HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 14, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 14, 2009 Book Release   Tue Oct 13, 2009 6:48 pm

1. PHR 3218 Summer Nights by Joan Jean



Pinaniwala nina Summer at Alden ang kanya-kanyang mga magulang na may relasyon na sila. Ang totoo ay may lihim na ring pagtingin si Summer sa binata, pero hindi niya maisisiwalat iyon dahil sinabihan siya nito na hindi siya wife material.
May compromise lang sila ni Alden dahil sa kasalanang nagawa niya rito. Kailangang idispatsa niya ang mga babaeng nali-link dito.
Pero isang gabi ay may nangyari sa kanila. Hindi kaya may gusto na rin ito sa kanya?
Paano niya ngayon haharapin ang sitwasyon?

2. PHR 3219 Sa Kabila Man Ng Lahat by Faith Madel



Tuwing iiwan si Jennifer ng daddy niya sa bahay ng kumpare nito para pabantayan sa inaanak nitong si Troy ay sinasamantala niya ang pagkakataong iyon para magpapansin sa binata. Pero si Marla pa rin ang gusto nito at hindi siya. Hanggang sa pagtungo niya sa Amerika ay baon niya ang pait sa kanyang puso.
Years passed, nagbalik siya sa Pilipinas. Isang malaking sorpresa ang sumalubong sa kanya. Sa muling pagkikita nila ni Troy ay bigla itong nagtapat ng pag-ibig sa kanya.
Nagtalo ang puso’t isip niya. Ang sabi ng isip niya ay huwag siyang maniwala. Sumalungat ang puso niyang nagsasabi na huwag na siyang magpakipot dahil sa kabila ng lahat ay mahal pa rin niya si Troy.
Umiral ang kapilyahan niya. Pahihirapan muna niya si Troy bago niya sundin ang totoong idinidikta ng kanyang puso…

3. PHR 3220 A Heart That Doesn't Forget by Iris Anne



Serene was attacked by a man who almost killed her.
He got away. Mabuti na lang at nalaglag ang wallet nitong may lamang IDs. Sa sobrang galit niya, inilagay niya sa blog niya ang litrato nito at isinulat doon kung gaano ito kasamang tao. She got sympathies from her readers.
Big mistake!
She later learned that the man in the IDs was Roddy Zarate, a young executive. Biktima rin pala ito ng attacker niya, nakuha ang wallet at kotse nito. He was now in a coma.
It was a case of mistaken identity.
Itinama naman agad niya ang kanyang pagkakamali.
When she visited him in the hospital and saw his handsome face, she knew it was love at first sight.
She patiently waited for him to come out of his coma. Pero nang dumating iyon, hindi siya mapakali.
Paano kung malaman nito ang ginawa niyang paninira dito sa blog niya? Mapatawad kaya siya nito?

4. PHR 3221 Sweet Revenge by Bernadette Licarte



Anika fell in love at eighteen with a stranger named Maximus. Inakala niya na ito na ang kanyang buhay. Pero pagkatapos na maibigay niya ang buong puso at kaluluwa niya rito ay iniwan siya nitong luhaan dahil sa isang bagay na wala siyang kinalaman.
Nang magkita silang muli pagkalipas ng maraming taon, muli kayang mag-alab ang pag-ibig na matagal na panahong iniyakan niya?

5. PHR 3222 Ang Paniningalang-pugad Ni Purificacion by Camilla



Pagkatapos mabigo sa kanyang unang pag-ibig, kay Gary Castillo lang muling napukaw ang puso ni Purificacion Salvacion Paraluman H. Salve, aka Nora. Nang saluhin siya nito nang mahulog siya sa entablado, ang puso niya ang natuluyan sa pagkahulog. Ora mismo ay nagdesisyon siya na ito ang lalaking pakakasalan niya—at walang makapipigil sa kanya.
Nang magtagumpay siya sa paniningalang-pugad dito, hindi niya in-anticipate ang sakit na maaaring idulot ng kaalamang nakikipagmabutihan ito sa babaeng sadyang mahal nito…

6. PHR 3223 Tiburcio Ingrasal by Camilla



“Ano naman ang gusto mo? Ipangalandakan natin sa mundo ang ginawa natin?” sabi ni Inocencia kay Tibbs pagkatapos na may mangyari sa kanila.
“Ikinahihiya mo ba ako?” Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki na tila hindi nito alam kung magagalit o maguguluhan ito.
Nainis si Ino dahil gusto niyang i-assure ito na hindi niya ikinahihiya ito. She inwardly shook herself. "Hello? You’re not my boyfriend. Hindi dahil may nangyari sa atin ay may relasyon na tayo, Tiburcio. Hindi ba’t diversion lang ito?”
Nagtiim ang mga bagang nito.

7. PHR 3224 Love, Believe by Angela del Mar



Kung si Aleia ang masusunod, ayaw na niyang balikan ang “madilim” na nakaraan niya. Hindi na siya ang babaeng nagrebelde noon at ginawang bangungot ang kanyang buhay. Ibang tao na siya ngayon. Masaya at payapa na ang kanyang buhay.
And when she met Darren, she knew her life was complete. Isang estranghero ito na nakilala niya sa eroplano noong patungo siya sa Cambodia. Theirs was a whirlwind romance. When he asked her to marry him, she readily said “yes.”
Ngunit isang araw ay bigla na lang itong umiwas sa kanya. Napag-alaman niyang natuklasan pala nito ang tungkol sa madilim na nakaraan niya. Nalaman din niyang anak pala ito ng isa sa mga pinakamayamang negosyante sa Pilipinas.
Ikinahihiya ba siya nito? Hindi ba totoo ang pag-ibig na ipinadama nito sa kanya?

8. PHR 3225 After The Kiss by Camilla



Natuklasan ni Deborah na nilinlang siya ng kanyang ama para lang pumayag siya na magpakasal sa lalaking gusto nito para sa kanya. Bilang ganti ay nag-istokwa siya the night before the wedding. Sa paglalayas niya, nakilala niya si Tori. Kinupkop siya ng babae at itinuring na kapatid. Kaya naman nang humingi ito ng tulong sa kanya ay hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito. Pumayag siyang magpanggap na ina ng anak nito para makauwi ito sa hometown nito at makapiling ang may-sakit na ama.
Dahil sa utang-na-loob niya sa kaibigan, kailangang tiisin niya ang cold treatment ng kapatid nitong si Frasier. Ewan lang niya kung hanggang kailan niya malalabanan ang matinding atraksiyong nararamdaman niya para sa binata…

9. Bud Brothers Unlimited Series 8: Petunia And Fidel (Awesome Twosome) by Rose Tan



Gagawin ni Petunia ang lahat magkaasawa lamang. Pero lagi siyang minamalas sa boyfriend. Ang latest boyfriend niya, macho na macho, guwapitung-guwapito, at bading na bading pala ang walanghiya!
Para hindi na maulit na matanso uli siya ng isang berde ang dugo, nakiusap siya sa kaibigan niyang si Fidel na kilatisin ang kanyang bagong suitor. Pumayag naman agad ang matulunging lalaki. Pagkatapos ng screening ay sinabi nitong hindi pumasa ang lalaki. Berde rin daw ang dugo ng prospective boyfriend niya.
Naniwala naman siya. Pinasalamatan niya ito sa tulong nito. Pero kalaunan ay natuklasan niyang nagsinungaling pala ito.
Bakit?
Back to top Go down
 
October 14, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Hagens Berman investigates missing e-book royalties
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: