HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 18, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 18, 2009 Book Release   Wed Nov 18, 2009 9:18 am

1. PHR 3258 Reel Romance by Arielle



Mahiyain at geek si Dr. Lawrence Lancaster. Si Matthew Hendrick naman ay isang sikat na modelo at oozing with self-confidence. Magkaibang-magkaiba man sila, isang babae lamang ang bumihag sa kanilang mga puso--si Eva Constantinides.
Pero maliban sa pangalan ay kapwa wala na silang alam tungkol sa dalaga. Masyadong misteryosa ito. Sa katunayan, hindi nila alam kung saan hahanapin ito.
Bigla na lamang kasi itong naglaho!

2. PHR 3259 He'll Break You Every Time by Dream Grace



Ang akala ni Sarie ay na-love at first sight sa kanya ang guwapong lalaking lumapit sa kanya dahil sinabihan siya nito ng linyang, “Ikaw na nga ang hinahanap ko.”
Handa na sana siyang iwan ang pagiging single lady niya.
Pero nag-iilusyon lang pala siya—dahil hindi ang pag-ibig niya ang kailangan nito, kundi ang mukha niyang nais nitong ipinta.
Nais din nitong buhayin sa kanya ang katauhan ng isang babae mula sa isang misteryosong nakaraan…

3. PHR 3260 Saving Jamil by Claudia Santiago



Kahit hindi pa personal na nakikita ni Race si Jamil Aniceto ay buo na ang paniwala niyang kalahi ito ng mga lalaking manloloko—tulad ng kanyang lolo at ng kanyang ama. Hindi lingid sa marami ang pagiging palikero nito. Ngunit hindi siya nakatanggi nang kunin nito ang serbisyo niya bilang interior decorator ng unit nito.
Hindi niya inakala na ang lalaking kinainisan niya ay siya ring pupukaw sa kanyang puso. Alam niya, may damdaming nabubuo sa puso niya para dito. Ngunit natatakot siya. Hindi niya alam kung kaya niyang sumugal para sa pag-ibig…

4. PHR 3261 Love's Song by Angela del Mar



Pakiramdam ni Laraine ay nakita na niya ang kanyang soul mate sa katauhan ni Josh Rodriguez. Alam niyang mahal na mahal din siya nito. Pero nagbago ito mula nang sumikat ito bilang isang recording artist. Bukod sa halos wala na itong panahon sa kanya, binabale-wala pa siya nito sa kaunting panahong mayroon sila para magkasama. Mas may panahon pa ito sa mga babaeng umaali-aligid dito.
Wala na ang Josh na minahal niya kaya nagpasya siyang iwan ito. Pero iniwan man niya ito, hindi naman niyang magawang kalimutan ito…

5. PHR 3262 The Pleasant, The Lovely Dr. Sunny Lovely by Camilla



A fresh start. Iyon ang gustong mangyari ni Johannes sa buhay niya nang mamatay ang kanyang ina at dispatsahin siya ng unang pamilya nito mula sa tahanan ng kanyang mga magulang. Sa halip na sa Maynila dumiretso ay napapayag siya ng kaibigan niyang si Urbano na manatili sa cattle ranch nito sa bayan ng San Antonio para gumawa ng feasibility study sa isang negosyong balak nitong simulan.
Doon niya nakilala si Dr. Sunny Lovely, ang maganda pero medyo weird na veterinarian sa rancho. Innocently enough, he stepped into her world and he never wanted to go back. Tuloy, ang “sandaling” pananatili niya sa San Antonio ay naging “indefinite.” Habang tumatagal siya roon ay hindi niya naiwasang umasa na isang araw ay hindi na magiging indefinite iyon kundi “for good” na.
Sana lang ay maniwala si Dr. Sunny Lovely kapag sinabi niyang ito ang dahilan ng kanyang pananatili roon.

6. PHR 3263 Campus Girl: Starr, The Bratinella by Heart Yngrid



Starr hated Jerry. Dahil sa sobrang inis niya rito ay tumakbo siya bilang presidente ng student council ng engineering department upang kalabanin ito. Sa lalong pagkainis niya, pinagtawanan siya nito at minaliit ang kakayahan niya. Kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para matalo ito.
Pero nang minsang muntik na siyang mapahamak, iniligtas siya nito. Mula noon, tuwing malalagay siya sa kapahamakan, lagi itong naroon para iligtas siya. Kaya ang gamansiyon na inis niya rito, unti-unting naging bahay-kubo. At tuluyan nang nagiba ang “bahay-kubo” nang lalo itong bumait at naging maalalahanin sa kanya. Hanggang isang araw, natagpuan na lang niya ang sarili na in love na rito. Kaya ang plano niyang maging presidente ng student council ay biglang nabago at naging “first lady ng presidente ng student council…”
Back to top Go down
 
November 18, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: