HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 25, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 25, 2009 Book Release   Wed Nov 25, 2009 5:40 am

1. PHR 3264 Shepherd Of My Heart by Dawn Igloria



Nahaharap sa malaking dilemma si Wina. Mahal niya si Dr. Dave Recio ngunit kailangan niyang piliin ang pasyente nitong si Migs. Maaari namang sundin na lang niya kung ano ang sinasabi ng kanyang puso. Iyon din ang payo ng mga taong malalapit sa kanya. Pero nakokonsiyensiya siyang talikuran si Migs dahil nakasalalay sa kanya ang kaligayahan nito sa natitirang panahong ilalagi na lamang nito sa lupa. Ayaw niyang baunin nito sa hukay ang sakit ng kalooban kung sakaling biguin niya ang pag-ibig nito.
But then, she couldn’t just let go of Dave.
Paano nga ba niya pakakawalan ito?

2. PHR 3265 Karugtong Ng Isang Pag-ibig by Victoria Amor



Namatay ang nobyo ni Lara mahigit isang taon na ang nakalilipas pero parang hindi nawala sa kanya ang kanyang kasintahan dahil sa presensiya ng kakambal nitong si Gabriel—na nangakong aalagaan siya kahit ano ang mangyari. He remained faithful to that promise. He took care of her more than she had expected.
Pero sa paglipas ng mga araw ay natagpuan na lang ni Lara ang sarili na nalilito—dahil parang may kung anong nasa pagitan nila ni Gabriel. It was deeper than the gratitude she felt…and even deeper than Gabriel’s guilt…

3. PHR 3266 All Or Nothing by Laurice del Rio



Nang inarkila ng isang kakilala ang serbisyo ni Mavie bilang interior designer ay nakahanda siyang gamitin ang talent at skill niya para bigyan ng bagong bihis ang bahay ng nabiyudong si Drake.
Pero natuklasan niyang hindi lamang pala bahay nito ang nangangailangan ng expertise niya kundi pati ito at ang anak nito. Nahalata agad niya na may kinikimkim ang mga ito sa dibdib. They should be moving on with their lives but it was very clear they were stuck.
Drake was hell-bent on moving on. Kaya nga natuwa ito nang makita nitong nag-o-open up sa kanya ang anak nito.
Ramdam niya na may interes sa kanya si Drake. Nakakakilig iyon dahil interesado rin siya rito. Ngunit kailangan niyang harapin ang katotohanang malabong mahalin siya nito. She knew she was nothing but a means to drive away his loneliness. At hindi sapat sa kanya ang ganoon lang.

4. PHR 3267 My Heart's Desire by Bernadette Licarte



Pilit mang iwasan ni Ayesha ay tila nakatadhana nang magkrus ang mga landas nila ni Miguel Buencillo, ang boss at kaibigan ng fiancé niya. Namahay sa puso niya ang animosidad kay Miguel dahil sa paniniwala niyang ito ang dahilan ng wala sa panahong pagkamatay ng kanyang fiancé.
Pero paano niya ipapaliwanag ang kabang nararamdaman niya tuwing lalapitan siya ni Miguel? Miguel was powerful, rich, handsome and arrogant. But she had to maintain her wit. She had to fight her feelings because she didn’t want to enter a world of false hope and games of passion that could break her heart.
Hanggang kailan niya matitiis na hindi pagbigyan ang ibinubulong ng kanyang puso?

5. PHR 3268 Second Chances by Camilla



Lasing na lasing si Helga habang nagsasayaw sa engagement party ng kanyang kaibigan, practically ruining it—and her reputation, if that was still possible. Naging rebelde siya nang magloko ang kanyang ama, na sinundan ng panlilinlang sa kanya ng ex-fiancé niya na may asawa palang bakla. Sa party na iyon, nagkakilala sila ni Lucien.
Nang maging head chef ang lalaki sa restaurant kung saan siya ang sous chef, unti-unting nagliwanag ang kanyang madilim na mundo. She fell in love and became whole again—only to be shattered once more when she thought Lucien betrayed her…

6. PHR 3269 Carmelo Azarcon And The Queen Of The Damned by Camilla



Napilitang magtrabaho si Nadja bilang exotic dancer dahil sa mahigpit na pangangailangan. Kahit disente naman ang trabaho niya, wala siyang ilusyon na may isang matinong lalaki na seseryoso sa kanya.
Until Carmelo Azarcon.
Ipinadama nito sa kanya ang tunay na kahulugan ng pagsuyo. She fell in love with him.
Pero naglaho itong parang bula noong mga panahong kailangang-kailangan niya ng isang sandigan…
Back to top Go down
 
November 25, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: