HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 30, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 30, 2009 Book Release   Tue Dec 29, 2009 5:05 pm

1. PHR 3289 Happy Ever After by Belle Feliz


Jane had been avoiding Duke like the plague. Alam niya kasing laruan lang ang tingin nito sa kanya, someone who would entertain him every time he would visit the Philippines . He was never serious about her.
Isa pang ikinaiinis niya ay hindi nito itinatago sa kanya ang kagustuhan nitong madala siya sa kama .
"Duke, kailan ka titigil?" tanong niya rito.
"Kapag akin ka na," walang gatol na sagot nito.
True to his words, he never gave up in wooing her. Until the inevitable thing happened: she succumbed to his charms.
Ngunit kung kailan natanggap na ng puso niyang mahalin ito, saka naman niya nalamang hindi pala ito nakatadhana sa kanya. Matagal na pala itong ipinagkasundo sa babaeng nagkataong matalik na kaibigan pa niya…

2. PHR 3290 Task Force Kapayapaan: Quintin Evasco by Camilla


Nang magsimulang tumugtog ang tropical dance beat, walang nagawa si Quin kundi mapatunganga habang sumasabay sa tugtog ang malambot na katawan ni Cho. She was graceful, boneless, sexy, and incredibly beautiful.
Hindi mapuknat ang tingin niya rito habang unti-unting hinuhubad nito ang sarong, binibigyan ang audience ng kaunting “preview” hanggang sa tuluyang malantad ang katawan nitong bikini na lang ang tumatabing.
Her hands moved over her skin sensually as if she loved what she felt. She was teasing her audience, making him imagine how she would be damn soft… like silk.
Nang umikot ito habang umiindayog ang mga balakang, may nabuong realisasyon sa kanyang isipan—at hindi niya alam kung matutuwa o mabubuwisit siya roon.
He was going to travel cross-country with a flagpole in his pants.

3. PHR 3291 A Whisper Of Good-bye by Margarette Lewis


Iningatan ni Madison sa puso niya ang naging pangako nila ni Pepper sa isa’t isa noong mga bata pa sila. Ilang taon man ang lumipas ay hindi siya napagod na hintayin ang pagbabalik nito.
Maayos na sana ang lahat kung hindi pumasok sa eksena ang matapobreng nanay ni Pepper. Dahil sa estado ng buhay nila ay hindi siya matanggap nito. Pero hindi siya pinabayaan ni Pepper. Tinalikuran nito ang karangyaan at sumama sa kanya na mamuhay nang simple lamang.
Pero hindi naging madali sa kanila ang mamuhay. Hanggang sa dumating ang punto na kailangan na niyang i-give up si Pepper at tuluyan nang iwan ito.
Lumipas ang ilang taon at muling nagkrus ang mga landas nila. Mapapatawad pa kaya siya nito sa kasalanang hindi naman talaga niya ginawa? Lalo na at may bago nang babae sa buhay nito?

4. PHR 3292 Loving Isla by Camilla


Isang aksidenteng kinasangkutan ng kapatid ni Isla at kapatid ni Jalil ang naging dahilan para magkakilala sila. Ganoon na lang ang shock ni Isla nang mag-propose ng kasal ang mayamang binata sa kanya kahit noon lang sila nagkakilala. Dahil sa ambisyong maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.
Pero kinagabihan ay pinuntahan siya ng nobya ng binata—at nasagot nito ang tanong sa utak niya na may kinalaman kay Jalil, dahilan para kanselahin niya ang kasal…

5. PHR 3293 Denise's Destiny by Rhiana Dizon


Naging isang bangungot ang bakasyong inaasahan ni Denise sa Cebu nang muntik na siyang mapagsamantalahan. Hindi nagtagumpay ang lalaki sa binabalak nito, nang piliin niyang tumalon na lang sa dagat.
She was saved from drowning by Greg, a recluse who lived on an island.
Isang misteryo sa kanya ang guwapong lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kung ipagtabuyan siya nito. She later learned that it had something to do with his hatred for women.
Masidhi ang atraksiyon niya rito kaya isinumpa niyang gagawin ang lahat upang matuto itong magmahal muli. Kahit pa ibig sabihin niyon ay ipagtabuyan siya nito nang paulit-ulit…
Back to top Go down
 
December 30, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: