap sa mga bisig nitong kay sarap yumakap. Ang akala yata nito ay madali lamang siyang magkakagusto sa paraan nito ng pagpapa-cute…
Pero bakit ba siya nadi-distract dito?

4. PHR 3297 Courtesan by Arielle


Tahimik at masayang namumuhay si Shandra sa Plymouth. Kinalimutan at tinakasan na niya ang kanyang nakaraan. Ngunit sa pagdating ni Sebastian Vitto II, hindi lamang nagbalik ang nakaraan niya, nanganib na masira maging ang kinabukasan niya.
Nagbanta kasi ito na sisisirain ang buhay at reputasyon niya kung hindi siya papayag na maging asawa nito at maging ina ng anak nito.
Simple lamang ang dahilan nito. Siya ang pagbabayarin nito sa kasalanang ginawa ni Mason, ang unang lalaking inibig niya…

5. PHR 3298 Danger: Falling In Love (Agent Professor) by Noelle Arroyo


Nagboluntaryo si Trisha Garchitorena, kilala bilang Agent Prof ng Bureau na i-rescue ang isang agent ng Black Bureau at ang pamilya nito. Ngunit dahil hindi naman talaga siya isang field agent, itinalaga ng kanilang chief si Seth Anderson o Agent Sniper para maging kasama niya. It was the first time they would be working closely together. At para ma-accomplish nila ang misyon, kailangang magpanggap sila bilang mag-asawa. Madali lang nilang magagawa iyon. Sanay naman sila sa mga ganoong cover bilang agents.
Pero mukhang sineryoso ni Seth ang pagiging “asawa” sa kanya. At siya naman, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya tuwing tititigan siya nito.
Sa unang pagkakataon, nalagay siya sa sitwasyong hindi niya kayang bigyan ng paliwanag. She seemed to be suffering from a fatal bout of sexual attraction. And Seth was putting her reputation as an elite psychiatrist and profiler in shame.
Absent ba siya noong magbigay ng lesson ang kanyang professor tungkol sa physical attraction?

6. PHR 3299 Love Is In Charge (Agent Chameleon) by Noelle Arroyo


May nagtangka sa buhay ng kinakapatid ni Axel na si Rafe at muli, bumalik sa kanyang buhay ang binata. He was a former best fiend who happened to be her first kiss. At sa pagbabalik nito, nabuksan ang hindi nila pagkakaintindihan noon, habang tinutulungan niya ito na mahuli ang mga nagtatangka sa buhay nito sa tulong ng Black Bureau.
As the Bureau formed a plan to capture the mastermind behind Rafe’s death threats, batid ni Axel na hindi oang takot para sa buhay nito ang nararamdaman niya. It was a deeper emotion, ang damdaming pinangilagan niya noong mga bata pa sila. But she was an adult now, at alam na niya ang gusto niya—si Rafe at ang puso nito.

7. PHR 3300 A Dream's Worth by Laurice del Rio


Para sa ikasisiya ng mommy niya, at para tantanan na siya nito, ay napilitang mag-piano lessons si Ciara. At ang magtuturo sa kanya, aba, hindi basta-basta! In fact, Jordan was a world-class pianist who was simply suffering from a bad case of job burnout. Habang nagbabakasyon ito sa Pilipinas ay nagbibigay raw ito ng lessons kaya nagkumahog ang mommy niya na i-enroll siya.
Hindi maganda ang naging impresyon nila sa isa’t isa at sa unang session pa lang nila ay muntik nang umayaw si Ciara. Pero nasundot ang competitive spirit niya kaya sa bandang huli ay nagpasya siyang ipamukha rito ang kakayahan niyang matuto.
What she didn’t expect was that her admiration of Jordan’s talent would turn to something deeper. Hanggang sa napilitan na siyang aminin sa sarili na mahal na niya ito.
Pero bukod sa wala sa Pilipinas ang buhay nito, ginulantang din siya ng isang bagay na natuklasan niya tungkol dito.

8. PHR 3301 Akala Mo Hindi Kita Minahal by Rhiza Pauline


Ang tanging pangarap ni Heidi ay mapansin ng kanyang ultimate crush na si Jolo. Ito ang dream boy niya at kilig na kilig siya kapag nakikita niya ito. Ngiti pa lang nito, para na siyang idinuduyan.
Kontrang-kontra naman doon ang kababata niyang si Renzo. Malabo raw ang mga mata niya sa pagsasabing guwapo ang kanyang dreamboy. Lahat yata ng binabalak niyang paraan para magpapansin kay Jolo ay isasabotahe nito. Bakit kasi hindi na lang siya nito tulungan?
Ngunit, nang walang kaabug-abog ba hinalikan siya nito, pakiramdam niya’y hindi lang siya idinuyan sa alapaap—pinalambot ng halik na iyon ang kanyag mga tuhod, ginulo ang kanyang isip, at pinabilis ang tibok ng kanyang puso…

9. PHR 3302 Bad Hair Day (A Maty Go Mystery) by Rose Tan


Q: What’s the worst thing that could happen to a romance novelist?
A: Ang maumay kay Fabio.
That was why Maty gave up a lucrative career for something that was as exciting as a wet noodle: ghostwriting for a socialite.
But when the socialite was found dead in her bathtub, Maty decided to investigate. Sa kakaurirat niya, naligalig ang killer—isa sa sangkaterbang suspects niya—at pinagbantaan ang buhay niya.
Dalawa ang puwedeng mangyari:
Malaman niya kung sino ang killer. O malaman niya ang pakiramdam ng kinukuryente sa pamamagitan ng hair dryer.

10. PHR 3303 Kiss And Tell by Sonia Francesca


Sa kabila ng pagkakaroon ng kasintahan ay nakatali pa rin ang panahon at oras ni Madel sa trabaho. Salamat sa guwapo pero workaholic monster na boss niyang si Ganny na walang ginawa kundi tambakan siya ng trabaho. She was really thinking of resigning when she caught her boyfriend Vince cheating on her.
Sa panggigilalas niya, ang dating puro trabaho ang laman ng utak na boss niya ay biglang naglaan ng “gintong oras” nito para lang makalimutan niya ang kataksilan ng boyfriend niya. She wondered why. Isang araw ay nalaman niya kung bakit.
He was in love with her.

11. PHR 3304 Fernando's Hideaway (A Maty Go Mystery) by Rose Tan


Research for her new novel brought Maty back to Bicol, but she did not realize a simple interview with a cult’s founder would lead her to faith’s dark side.
A girl crucified, stabbed and left to die on her cross.
Ah, hindi niya kayang palampasin ang kalokohang iyon. Kaagad siyang naglunsad ng sarili niyang imbestigasyon. Then her stupid boyfriend decided to be romantic, he ended up in the killer’s hands, leaving her with a stupid clue: “RELAX SEE A MOVIE”.
Ano’ng klaseng eng-eng ka, Fernando?

12. PHR 3305 Cat In The Bag (A Maty Go Mystery) by Rose Tan


Missing cat ang hinahanap ni MATY, hindi bangkay. Pero iyon ang natagpuan niya sa isang lumang bahay.
So, what would a disgruntled romance novelist to do?
Find the killer, of course.
It did not hurt to have some help from a gorgeous policeman.

13. Bud Brothers Unlimited Series 9: Holly Is Thy Name by Rose Tan


Kalilipat pa lamang ni Holly sa town house ay napaaway na siya sa kapitbahay. Panalo na sana siya sa digmaan kung walang tagapagtanggol ang kalaban. Si Blas. Hindi lang siya inaway, sinermunan pa siya nito na animo kung sinong matuwid ito.
Sa galit niya, nagkunwari siyang mangkukulam at isinumpa ito. “Magkakasakit ka. Hindi ka gagaling.”
A few days later, panauhin niya si Blas. Humihingi ito ng tawad, nagtatanong ng gamot sa karamdamang tumama diumano rito. Pinayuhan niya itong maglaga ng batong buhay at inumin ang sabaw niyon.
Ginawa naman nito iyon.
Utu-uto, eh.
Huwag lang sanang mabuking na peke siya. Baka pukpukin siya ng batong buhay, and worse, hindi na niya masilayan ang maningning na brown eyes nito.
Back to top Go down
 
January 13, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Golden Globes - January 17, 2010
» Trumpeter releases (in the US) for January of 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: