HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 9, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 9, 2009 Book Release   Wed Dec 09, 2009 2:31 am

1. PHR 3270 Pag-ibig Ang Aking Parusa by Lilian Muñoz



Hindi alam ni Bessy kung paano niya babaguhin ang masamang tingin sa kanya ni Al. Ayon dito ay pinikot lamang niya ito. Anumang paliwanag at pagpapatunay na mahal niya ito ay hindi nito pinaniniwalaan—dahil buung-buo na sa isip nitong ang hangad lang niya sa pagpapakasal dito ay upang isalba ang kanyang pamilya sa paglubog sa kahirapan.
Lahat ng paraan ay naisip niya upang maging maayos ang pagsasama nila at bumalik ang dating magandang pakikitungo nito sa kanya. Ngunit sa halip na mahuli niya ang loob nito, tila lalo yatang sumama ang impresyon nito sa kanya na naging dahilan upang pasakitan siya nito.
Paano ba niya ipauunawa ritong hindi pera ang hangad niya kundi ang puso nito?

2. PHR 3271 Loser Takes My Heart by Angelene Buena



Account executive si NJ ng sikat na advertising company na pag-aari ng ninong niya. Mahal niya ang kompanya at dito na halos umiinog ang mundo niya. May malalim ding rason kung bakit hindi niya iniiwan ang kompanya kahit pinipirata na siya ng kalabang kompanya niyon—dahil kay Ansen, ang anak ng ninong niya at ex-best friend niya.
She wanted to ask for his forgiveness. Nakagawa siya ng kasalanan dito na naging dahilan ng paglayo nito sa kanya. Pero bakit hindi siya makapagsalita nang makaharap niya ito? Ito na ang hahawak ng kompanya at siya ang gusto nitong maging assistant.
Inis na inis siya rito dahil parang bina-bypass na siya nito. Pero ano’t kapag niyayakap at hinahalikan siya nito ay napapahinuhod na lang siya? Naisip din niyang napatawad na siya nito dahil ramdam niyang the feeling was mutual.
Pero nagbago ito nang may nagawa na naman siyang “kasalanan” dito. Sa tingin niya, hindi na siya mapapatawad nito.

3. PHR 3272 Convincing Brody by Claudia Santiago



Isang kasunduan lamang ang lahat sa pagitan nina January at Brody. Nagpanggap silang magnobyo upang mapanatag ang kalooban ng isang taong parehong malapit sa kanila. At kapag natapos na ang kasunduang iyon, wala na silang pakialam sa isa’t isa.
Ngunit sa mga sandaling nagkakasama sila, hindi maiwasang muling mapukaw ang damdamin ni January para dito na inakala niyang naibaon na niya sa limot. Alam niyang imposibleng matugunan ang damdaming iyon dahil mula nang maloko ng isang babae si Brody ay kinalimutan na nito ang salitang “pag-ibig.”
Pero dapat ba siyang sumuko, lalo pa at nakikita niyang masaya si Brody kapag magkasama sila?

4. PHR 3273 The Don's Boys: Wyatt Katigbak by Vanessa



Sa isang eroplano unang nakita ni Catherine si Wyatt. Ang unang impresyon niya rito ay “nerd” ito. Mula noon ay hindi na ito pumasok sa isip niya dahil sa dami ng kanyang problema.
Hindi niya inakalang magkikita pa uli sila ng lalaki at ito pa ang magiging tanging pag-asa niya nang malagay siya sa alanganin. Nasa gitna sila ng karagatan at ito lang ang maaaring magligtas sa kanya sa kanyang kapalaran...

5. PHR 3274 I Can't Let This Feeling End by Janelle Kim



Para hindi makulong ang kapatid ni Fin na bumasag sa windshield ng kotse ni Nikkolai ay pumayag siya sa kondisyon nito na maging maid nito sa loob ng tatlong buwan. Pero bakit parang hindi maid ang turing nito sa kanya? Ito pa nga ang naglalagay ng kanin at ulam sa plato niya tuwing kumakain sila.
He was a playboy. Kung gusto raw niyang mag-aaply bilang isa pang girlfriend nito ay tatanggapin siya nito.
No way! Por que ba guwapo, matangkad at maganda ang katawan nito ay inaakala nitong papayag siya?

6. Stallion Island 5: Chrome Venitio by Sofia



Sahara was one of the most sought-after commercial endorsers after winning an Olympic gold medal. Siya rin ang napiling bagong endorser ng Stallion Shampoo and Conditioner kaya siya napadpad sa pamosong Stallion Island.
Subalit may isang requirement para magawa niya ang Stallion Shampoo commercial. Kailangan niyang matutong sumakay sa kabayo na siyang tatak ng bawat commercial ng Stallion Shampoo. But she hated horses.
Isang lalaki ang naatasan para magawa niya ang trabaho niya—si Chrome Venitio, ang stable master ng Stallion Island. Subalit si Chrome ang isang taong ayaw na niyang makita o makasama.
Ito at ang pamilya nito ang sumira sa pamilya niya. At ito rin ang lalaking kahuli-hulihang pagbibigyan niya ng kanyang puso kahit ito pa ang piliin ng puso niya.

7. GEM 46 Mahalin Mo Akong Muli by Carissa Nobleza

[font=Trebuchet MS]

Angelika’s relationship with her husband was on the rocks. Iyon ang dahilan kung bakit nagpasya siyang lumayo muna rito at bumalik sa Pilipinas.
Sa Pilipinas, nagkrus uli ang mga landas nila ni Matthew, ang lalaking hinabul-habol niya noon. This time, he tried to win her back.
Sinikap niyang huwag magpatukso rito. Ngunit dahil mahal pa rin niya ito ay natibag ang kanyang depensa.
Ipinagkaloob niya ang sarili rito.
Sa kabila ng nangyari, iniwan niya ito at nagbalik siya sa kanyang asawa sa New York upang resolbahin ang hindi nila pagkakaunawaan. Ngunit sa kanyang pagbabalik, maraming mga bagay ang naungkat tungkol sa nakaraan—mga bagay na talagang nagpagimbal sa kanya…
Back to top Go down
 
December 9, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: