HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 4, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 4, 2009 Book Release   Wed Nov 04, 2009 5:21 am

1. PHR 3243 Ark Azarcon And The Lovely Orphan by Camilla



Ang akala ni Mariole ay nakatagpo na siya ng isang pamilyang matagal na niyang pinapangarap sa piling ng mayamang mag-asawa na umampon sa kanya. Pero nagkamali siya. Hindi pala suwerte ang natamo niya dahil bale-wala naman siya sa mga ito.
Nang makilala niya si Ark, muli siyang nagkaroon ng pag-asa na magkaroon ng isang pamilya. Mahal niya ito.
Pero sinaktan lang nito ang puso niya…

2. PHR 3244 All About Love by Angel Bautista



Wala lang sapatos si Jessica kaya sila nagkakilala ni Matthew. He gave her a bunch of white roses, a pair of slippers, and a night the two of them would never forget.
Pagkalipas ng dalawang buwan ay nagkaproblema siya at nag-alok si Matthew ng “perfect solution.”
“Magkaka-baby na tayo at sexually attracted tayo sa isa’t isa. That’s more reason to get married than most people have,” sabi nito.
Simple enough? Hindi masyado—dahil isa lang naman talaga ang gusto niya: ang pangatlong rason para magpakasal sila.
She wanted his love.

3. PHR 3245 Cassandra by Camilla



Malaki ang utang-na-loob ni Cassy sa kapatid niyang si Anita. Ito ang nagtaguyod sa kanya, ang nagsilbing pangalawang ina niya. Kaya naman gagawin niya ang lahat para masuklian ang kabutihan nito sa kanya.
Nang malagay ito sa isang alanganing sitwasyon, willing siyang akuin ang kasalanang ibinibintang dito para maisalba ito. Kahit ang maging kapalit pa niyon ay ang pagkasuklam ni Ethan sa kanya—ang lalaking lihim na itinatangi ng kanyang puso...

4. PHR 3246 Somewhere In My Heart (Tales Of The Traveling Bling): Michelle by Rose Tan



The grade school principal would not take “no” for an answer. Kaya napilitan si Michelle na humarap sa tanggapan nito para pag-usapan ang problema ng kanyang pamangkin. Tutal, sesante na rin siya sa trabaho, she had time in her hands.
Her bitchiness was not prepared for the principal’s good looks and charisma. In an instant, Al changed her opinion of educators. No longer were they boring and naïve. At naisip niyang si Al ang susi upang mapasakanya ang editorial position sa isang parenting magazine. She would write a feature about the dashing principal. Pero bago mangyari iyon ay kailangan muna niyang paamuin ito at himukin na magpa-interview.
It wasn’t easy. Bukod sa mailap ang lalaki, mayroon ding ubod ng ganda at sexy na single mother sa eskuwelahan na nagbabantay sa guwapong punong-guro.
Sa kagaya niyang biniyayaan ng charms, it was an impossible mission. Kaya hinalikan niya si Al...

5. PHR 3247 Maeve, The Substitute Fiancée by Dream Grace



Tiniis na lang ni Maeve ang pang-aapi at pananakit sa kanya ng kanyang tiyuhin at tiyahin at mga pinsan dahil sa utang-na-loob. Pero ang hindi niya matanggap, halos ipagbili na siya ng tiyuhin niya sa kaibigan nitong congessman na kulang na lang ay maging lolo niya.
Hiningi niya ang tulong ni Derrick Raval. Nagawa naman siyang maitakas nito. Pero ayon dito, ito naman ang hihingi ng tulong niya. Kailangan niyang magpanggap ng fiancée nito. Inaakit kasi ito ng hipag nito, at baka tantanan na ito ng babaeng iyon kapag nalaman nitong may fiancée na si Derrick.
Dinala siya nito sa hacienda ng pamilya nito sa Isla Fuego.
Hindi niya inaasahan na ang kanilang pagpapanggap ay mauuwi sa totohanan. Pero hindi pala “and they lived happily ever after” ang istorya nila dahil ang Prince Charming niya ay wala palang pagmamahal sa kanya…
Back to top Go down
 
November 4, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: