HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 16, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 16, 2009 Book Release   Wed Dec 16, 2009 8:44 am

1. PHR 3275 Alesia's Tears by Yzabel



Matagal nang pinapangarap ni Alesia si Tristan ngunit isang kid sister lang ang turing nito sa kanya. Suntok sa buwan na mapasakanya ito dahil may ibang laman ang puso nito—si Jolie.
Pero isang di-inaasahang pangyayari ang nagbigay-daan para mabigyan siya ng pagkakataon na makapiling at mahalin ito. Ngunit taliwas sa kanyang inaasahan, hindi pala kaligayahan ang madarama niya sa piling nito.
Kakayanin ba niyang tanggapin ang lahat ng paghihirap para lamang makuha ang pagmamahal na inilaan na ni Tristan para sa ibang babae? Hanggang saan ang kaya niyang gawin para tuluyang maangkin ang inaasam niyang pag-ibig nito?

2. PHR 3276 Jancis' Chance To Happiness by Camilla



Sunud-sunod na kamalasan ang dumating sa buhay ni Jancis kaya lumayo siya para magbagong-buhay. Noon niya nakilala ang isang may-edad na lalaking nagluhog ng pag-ibig sa kanya. Dahil tila ito lang ang solusyon sa mga problema niya sa buhay, napagpasyahan niya na tanggapin ang alok nito.
Ngunit hindi niya inakala na mahuhulog ang loob niya kay Brigham, ang pamangkin ng lalaking sasagutin sana niya. Alam niyang isa itong balakid sa kanila ng Ninong Franco nito; but what if he offered her a chance to happiness?

3. PHR 3277 Catching Gaston by Claudia Santiago



Matagal nang mag-best friends sina Cinderella at Gaston. At tanging si Cinderella lamang ang tunay na nakakakilala sa binata. Sa kabila ng playboy at bad boy image nito, alam niya kung gaano kabuti ito. Damang-dama niya kung paano siya nito pinoprotektahan.
Kaya nga naging misyon niya na tulungan itong ayusin ang buhay nito, ang magseryoso ito lalo na sa pakikipagrelasyon. Kapag nakita niyang masaya na ito sa isang babaeng magmamahal dito ay saka niya haharapin ang buhay-pag-ibig niya. Gusto niyang pareho silang maging masaya.
Pero nang may umali-aligid sa kanyang isang binata, talo pa ni Gaston ang isang guwardiya. Kulang na lang ay bakuran siya nito. Ang dami nitong paalala. Ang higit niyang ipinagtataka ay ang lungkot na nabasa niya sa mga mata nito.
Ano ang ibig sabihin niyon?

4. PHR 3278 Stranded by Camilla



Pumunta si Buffy sa General Santos City para dumalo sa kasal ng bunsong kapatid ng boyfriend niyang si Miguel. Magbabalik-bayan din ito para pag-usapan ang kasal nila. Pero hindi siya nakarating doon as scheduled. Nag-reroute ang eroplanong sinasakyan niya sa Mati Airport sa Davao—at kasama niyang stranded doon nang isang gabi si Vinzon Llaneta.
He made her change her plans about getting married by making her fall for him. But it was a wrong time—and he was a wrong person…

5. PHR 3279 Mga Mukha Ng Pag-ibig by Dawn Igloria



Baliw lang ang hindi magkaka-crush kay Miguel. Baliw rin ang papatol dito dahil natitiyak ni Alpha na luluha lang ng dugo ang sino mang babae na magkakaroon ng relasyon dito. Kaya hindi siya magpapahatak sa napakalakas na animal appeal nito.
Pero doon siya nagkamali. Hindi niya naiwasang ma-attract dito. Cute kasi ang style nito.
Ngunit naputol ang kilig niya nang malaman niyang ito ang bagong lalaki na kinahuhumalingan ng kapatid niyang hemophiliac. Kailangan niyang magpasya.
Nang sumunod silang magkita ni Miguel, iba na ang sirkumstansiya. Napili siyang emisaryo ng kanyang pamilya upang kausapin itong balikan ang kapatid niya…

6. PHR 3280 The Soldier's Bride by Bernadette Licarte



Dahil sa trahedyang nangyari sa kanyang ama at kapatid ay ipinangako niYstella sa kanyang sarili na kailanman ay hindi siya iibig sa kagaya ng mga ito. But fate delivered her into the arms of an irresistible army captain whose charm and gentleness hijacked her heart. Ang pinakamatindi, dahil kay Victor ay napasok siya sa isang kasunduuang makakapagpasya sa may karamdamang ina nito.
She swore not to fall in love with him but the minute she laid eyes on Victor, she was sure he already owned her heart. Pinilit niyang patayin ang damdaming iyon. The trouble was, his sizzling kisses made her secretly long for a real happily ever after… as Victors wife!

7. PHR 3281 The Don's Boys: Alexis Cantor by Vanessa



Unang engkwentro pa lamang ni Mildred kay Alexis ay inis na siya rito. Nagkakilala sila sa Hong Kong kung saan nagtatrabaho siya bilang domestic helper. Ito naman ay isang turista na nagpasama sa kanyang hanapin ang isang address. Mayabang ang lalaki, parang minamaliit siya. Pero salamat dito dahil nagkaroon siya ng ilang daang Hong Kong dollars dahil lang sa pagsasama niya rito.
Ang akala niya ay hindi na niya muling makikita ito ngunit mapaglaro ang tadhana. Muling nagkrus ang mga landas nila at sa isang iglap, inaalok na siya nitong magpanggap na nobya nito. Pumayag siya. Trabaho lang, walang personalan. Pero siya yata ang unang namersonal nang mahulog ang loob niya rito…
Back to top Go down
 
December 16, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: