HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : Previous  1 ... 10 ... 16, 17, 18  Next
AuthorMessage
faith_madel
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 341
Registration date : 2009-07-07

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Thu Dec 10, 2009 1:58 pm

"The best time for planning a book is while you're doing the dishes."

Ngayon ko lang nabasa 'yan pero ginagawa ko 'yan. ^_^
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/faithmadel
cute_poison_alynn
Junior
Junior


Number of posts : 45
Age : 28
Registration date : 2009-01-26

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Thu Dec 10, 2009 1:53 pm

The best time for planning a book is while you're doing the dishes. ~Agatha Christie

Wala lang, share ko lang kahit off topic. Natawa lang ako ng mabasa ko'to.
Back to top Go down
robiespitz
Senior
Senior


Number of posts : 279
Age : 29
Registration date : 2009-09-13

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Fri Nov 27, 2009 9:22 pm

yahhh...ang galing noh??as in they're giving their precious time para makatulong sa mga aspirant...ahahha!!!more power senyo miss sofia, miss camilla:)
Back to top Go down
roma.borromeo
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 2816
Age : 30
Location : Marilao, Bulacan
Registration date : 2009-05-02

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Fri Nov 27, 2009 9:13 pm

ang babait naman nila...

sana mameet ko din sila in person...
Back to top Go down
mei_sanchez
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 164
Age : 40
Registration date : 2009-03-15

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Fri Nov 27, 2009 12:56 am

Salamat sa maraming reply nila Sofia at Camilla, mga batikan at magagaling na writers. Thank you for spending your time answering this inquiry. Tama nga kayo, kabisado na kasi ng mga editors ang formula ng romance novels kaya ganoon. Kahit na parang dinadaanan ng pison ang puso natin sa rejections, learning ground pa din iyon.

Kay Ms. Sofia, wala akong masabi diyan, mabait talaga. She takes her time na magbigay ng payo (syempre sinusunod ko naman-hehe!).
Back to top Go down
roma.borromeo
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 2816
Age : 30
Location : Marilao, Bulacan
Registration date : 2009-05-02

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Thu Nov 26, 2009 9:35 pm

tama...

sayang pero tama naman sila...

para nga naman mas nakakakilig ang dating...
Back to top Go down
Clara
Master
Master


Number of posts : 692
Age : 28
Location : Caloocan City
Registration date : 2008-04-13

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Thu Nov 26, 2009 9:24 pm

Yun kasi yung nagig feelings ko sa first rejection ko. Hanggang sa basahin ko ulit nitong nakaraang buwan. Hehehe!
Back to top Go down
roma.borromeo
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 2816
Age : 30
Location : Marilao, Bulacan
Registration date : 2009-05-02

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Thu Nov 26, 2009 9:15 pm

clara tama ka...

haha

kaya lang hesitant ako talaga na alisin iyong tawag na kuya nung gurl sa boy sa story ko...

iyon kasi suggestion nila... pero sinunod ko...
Back to top Go down
Clara
Master
Master


Number of posts : 692
Age : 28
Location : Caloocan City
Registration date : 2008-04-13

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Thu Nov 26, 2009 8:43 pm

Kahit sa unang basa ntin sa mga words natin ay ikakaila nating tama yung mga comments nila. Pero paglipas ng mga araw ay saka lang natin mapagtatanto na tama pla.
Back to top Go down
roma.borromeo
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 2816
Age : 30
Location : Marilao, Bulacan
Registration date : 2009-05-02

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Wed Nov 25, 2009 2:16 pm

true!
tama!
kailangan lang maging guide iyong mga comments and suggestions nila...
Back to top Go down
Clara
Master
Master


Number of posts : 692
Age : 28
Location : Caloocan City
Registration date : 2008-04-13

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Wed Nov 25, 2009 1:47 pm

At yung mga comments nila very useful para hindi mo na magawa ulit.
Very Happy
Back to top Go down
roma.borromeo
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 2816
Age : 30
Location : Marilao, Bulacan
Registration date : 2009-05-02

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Tue Nov 17, 2009 5:41 pm

yap tama ka sofia... ang comments huwag masamain... tanggapin ito in a positive way...

mas madali nga ngang maggogrow sa career mo if you take negative criticisms positively...
Back to top Go down
sofiajade
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 1096
Age : 34
Location : Rodriguez, Rizal
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Mon Nov 16, 2009 11:22 pm

Siyempre masayang makapasa kayo pero huwag naman sana sa expense ng ibang tao. Kasi hindi naman ikaw ang pinupuri nila. Idea ng ibang tao iyon. Pero ma-pride kasi ako as a writer. Lahat ng klase ng hirap na pwedeng pagdaanan ng writer, pinagdaanan ko. Iniiyakan ko ang manuscript ko kapag super ngarag ka. Naranasan kong makipag-argue sa editor to defend my work. Hindi siya madali.

Anyway, sa mga returned MS tingnan lang ninyo mga comment ng editors. Makakatulong iyan para malaman ninyo saan kayo mag-i-improve. Tanggapin ninyo ang comment nila. mas pahalagahan ninyo iyon kaysa sa comment ng kamag-anak, kaibigan at ng mga kabaranggay ninyo kasi sila ang magpapasa ng novel ninyo. Hangga't di sinasabi ng editor ninyo na okay, praning ako. Nagiging critical ako sa sarili kong gawa. Para kung di man pumasa, di ako dismayado. tapos kung ipinasa at feeling ko may dapat pa akong i-polish, inaayos ko. That is kung di ako inaatake ng katam.
Back to top Go down
http://www.sofiashaven.proboards107.com, www.myprecioustreasures
Clara
Master
Master


Number of posts : 692
Age : 28
Location : Caloocan City
Registration date : 2008-04-13

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Mon Nov 16, 2009 9:27 pm

Korek po kayo Ms. Sofia...
Ako nga kahit na-reject... Walang sawa akong pinakinggan ng best friend ko e.
Hehehe!
Back to top Go down
roma.borromeo
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 2816
Age : 30
Location : Marilao, Bulacan
Registration date : 2009-05-02

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Mon Nov 16, 2009 5:52 pm

thanks ms. sofia...

tama ka, mas fulfilled ka na naaprroved ang gawa mo kung alam mo sa sarili mo na iyo ang kwentong iyon...

lalo ka pang masisiyahan kapag nagustuhan ng mga readers iyong gawa mo...
Back to top Go down
sofiajade
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 1096
Age : 34
Location : Rodriguez, Rizal
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Mon Nov 16, 2009 1:42 pm

As long as its original, maging proud kayo sa gawa ninyo que reject or approved or revised. Mahalin ninyo ang sarili ninyong idea. so advice ko be original. at umiwas sa plagiarism. kasi ma-approve nga kayo, kung malaman namang kinopya lang ninyo mawawalan kayo ng credibility. Tandaan natin, di sa lahat ng time maitatago natin mga ganyan. May makakatuklas at makakatuklas niyan. At di lang credibility mawawala sa inyo. Pwede pa kayong makulong. Observe media ethics.

May mga novels na "inspired by". Na-inspire ka lang sa idea pero hindi naman lahat kinopya mo mula unahan hanggang dulo. Basta tandaan ninyo na you are expected to submit something original. So be original. Maraming istorya diyan. Kaya nga kanya-kanyang experience at character ng tao. Kanya-kanyang uniqueness. ganoon din sa story. Kaya goodluck!
Back to top Go down
http://www.sofiashaven.proboards107.com, www.myprecioustreasures
cute_poison_alynn
Junior
Junior


Number of posts : 45
Age : 28
Registration date : 2009-01-26

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Sun Nov 15, 2009 9:21 pm

Correct ka d'yan, Ms. Sofia minsan nga mas nakakagulat pang malaman na na-approve ka kaysa na-reject eh. Bigla kang mapapaisip na "Ha? Naapprove? Sigurado ba silang nagustuhan nila yung sinulat ko?" haha! Sanayan lang sa pagtanggi ng ibang tao sa mga sinusulat mo...
Back to top Go down
sofiajade
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 1096
Age : 34
Location : Rodriguez, Rizal
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Sat Nov 14, 2009 8:57 pm

Ako most of the time di siya masaya sa laman ng utak ko. So kuha lang ng kuha ng information. MInsan kasi basta na lang may mati-trigger sa utak ko kahit tamang tsismisan lang. Ewan ko ba sa creative department ng utak ko. MInsan feeling ko alipin lang ako na taga-type. HIrap din mag-isip, no?

Sa mga gustong ma-approve, wag matakot mag-try ng bagong ideas. Kasi goal ko nung baguhan pa lang ako na writer, gusto kong maging kakaiba. Gusto ko kapag nabasa ang gawa ko, alam ko akin iyon. Di nila sasabihing nabasa ko na 'to sa ganyan o sa ganoon. Saka huwag matakot sa rejection. Kasi kung takot ako sa rejection, malamang di na ako nagsulat pa ever. MAsakit lang ma-reject pero later on, masasanay ka rin. hehehe!
Back to top Go down
http://www.sofiashaven.proboards107.com, www.myprecioustreasures
yasmin_joo
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 653
Registration date : 2009-07-19

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Thu Nov 12, 2009 7:07 pm

Ms. Sofia..!!!--->>

korak po kayo! hehe...
kelangan din talaga may laman ang utak.

ako kung may writer's block...
katamaran lang. haha! Smile
Back to top Go down
http://yasmin-joo.blogspot.com
Clara
Master
Master


Number of posts : 692
Age : 28
Location : Caloocan City
Registration date : 2008-04-13

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Thu Nov 12, 2009 4:05 pm

sofiajade wrote:
basta alam ko kapag may "writer's block" ako, nag-iinarte ang demanding na creative department ng utak ko. O kaya humahanap lang ng bonggang eksena utak ko. Mga ganon. Nandiyan lang naman ang ideas. Kung walang maisip, e di gumawa ng paraan para may maisip ang utak. Mahirap mag-isip pag walang laman ang isip. So lagyan ng laman.

Tama po kau sa sina bi nyo MS. Sofia...
Mahirap mag-isip kung wlang laman ang isip (Parang linya ko yan sa mga students ko n pasaway)
Hehehe!
Back to top Go down
sofiajade
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 1096
Age : 34
Location : Rodriguez, Rizal
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Thu Nov 12, 2009 1:54 pm

basta alam ko kapag may "writer's block" ako, nag-iinarte ang demanding na creative department ng utak ko. O kaya humahanap lang ng bonggang eksena utak ko. Mga ganon. Nandiyan lang naman ang ideas. Kung walang maisip, e di gumawa ng paraan para may maisip ang utak. Mahirap mag-isip pag walang laman ang isip. So lagyan ng laman.
Back to top Go down
http://www.sofiashaven.proboards107.com, www.myprecioustreasures
Clara
Master
Master


Number of posts : 692
Age : 28
Location : Caloocan City
Registration date : 2008-04-13

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Wed Nov 11, 2009 1:51 am

mariane.reign wrote:


kung ganon, mukhang hindi
lang day off ang ginagawa ng neurons ko.
parang one year leave na.
nag-resign na nga yata.

Hahaha!
Hindi naman siguro nag-resign ang mga iyan...
Eh di ibig sabihin yung akin nagsipag-welga?!?
Kasii puro numero daw ang laman e.
Hahaha!
Back to top Go down
yasmin_joo
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 653
Registration date : 2009-07-19

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Tue Nov 10, 2009 8:21 pm

wahaha!

oo nga....
iba-iba talaga pananaw ng mga tao pagdating sa writer's block.

yung iba sinasabi na katamaran lang...
hehe...
siguro nga totoo yan.

pero kahit ano man yan, basta wala kang masulat sa papel...
it's writer's block.
marami nga lang causes kung bakit ganun...
hehe
Back to top Go down
http://yasmin-joo.blogspot.com
mariane.reign
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 3469
Age : 22
Location : Kalibo, Aklan
Registration date : 2009-03-04

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Tue Nov 10, 2009 8:00 pm



kung ganon, mukhang hindi
lang day off ang ginagawa ng neurons ko.
parang one year leave na.
nag-resign na nga yata.
Back to top Go down
Clara
Master
Master


Number of posts : 692
Age : 28
Location : Caloocan City
Registration date : 2008-04-13

PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Tue Nov 10, 2009 7:54 pm

mariane.reign wrote:


hindi ko alam kung merong
writer's block o sadyang katamaran lang
talaga. ..

Sa tingin ko katam lang iyan e...
Or day off ng mga nuerons ntin yan
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...   Today at 7:48 am

Back to top Go down
 
SECRET PARA MA-APPROVE ANG MS...
View previous topic View next topic Back to top 
Page 17 of 18Go to page : Previous  1 ... 10 ... 16, 17, 18  Next
 Similar topics
-
» secret village of the sepllcasters
» The Secret of Sentarra: The Calling
» Annual RCA secret postcard sale
» Secret Santa gives out $100 bills to help the poor
» Secret Valentine~

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: General Discussion-
Jump to: