HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 October 28, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 664
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: October 28, 2009 Book Release   Tue Oct 27, 2009 10:29 pm

1. PHR 3233 Miss Kulit Meets Mr. Sungit by Dawn Igloria



Napansin agad ni Alexa si Johndy dahil cute ito kahit seryoso ang mukha. Kaya gumawa siya ng paraan para makilala ito. Ngunit hindi siya nito pinansin.
Hindi siya pumayag na i-snub-in nito ang beauty niya. “Alam mo, mukha ka pa namang doktor pero simpleng sagot lang sa taong magalang na nagpapakilala sa iyo, binastos mo pa.”
Kumunot ang noo nito. “Look, hindi ko na siguro kasalanan kung pusong-mamon ka. Nagmamadali ako. Wala akong oras sa mga babaeng gusto lang magpapansin sa akin.”
Alexa was dumbfounded. Hindi lang pala ito suplado, may-pagka-conceited pa. Na-challenge siya rito. Paaamuin niya ito hanggang sa mahulog ito sa mga kamay niya. Kaya lang, hindi pala ganoon kadaling mahalin ito. Balde-balde na ang ipinawis niya sa paghabol dito pero ibang babae pala ang kinahuhumalingan nito...

2. PHR 3234 A Duchess For Duke by Camilla



Walang karapatan si Mallory na magwala nang mahuli niya ang kanyang “asawa” at ang isang babae na magkaulayaw. Peke ang kasal nila ni Duke. Bukod doon, nauna ang babaeng iyon sa buhay nito. Sa labis na sama ng loob ay naaksidente siya at nagkaroon ng amnesia.
Nang muling magtagpo sila ni Duke, isa na itong estranghero. And Mallory fell in love with the “stranger” so easily. Pakiramdam niya ay wala nang katapusan ang kaligayahan niya—hanggang sa masauli ang kanyang memorya at matuklasan niya ang kaugnayan nila sa isa’t isa…

3. PHR 3235 Sana Bukas, Tayo Pa Rin by Elizabeth McBride



Bata pa lang si Mara ay naiinis na siya kay Elija. Para sa kanya ay hindi karapat-dapat ito na maging ring bearer. Hindi kasi nito iningatan ang wedding ring na simbolo ng pagmamahalan ng mga ikakasal.
Sa paglipas ng mga taon, hindi niya inaasahang iibigin nila ang isa’t isa. Pinatunayan nito sa kanya na mali ang lahat ng sapantaha niya rito. Pero sa kabila niyon ay iniwan niya ito sa araw mismo ng kanilang kasal dahil sa tawag ng obligasyon sa pamilya.
Labis nitong dinamdam iyon. Hindi nito sinagot ang mga sulat niya. Ilang taon ang lumipas bago niya natanggap na hindi sila ang para sa isa’t isa kahit ito ang kaisa-isang lalaking minahal niya. Saka niya nadiskubreng iniingatan pa rin nito ang kanilang wedding ring…

4. PHR 3226 Ang Ambisyosang Nagmahal: Mimi by Camilla



Si Mimi na lang ang natitirang walang asawa at nananatiling pobre sa magkakaibigan. Dahil sa pagkapikon sa nanay niya na ayaw siyang pag-asawahin para huwag maputol ang pagtataguyod niya sa pamilya nila, naglayas siya at lumuwas sa Maynila. Doon ay naging personal assistant siya ng sikat na singer na si Clide Benito.
Sa biro ng tadhana, minsang nalasing sila ay may nangyari sa kanila. Dahil doon, nagsimulang umasa ang puso niya. Pero alam niya, hindi siya magiging kasimpalad ng mga kaibigan niya pagdating sa pag-aasawa. Alam niyang masasaktan lang siya kapag hinayaan niya ang sariling magumon sa pag-ibig niya kay Clide. Kaya bago pa siya maitaboy nito, siya na ang kusang lalayo...

5. PHR 3237 Chasing Yohan by Claudia Santiago



Siguradung-sigurado si Yohan na hindi ang tipo ni Dom ang lalaking magugustuhan niya. Mahilig siyang magsaya samantalang ito ay laging seryoso sa lahat ng bagay. Isa pa, wala silang pinagkakasunduang kahit ano.
Pero isang pangyayari ang naging sanhi upang dito siya dumepende, magtiwala, at kumuha ng lakas. At sa bawat araw na nakakasama niya ito, nakita niya kung gaano ito kabuti. Masaya ito sa simpleng buhay at batid niyang bahagi siya ng kasiyahang iyon. Dahil kapag tumitingin ito sa kanya, nasa mga mata nito ang kislap ng pagmamahal at pag-aaruga sa kanya. Batid niya, sa piling nito ang buhay na gusto niya.
Hanggang sa bigla na lang sumulpot ang dating nobya nito na nagsasabing nais nitong bumalik sa buhay ni Dom.
Papayag ba siya?

6. PHR 3238 Angelo, My Shining Treasure by Victoria Amor



Isang kakatwang paid role ang tinanggap ni Marga sa pakiusap ng half sister niya. Wala siyang kaide-ideya na dalawa pala silang artista sa palabas na iyon at isa lamang ang subject nila. Lalong wala siyang ideya na sa mga susunod na araw ay isang panghabang-buhay na role ang gagampanan niya sa parehong partner—si Angelo, ang lalaking wala yatang oras na hindi nakangiti. Naisip niyang ito ang kailangan niya para magkaroon ng kulay at sigla ang malungkot na existence niya.
And Angelo did give her exactly what she needed—a companion and friend.
Kung sana ay kaya niyang paghilumin ang sugat sa puso nitong dulot ng nakaraan nito at baguhin ang pintig ng puso nitong tumitibok para sa isang babae lamang…

7. PHR 3239 Love Contract by Laurice del Rio



Kabaligtaran si Verna ng mga babaeng gugustuhin ng mama ni Warren na mapangasawa nito. Pero dahil may ibang motibo ang binata ay kinulit siya nitong maging girlfriend nito. Handa pa itong magbayad nang malaki pumayag lang siya. Medyo nainsulto siya nang malaman niya ang rason kung bakit pero gusto rin niya ng mapaglilibangan kaya pumayag siya. Siniguro nga lang niya na may mahihinata siya.
Things seemed to work out well. Hanggang sa matuklasan ni Verna na parang nag-iiba na ang damdamin niya para sa binata. Kung hindi ba naman siya tinamaan ng matinding kabaliwan, diyata at nai-in love na siya rito?
Nagkaletse-letse na ang lahat nang may bumalik sa buhay ni Warren. At sa pagkakataong iyon ay tila iisa ang opinyon nito at ng mama nito. That woman was THE one for him. Wala na yatang magagawa si Vernan kundi pulutin ang mga tipak ng kanyang nagkapira-pirasong puso.

8. PHR 3240 Somewhere In My Heart (Tales Of The Traveling Bling): Trini by Rose Tan



Naiwang nakatunganga sa pansitan si Trini nang ipagpalit siya ng boyfriend niya sa best friend niya at lokohin pa siya ng mga ito sa negosyo. Hindi na yata matatapos ang kamalasang dumapo sa kanya kaya nang may nag-alok sa kanya ng pampasuwerte raw na bracelet ay binili niya.
Ang kaso, imbes na suwerte ang dumapo sa kanya ay nadagdagan lang ang malas sa buhay niya. At iyon ay sa katauhan ni Ondoy, ang beterinaryong overwhelming ang tuliling. Pero kailangan niyang pakisamahan ito dahil ito na ang bagong landlord niya.
Pero may ginintuang-puso pala ang lalaki. Nang kailanganin niya ang tulong nito ay hindi ito nagdalawang-isip na magpanggap bilang ex-boyfriend niya, makalusot lang sa imposibleng sitwasyon kinasuungan niya. Sumobra lang ang “acting” nito, tuloy ay kailangan nilang magpakasal.

9. PHR 3241 Aifa by Camilla



Nakilala ni Aifa si Sigmund nang panahong kailangan niya ng makakausap. She enjoyed his company, until they ended up in bed. Pakiramdam niya ay nawala siya sa kasalukuyang mundo niya dahil nasa piling siya nito.
Nang magkalayo sila ay itinangi at itinago niya ang mga sandaling iyon sa puso niya. Alam niyang mali ang ginawa niya. Handa na siyang ituwid ang lahat nang magkrus muli ang mga landas nila. Muling nagising ang damdamin niya para dito.
Pero mukhang imposibleng magkaroon iyon ng tugon—dahil halos madurog siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya...

10. PHR 3242 Somewhere In My Heart (Tales Of The Traveling Bling): Blinky by Rose Tan



Secret crush ni Blinky si Melencio noong high school days nila. Fifteen years later, hindi na secret iyon at hindi na rin niya crush ang lalaki. Mayabang na kasi ito. Pero ibinubuyo sila sa isa’t isa ng mga dating kamag-aaral nila na nagpaplano ng kanilang reunion. Para matigil ang mga ito ay sinabi niyang “in a relationship” na siya. Madali lang maghanap ng boyfriend kung kailangan niyang may maipakita sa mga ito.
Hindi pala. Sobrang hirap pala. Sa kadesperaduhan ay isang “taong-grasa” ang naisip niyang paliguan at bihisan para maiprisintang boyrfriend niya.
“Baka drawing lang `yan,” komento ni Melencio.
Bakit ba ayaw maniwala ng tinamaan ng magaling?
Back to top Go down
 

October 28, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» Semiconductor Database 2009 Multilanguage [ECA VRT DVD 2009].rar
» Kuiz Bulan October
» Fort Burgoyne Dover October 2011 ..(revisit)
» October 2011 Charity Shop, Thrift Store or Fleamarket finds
» TCP/IP E-Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-