HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 21, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 21, 2009 Book Release   Wed Oct 21, 2009 1:59 am

1. PHR 3226 For The Love Of Lé by Dawn Igloria



Mahal daw siya ni Lè. Ikinakilig iyon ni Ara Nemia. Siya kasi, hindi lang niya mahal ito, kundi mahal na mahal.
Dahil sa pagmamahal na iyon ay marami siyang isinakripisyo, pride na nilunok, paninindigan na nagiba at paniniwalang itinakwil.
May nagsasabi sa kanyang hindi tamang makipagrelasyon siya kay Lè. Hindi na lang niya iyon pinansin. Para sa kanya, ang pagmamahal ay hindi sinusukat, hindi inuuri. Ang pagmamahal ay buong pusong pagtanggap sa isang tao kasama ang mga kalakasan at kahinaan nito.
Ngunit paano kung matuklasan niyang kaya lang siya niligawan ni Lè ay upang gamitin para pasakitan ang babaeng nanakit dito noon? Patuloy pa rin ba niyang mamahalin ito?

2. PHR 3227 Pebbles by Camilla



Unang nakilala at nagustuhan ni Pablita “Pebbles” Tumambing si Ogden Lozada, ngunit ang naging nobyo niya ay ang pinsan nitong si Charles. Nang mapahamak siya nang dahil kay Charles, bigla na lang nawala ito na parang bula. Si Ogden ang sumagip sa kanya. Pero kinailangan niyang lumayo at putulin ang komunikasyon sa mga Lozada, hanggang matagpuan niya ang sarili na gumaganap na ina sa sanggol na half brother niya.
Nang muling magtagpo ang mga landas nila ni Ogden at nakita nito ang batang si Paulito, gusto nitong ipilit na sabihin niya kay Charles na may pananagutan ang huli sa kanya. Paglalayuin na naman ba sila ng maling akala nito na si Charles ang ama ng “anak” niya?

3. PHR 3228 Campus Girl: Jela, The Drama Club Princess by Heart Yngrid



Malaki ang kasalanan ni Jela kay Jacob. Sa takot na gantihan siya nito ay pinagtaguan niya ito.
Hanggang sa magkrus uli ang mga landas nila pagkalipas ng ilang taon. Nakakita ito ng alas na puwedeng ipang-blackmail sa kanya kaya naging sunud-sunuran siya sa mga gusto nito. Mula sa pagiging production assistant, tila na-demote siya sa pagiging errand girl ng demanding pero oozing with sex appeal na binata. Inis na inis siya rito dahil wala siyang magawa para kontrahin ang gusto nito.
Pero aakalain ba niyang isang araw, buong pusong susundin niya ang lahat ng gusto nito kung ang ibig sabihin niyon ay makakasama niya ito?

4. PHR 3229 Searching For Love by Laurice del Rio



Cara had had enough of cheating men. Pagkatapos na mabiktima siya ng dalawang babaerong boyfriends, isinumpa niyang hindi na siya iibig uli.
Pero parang nang-iinis ang kapalaran dahil ipinasok nito sa buhay niya si Nikkos Villamante, guwapo at mayaman pero isang ultimate playboy.
Inalok siya nitong maging sila raw. Pero walang commitment. They would just seize the moment and enjoy each other’s company. No fuss, no frills.
She decided to take his challenge. Big mistake, she later realized. Kapag kasama niya ito, pakiramdam niya ay siya ang pinakaespesyal na babae sa mundo. Tila ipinadala ito upang patunayan sa kanya na hindi lahat ng lalaki ay manloloko.
In other words, she was in love again!
Ang kaso, nalaman niyang “once a playboy, always a playboy” dahil nahuli niya itong may kayakap na ibang babae…

5. PHR 3230 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Blanca Dimagiba by Vanessa



Natuklasan ni Blanca na ang sitwasyong kinalalagyan niya ay isa lamang laro, isang mapanganib na laro ng mga taong mahalaga sa kanya—ang kanyang kapatid at ang lalaking inakala nitong asawa nito. At siya ang naipit sa gitna ng lahat ng iyon nang maakit siya sa lalaking bawal niyang mahalin. Paano na ang puso niyang hindi marunong makipaglaro?

6. PHR 3231 Ang Ambisyosang Nagmahal: Shai by Camilla



Lucky charm ang turing ng tatay ni Shai sa kanya kaya palagi siyang isinasama nito sa sugalan ng Ninong Goryo niya. Doon sila nagkita ng masungit na kinakapatid niya na si Dave. Pulos kasungitan ang ipinapakita nito sa kanya, kaya nagulat siya nang bigla na lang siyang halikan nito nang awayin siya ng admirer nito.
She fell in love with Dave. Pero may ibang plano ang kapalaran para sa kanya. Napadpad siya sa Hong Kong. Ngunit pagbalik niya sa Pilipinas, nagkrus muli ang mga landas nilang dalawa.
Would their story end with a happy note this time?

7. PHR 3232 Huling Mahal by Mei Sanchez



Ang buong akala ni Sophie ay may calling siya sa pagmamadre. Pero nang makilala niya si Dean ay nagkaroon siya ng pagdududa sa kanyang bokasyon.
Nagpasya siyang lumabas ng kumbento. Sa ginawa niyang iyon ay nagkaroon sila ni Dean ng pagkakataon na magkalapit hanggang sa matagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na umiibig dito.
Nalaman niyang may damdamin din ito para sa kanya, kaya hindi na niya pinahirapan ito.
Nagsimulang magulo ang pagsasama nila nang magbalik mula sa Canada si Jane, ang dating nobya ni Dean. Napaka-vocal nito sa pagsasabi na nagbalik ito sa bansa dahil mahal pa rin nito si Dean. Alam niya kung gaano kamahal ito ni Dean noon kaya nangamba siya para sa relasyon nila ni Dean.
Sa paglipas ng mga araw ay natuklasan niyang may dapat nga pala talaga siyang ikapangamba—dahil ayon kay Jane ay buntis ito at si Dean ang ama ng bata!

8. Kristine Series 53: I Have Kept You In My Heart by Martha Cecilia



Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of her past. She was six weeks pregnant. Ayon sa lahat ay isa siya sa dalawang taong nakaligtas sa isang banggaan ng bus at pickup truck na nahulog sa bangin. She was told days later that she was Mrs. Emmy Javier, ang asawa ng isa pang nakaligtas sa aksidente.
Subalit paanong hindi niya maramdaman na asawa nga niya si Philip Javier? Totoong wala siyang maalala sa nakaraan niya, pero hindi ba at hindi naman nakalilimot ang puso? Bakit sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang pananabik sa ibang lalaki? Lalaking sa palagay niya ay kabahagi ng pagkatao niya?
Back to top Go down
 
October 21, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Hagens Berman investigates missing e-book royalties
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: