HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 23, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 23, 2009 Book Release   Tue Dec 22, 2009 5:40 pm

1. PHR 3282 A Father For Lubelle by Camilla



Si Judith ang pindanggang teacher na guardian ni Lubelle—ang kanyang ulilang pamangkin na hindi naman niya kadugo. Alang-alang sa security ng bata, nagpasya siyang kontakin si Errol para ipaalam dito na nagkaanak ito at si Bianca. Ngunit hindi niya inakala na ubod ng sama pala ang ugali ng lalaki. Kaya nagdesisyon siya na hindi na kailanman makikipag-communicate dito.
Pero muling sumulpot ito sa lugar nila. This time, mukha itong maamong kordero. Na-realize niya right there and then na kapag pala hindi grouchy ang mood nito, umaapaw ang taglay nitong karisma! Kaya naman hindi niya naiwasang mahulog ang loob sa guwapong ama ni Lubelle…

2. PHR 3283 Meeting Mr. Nice Guy by Laurice del Rio



“Nagwawala” raw ang nakababatang kapatid ni Raisa kaya sapilitan siyang pinaluwas sa Maynila ng daddy niya upang bantayan ito.
Pagdating sa town house nila, ganoon na lang ang pagkahindik niya nang datnan niya ang isang lalaking tuwalya lang ang nakatakip sa katawan.
Todo-tanggi si Dirk na may relasyon ito at ang kanyang kapatid. Pero duda siya roon kaya nag-imbento siya ng rason para kailanganin niyang manatili muna sa town house.
Sa kabila ng akusasyon niya rito, hindi niya inasahan ang tindi ng atraksiyon niya para dito. Mag-iilusyon na sana siya na baka may pag-asang maging sila, nang tahasang ihayag nito na hindi siya ang tipo nitong babae. Nalaman din niya ang rason ng pag-iiba nito ng trato sa kanya. And the knowledge shattered her ego, and more so, her heart…

3. PHR 3284 Binigkis Ng Halik by Rizza Tayag



Dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay nagkatagpo ang mga landas nina Armi at Earl. Isang halik ang nagbigkis sa kanila. Mula noon ay hindi na naalis sa puso’t isip ni Armi ang lalaki. Gaano man kalayo ang agwat ng kanilang pamumuhay at magkaiba man ang mundo nila ay hindi iyon naging hadlang upang ibigin nila ang isa’t isa. Ngunit bakit parang napakahirap kay Earl na ipadama nang buo ang damdaming iyon sa kanya?
Huli na nang malaman niyang kaya pala hirap itong ipadama ang tunay na damdamin sa kanya ay dahil nakatali pa pala ito sa isang multo ng nakaraan… At kasabay niyon ay babasag sa kanya ang katotohanan ng isang matagal nang lihim tungkol sa kanyang tunay na pagkatao…

4. PHR 3285 This Time You're Mine by Laurice del Rio



Once upon a time ay nagkrus na ang mga landas nina Lara at Dennis. Sa kasamaang-palad, hindi maganda ang naging paghihiwalay nila. Ngayon, makalipas ang kulang-kulang isang dekada ay muli silang nagkita. And Dennis was determined to make Lara his wife.
Ganoon na lang ang pagkahindik—at pagtanggi—ni Lara. Pero sa kalituhan at kagipitan sa sitwasyon ay dumating ang punto na pakiramdam niya ay wala siyang pagpipilian kundi ang pumayag sa kagustuhan ng lalaki. Isang taon lang naman ng buhay niya ang isasangla niya rito bilang kapalit sa pagkalutas ng matinding problema niya.
Pero natuklasan niya na ang Dennis na napangasawa niya ay ibang-iba sa Dennis na nakilala niya noon. He had turned into a guy she could easily fall in love with.

5. PHR 3286 Ang Maitim Na Lihim Ni Maya by Camilla



Batid ni Maya na may phobia na sa kanya si Jinggoy. Sa unang pagkikita pa lang kasi nila ay nahulog siyang nakayapos pa sa sanga ng puno—with all the leaves and insects—na kasama niyang dumagan sa lalaki. Ilang “trahedya” pa ang nangyari pagkatapos niyon kaya talagang hate na hate siya nito. Dahil sinusurot siya ng kanyang konsiyensiya ay sinuyu-suyo niya ito. Hindi niya sukat-akaling dadalhin pala siya sa kapahamakan ng ginawa niyang iyon.

6. PHR 3287 Green Meadows by Arielle



Nagtago sa mundo si Lyfe Carillo dahil sa isang trahedya. Inihanda niya ang sarili sa isang buhay ng pag-iisa at walang pag-ibig. Naniniwala kasi siyang walang lalaking magmamahal pa sa isang tulad niya.
Ngunit nakilala niya si Sven Bernardo. Guwapo ang lalaki, matikas, at puno ng buhay. Ayaw man niya ay natagpuan niya ang sariling nahuhulog ang loob dito.
Wala siyang kamalay-malay na sinadya ni Sven na paibigin siya dahil sa isang lihim—isang lihim na may kinalaman sa bagay na ginawa niya noong hinahangaan at minamahal siya ng lahat ng lalaki.

7. PHR 3288 Task Force Kapayapaan: Oscar Tiglao by Camilla



Forever crush ni Oscar “Oca” Tiglao ang best friend ng Ate Ino na si Virtus Cruz—“Vi” for short. Nang magbalik-bayan ito mula sa Amerika at sa bahay nila tumira, nagkaroon siya ng malaking pagkakataon para sa wakas ay mapasakanya ito.
Maayos naman ang mga pangyayari sa pagitan nila, kung hindi lang sa isang serial killer na tila si Vis ang isusunod na biktima…
Back to top Go down
 
December 23, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: