HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 7, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
elixir
Team Support
Team Support


Number of posts : 87
Registration date : 2008-01-12

PostSubject: October 7, 2009 Book Release   Wed Oct 07, 2009 8:29 pm

1. PHR 3210 Macario Dalupang by Camilla



Nakaligtas si Nell sa kidnapping ngunit hindi pinalad ang kaibigan niyang si Arleen. Upang mailigtas ito, nakipag-cooperate siya sa pulisya sa pangunguna ni SPO4 Macario “Mac” Dalupang. Hindi naman niya sukat-akalaing mala-“love at first lust” siya rito.
Pakiramdam niya ay nalululong na siya sa binata. Hindi niya marendahan ang kanyang emosyon. Hanggang sa mahalikan niya ito—at tuluyang nauwi sa pag-ibig ang kanyang pagnanasa. Ngunit nabokya agad ang puso niya nang malaman niyang ang type pala nito ay ang mismong babaeng nagligtas sa kanya mula sa kidnappers.

2. PHR 3211 Courting London by Claudia Santiago



“Three months,” ani London kay Liv. “I’ll give you three months para paibigin ako. Kung matapos ang panahong iyon at wala pa ring nangyari, dapat lang na sumuko ka na at tigilan mo na ang pangungulit sa akin,” seryosong turan nito.
“Three months? Ang bilis naman ‘ata n’on?” reklamo niya. Kaya ba niyang paibigin si London sa loob ng maikling panahon na iyon?
Nakaramdam siya ng inis dito. Ipinangako niya sa sariling gagawin ang lahat, ang lahat-lahat para mapaibig niya ito sa loob ng tatlong buwan—iyong tipong in love na in love na kakainin nito ang pauli-ulit na pagtangi nito sa kanya at pagsasabing kailanman ay hindi siya magugustuhan nito. Kapag dumating ang araw na iyon ay kawawa ito sa kanya. Aalilain niya ito at hihingan ng maraming-maraming mamahaling regalo bilang ganti bago siya magpakasal dito!

3. PHR 3212 Maniwala Ka Sana by Camilla



Si Nikolai Villanueva na yata ang pinakamalanding lalaking nakilala ni Yumi. Worse, he was her boss. Sa loob ng isang taon ay wala na itong ginawa kundi tuksuhin siya; salamat na nga lang at matatag siya. Hindi siya nadadala ng matatamis na salita nito. Pero isang gabi, habang nasa isang party sila ay nalasing siya at isinuko niya ang "Bataan" dito. Sinabi nitong mahal siya nito pero maniniwala ba siya? May pag-asa ba itong maging matino?

4. PHR 3213 Campus Girl: Vee, The Pretty Witch by Heart Yngrid



Vee was fascinated with witchcraft. Kaya ang akala ng iba ay isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except Frei.
Ito lang ang may lakas ng loob na asarin siya. Tinakot niya ito na kukulamin ito kung hindi ito titigil sa pang-aasar sa kanya. Hanggang sa umalis siya ng SCU.
Four years later, muling nagkrus ang mga landas nila. Sadya palang hinanap siya nito. Ipinagpipilitan nitong isinumpa raw niya ito. Gagawin daw nito ang lahat, bawiin lang niya ang sumpa. Sinakyan niya ang kalokohan nito at ginawa niya itong alila sa loob ng isang linggo. Tama lang dito iyon para turuan ito ng leksiyon.
Pero mukhang hindi nagustuhan ng gods and goddesses of nature ang ginawa niya kay Frei. Dahil minahika ng mga ito ang puso niya para ma-in love siya sa kinaiinisang binata...

5. PHR 3214 Finnegan Tijares by Camilla



Sa kasagsagan ng bagyo ay inihatid si Ching ni Finnegan, ang piloto ng charter plane na inupahan niya para makauwi siya sa islang pagmamay-ari ng kanyang pamilya.
Nasa himpapawid pa lang sila ay may sumisingit nang atraksiyon sa puso niya para dito. Mabuti na lang din at guwapo ito dahil dito nabaling ang atensiyon niya palayo sa mga lalaking naghihintay sa kanya sa isla sa pakana ng kanyang inang desperada nang magkaasawa siya.
Hindi mahirap para sa kanya na mahulog ang loob kay Finnegan, lalo na at nararamdaman niyang may pagtingin na rin ito sa kanya. Ngunit isang gabi ay nagpaalam ito. Sasabak daw ito sa isang misyon at walang nakakaalam kung makakauwi ito nang buhay.

6. PHR 3215 SAna Ako Naman Ang Iyong Mahalin by Laurice del Rio



Nang dumating ang isang malaking unos sa buhay ni Charene, hindi niya inakala na sa dinami-rami ng tao, si Chino ang unang mag-aabot ng kamay para tulungan siya. Hindi naman sila naging malapit nito. Ito ang nagsilbing lakas at sandigan niya sa mga panahong pakiramdam niya ay susuko na siya sa sobrang sakit na pinagdaraanan niya dulot ng pagkawala ng isang minamahal. Dahil dito, nagawa niyang unti-unting makabangon.
Hindi niya pinlano pero kusa at unti-unting nahulog ang loob niya rito. Pero hindi niya kailanman inakala na ito rin pala ang nakatakdang muling dudurog sa puso niya nang matuklasan niya ang lihim nito...

7. PHR 3216 Wedding Bells For Cybele by Camilla



Handa nang magpakasal si Cybele sa almost perfect boyfriend niyang si Matthew, pero sa isang twist of fate ay natagpuan niya ang sarili na may “legal” na asawa na. Napilitan siyang hanapin ang kanyang “asawa” para magkalinawan at mapadeklarang null and void ang “kasal” nila on grounds of mistaken identity.
Nang ma-trace ang kanyang supposed husband na si Homobono Riggs, sumugod siya roon—para gulatin ng mainit na pagtanggap ng pamilya nito. Pero lalo siyang na-shock nang makita niya ito! Homobono was Bono who had broken her heart ten years ago!
Lalong naging magulo ang kuwento nang sumulpot ang babaeng gumamit sa identity niya noong pakasalan nito si Bono...

8. PHR 3217 Forever You by Victora Lyz



Alfonso was Aira’s childhood best friend. They practically grew up together and stayed very close throughout their younger years. Pero nabago ang lahat nang lumipat sa Maynila sina Alfonso para doon na manirahan. Sa pagiging malayo nila sa isa’t isa, not only was their friendship tested but also Aira’s heart.
Sa paglipas ng panahon, natuklasan niya na higit pa pala sa kaibigan ang turing niya rito. She was in love with him.
Pero isang balita ang nagpagulantang sa kanya.
Ikakasal na raw ito!

9. Bud Brothers Unlimited Series 6: Shiela Gumamela by Rose Tan



Dakila at busilak ang pag-ibig ni Shiela G. sa bayan at mga kababayan niya at kagaya ng mga nauna sa kanya, gagawin din niya ang lahat makamit lamang ang hinahangad na kaunlaran.
Lucky for her, hindi naman niya kailangang ma-firing squad o magarote. Ang hinihingi lamang ng kanyang tungkulin ay magpakasal siya kay Hunter Illusorio. Pero dahil sa ginawa niya rito noong mga bata pa sila, alam niyang hindi ito basta-basta papayag na magpatali sa kanya.
Kaya nag-practice siya kung paano niya aakitin at paliligayahin si Hunter.
Chicken feed.
Iyon ang akala niya.

10. Bud Brothers Unlimited Series 7: Hyacinth And The Bud Guy by Rose Tan



May balak sa isa’t isa sina Fabian at Hyacinth… Si Fabian: Nang gumuhong parang kastilyong buhangin ang perfect romance niya sa kanyang perfect girlfriend, binalak niyang maghiganti sa lalaking tumangay sa kanyang Sunshine. Tatangayin din niya ang kapatid nitong babae—si Hyacinth. Pipitasin at didikdikin niya ang petals ng babae hanggang sa maubos ang bango at halimuyak nito.
Ang kaso, nang makaharap niya si Hyacinth ay tangkay niya ang nalanta. Dahil paano niya uubusin ang bango ng babaeng amoy-coconut oil?
Si Hyacinth: Napilitan siyang makipag-blind date kay Fabian dahil gusto ng nanay niya na makapag-asawa na siya. Pero dahil hindi niya priority ang pagkakaroon ng boyfriend, sinadya niyang papangitin ang kanyang sarili.
Pero sa halip na lumayo ito sa kanya ay lalo pa itong lumapit sa kanya. Ang akala niya ay totoong may gusto ito sa kanya.
Sino kaya ang magtagumpay sa kanila?

_________________
Spoiler:
 
Back to top Go down
 
October 7, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Hagens Berman investigates missing e-book royalties
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: