HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 11, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 11, 2009 Book Release   Wed Nov 11, 2009 1:09 am

1. PHR 3248 Winning Jaguar by Claudia Santiago



Akala ni Tanya, wala nang katapusan ang sayang nadarama niya nang matagpuan niya ang lalaking nagpatibok sa kanyang pihikang puso. Ngunit nalaman niyang niloloko lang siya nito. At upang hindi na siya guluhin nito, hiningi niya ang tulong ng matalik niyang kaibigan—si Jaguar Aniceto—at hiniling niya ritong pakasalan siya nito.
Siguro ay magandang pundasyon ang pagkakaibigan nila dahil wala siyang maireklamo sa pagsasama nila. He made her laugh, he made her happy. Higit sa lahat, sa paglipas ng mga araw, gusto niyang alagaan ito.
Ngunit ganoon din ba ang nararamdaman nito sa kanya?

2. PHR 3249 Gantihan Mo Ako... Ng Pag-ibig by Yasmin Joo



Mula nang iwan sila ng kanyang ama at mag-isang itinaguyod siya ng kanyang ina, ipinangako ni Lovely sa kanyang sarili na gagantihan niya ang mga lalaki. Hindi mahirap gawin iyon dahil biniyayaan siya ng napakagandang mukha. Bawat lalaking lumalapit sa kanya ay pinaiibig niya at kapag nagawa na niya iyon ay iniiwan na niya ang mga ito.
Until she met Cedrick. Lahat ng plano niya ay nakalimutan niya. Para ngang nabaliktad ang sitwasyon. Kagaya na siya ng mga lalaking pinaibig niya at ito naman ay ginampanan ang dating papel niya. Ayaw man ng kanyang isip sa ginagawa niya, iyon naman ang gustung-gusto ng kanyang puso. At mas matimbang ang tawag ng kanyang puso kaysa sa isip niya.
Parang kagaya niya ay may plano rin si Cedrick laban sa mga babae. Nang mapaibig na kasi siya nito nang lubos ay bigla na lang siyang iniwan nito…

3. PHR 3250 Ned Azarcon And His Tiny Dancer by Camilla



Dala ng matinding pangangailangan, napilitang magtrabaho bilang exotic dancer si Geraldine. Ang unang sabak niya ay sa isang stag party. Doon ay binastos siya ng mismong groom-to-be.
To the rescue naman si Ned Azarcon, ang mabait at gentleman na kaibigan ng grom-to-be. Sa concern nito sa kanya, inalok siya nitong maging yaya ng anak nito sa pagkabinata.
Pumayag siya sa alok nito. Pero hindi lang ang pagiging yaya ang kinarir niya kundi ang pagiging girlfriend ng guwapong ama ng kanyang alaga. Maayos naman ang lahat—hanggang sa bumalik sa eksena ang ina ng paslit at ex-girfriend ni Ned.
At isa itong bruhang kontrabida sa buhay niya!

4. PHR 3251 Loving My Ex by Almira Jose



Instant attraction ang nadama ni Fe nang makita niya si Lyle sa kauna-unahang pagkakataon. Walang pag-aatubili na nagpa-cute siya rito at umani naman ng positibong resulta ang pagsisikap niya. Niligawan siya nito at naging sila.
Lyle was the perfect boyfriend. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamapalad na babae sa buong mundo dahil siya ang pinili nitong mahalin. Naging maligaya at maalwan ang pagsasama nila sa mga sumunod na taon. Ang akala niya ay wala nang katapusan iyon.
But as the saying goes, all good things must come to an end. Dala ng mga pangyayaring hindi maiiwasan ay nagkahiwalay sila.
She believed with all her heart that the two of them deserved another shot. Nangako siya sa sarili na gagawin ang lahat maibalik lang ang dating samahan nila.
Magtagumpay kaya siya?

5. PHR 3252 Love Months by Arielle



Nang magpasya ang mga kapatid ni Cannon James Earl Santiago na ihanap siya ng mapapangasawa ay wala siyang nagawa kundi sundin ang mga ito.
Kakaiba ang paraan ng matchmaking na ginawa ng mga kapatid niya. Ang bawat isa ay ipapakilala siya sa babaeng para dito ay karapat-dapat sa kanya. Sa loob ng isang buwan ay titira sa bahay niya ang isa sa mga babae para makilala niya ito nang husto. Oras na makilala niya ang babae ay saka siya magdedesisyon kung sino sa mga ito ang mamahalin at pakakasalan niya.
Hindi naging mahirap para sa kanya ang pumili. Unfortunately, nagkaroon siya ng amnesia. Hindi niya matandaan kung sino sa mga babae ang minahal niya!

6. PHR 3253 Sweet Memory by Raquel Panganiban



Meme knew she was in love with Jiggs. But her heart was torn into pieces when she saw him making out with her best friend!
Blutz was there to comfort her. She thought maybe he could help her forget about Jiggs and save the last piece of pride left in her.
She flirted with him.
Ang problema ay na-in love siya rito. Higit pa iyon sa pag-ibig na inakala niyang naramdaman niya noon para kay Jiggs.
Pero nagalit si Blutz sa kanya nang malamn nito ang tungkol sa damdamin niya. Pinaratangan siya nitong ginagawa lang niya itong panakip-butas. Which was true—before.
Iniwasan siya nito na halos ikaloka niya.
How could she make him believe that she was really and truly in love with when he didn’t want to have anything to do with her anymore?

7. PHR 3254 Your Fool by Camilla



Napilitan si Eula na kontakin ang ama ng kambal na pamangkin niya dahil aalis siya patungong Canada.
Nang makita ni Fitz Florrez ang mga bata, agad nitong natanto na hindi kailangan ng DNA testing para patunayang anak nito ang kambal.
Ang mga pamangkin lang niya ang concern niya. Pero hindi niya naiwasang mahalin si Fitz. He seduced her so he could dump her.
Nang magpakita uli ito ng interes sa kanya, pinigil niya ang sariling bumigay uli rito. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin iyon. For the sake of love, would she allow herself to be his fool again?

8. PHR 3255 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Remedios Castro by Vanessa



Napatunayan ni Remedios na hindi lang pala lalaki ang napipikot kundi maging babae rin.
Pinikot siya ni Rufino kaya galit na galit siya rito.Tinanggal nito sa kanya ang karapatang magpakasal sa lalaking isang dekada nang karelasyon niya.
Ngunit bakit kay bilis kumupas ng kanyang galit kay Rufino?
Pinakasalan nga kaya siya nito dahil mahal siya nito o mayroon itong ibang motibo?

9. PHR 3256 Pictures Of You by Laurice del Rio



Mukhang pinagti-trip-an ng tadhana si Faye dahil si Astron na itinuturing niyang “peste” sa buhay niya ang siya pang makakasama niya sa isang mahalagang assignment na magpapatunay kung gaano siya kagaling na potograpo. Ganoon din ang saloobin nito sa sitwasyon pero yaman din lang daw na hindi siya tumanggi sa proyektong iyon ay titiisin na lang nito ang presensiya niya.
Pero habang ginagawa nila ang kanilang trabaho ay nadiskubre nilang may nade-develop sa pagitan nila at hindi lang mga larawan iyon.
Pakiramdam ni Faye ay may pagtingin na rin sa kanya si Astron. Asang-asa na siya. Iyon nga lang, kung kailan may napipinto nang mangyari sa kanila ay saka naman may inamin itong katotohanang masaklap para sa kanya.

10. PHR 3257 My Heart Belongs To You by Rhiza Pauline



Unang kita pa lang ni Megan kay Roper ay masasabi na niyang ang kagaya nito ang nanaisin niyang makasama habang-buhay. Pero sa kaguwapuhang taglay nito ay “taken” na ito.
Ngunit hindi doon natapos ang kuwento nila. Hindi niya akalaing makakasama niya ito sa iisang bubong nang takasan niya ang kanyang ama—dahil nais siyang ipakasal nito sa foreigner na nakilala nito sa chatroom. Iyon daw ang sagot para gumanda ang kanilang kabuhayan.
Sa paglipas ng mga araw na kasama niya si Roper ay napagtanto niyang mali ang inakala niyang “taken” na ito. Parang bukal ng tubig na tumapon ang damdamin nila para sa isa’t isa. Hanggang sa mag-propose ito ng kasal sa kanya.
Walang pagsidlan ang kaligayahan niya sa piling nito.
Subalit biglang nagbago ito nang dumating ang ex-girlfriend nito…
Back to top Go down
 
November 11, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: