HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 30, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 30, 2009 Book Release   Wed Sep 30, 2009 7:09 am

1. PHR 3203 Akin Ang Mundo Mo by Carissa Nobleza



Halos perpekto na ang buhay ni Dominique. Malapit nang matupad ang pangarap niyang maging doktor, and soon, she would be marrying the man she dearly loved—si Vincent. Alam niyang mahal na mahal siya nito.
Ngunit may isang taong nais sirain ang lahat sa kanya—ang kakambal niyang si Veronica. Nilinlang siya nito at namalayan na lamang niyang unti-unting inaagaw nito ang katauhan niya, kasama pati si Vincent. Hindi niya mapapayagan iyon kaya gumawa siya ng paraan.
Pero sadyang mapagbiro ang pagkakataon. Isang trahedya ang naganap, dahilan upang tuluyang mabaliktad ang katauhan nila ng kakambal. Ganoon na lang ang pagkapoot sa kanya ni Vincent…

2. PHR 3205 When Blaze And Frost Collide by Hana Rei



Sa pamimilit ng mga kaibigan, pumayag si Blaze para sa isang blind date, where she met the arrogant Frost Ricafurt. Kahit pa para siyang nakuryente nang magdaiti ang kanilang mga balat, hindi niya gugustuhin ang isang tulad nito.
Pero kinailangan niya ang tulong nito at wala siyang choice kundi pagtiisan ang ugali nito at araw-araw na makita ang kaguwapuhan nito. Then she learned about his past and how broken he was as a man. Her heart went out to him. Iglap, gusto niyang tulungan itong paghilumin ang sugat sa puso nito. And maybe she could teach him to love again…

3. PHR 3206 Karugtong Ng Isang Tula by Camilla



Lumikha ng isang tula si Wenda pagdating niya sa Puerto Galera. Galing ang inspirasyon sa taksil na boyfriend niyang si Luke. Pumunta siya sa Playa Galera para kalimutan ito. Pero hindi niya inakalang makakakilala siya ng isang lalaking mamahalin niya nang higit pa kay Luke. Si Kane. At gaya ng dating kasintahan niya, sinaktan lang din siya nito.
Would the inspiration from another heartache be enough for her to finally finish her poem?

4. PHR 3207 Arthur, My Dawn Breeze by Victoria Amor



Si Arthur, ang kinakapatid ni Shane na noon pa man ay sandalan na niya, ang kinapitan niya nang mamatay ang kanyang papa sa atake sa puso. Ito rin ang tumulong sa kanya para tuklasin ang misteryo sa likod ng biglang pagkamatay ng kanyang papa.
Ang problema, habang tumatagal na nakakasama niya ito ay napagtanto niyang binabago nito ang pintig ng kanyang puso. At bago pa niya namalayan ay in love na siya sa lalaking mukhang kahit kailan ay hindi magiging higit sa kapatid ang turing sa kanya...

5. PHR 3208 Anything To Make You Mine by Janelle Kim



Ang sabi ni Princeton kay Ladylyn, na-love at first sight daw ito sa kanya nang una silang magkita. Kaya para daw mapalapit ito sa kanya, lumipat ito sa unibersidad kung saan siya nag-aaral, tumira sa boardinghouse na tinutuluyan niya, at nagtrabaho sa bakeshop na pinagtatrabahuhan niya.
Inaamin niyang may nararamdaman din siya para sa lalaki pero binabale-wala niya iyon. Dahil bukod sa galit siya rito, ang kababata niya ang tanging isinisigaw ng kanyang puso kahit batid niyang may girlfriend na ito. Pero mukhang seryoso talaga sa kanya si Princeton. Ipinagpatuloy pa rin nito ang panunuyo sa kanya.
Nang ma-realize niyang ito ang mas matimbang sa puso niya ay dalawang panibagong problema ang kinaharap niya: isang babaeng ayaw pakawalan si Princeton at ang pag-ayaw sa kanya ng daddy ni Princeton.

6. PHR 3209 Sa Panaginip Ko by Camilla



Lumuwas sa Maynila si Lyn para mamasukan bilang yaya. Pero malupit na amo ang natagpuan niya sa katauhan ng lola ng mga batang inaalagaan niya. Nakilala niya roon si Neil, ang kapatid ng ina ng mga batang alaga niya. Ipinagtanggol siya nito laban sa bruhang matanda at inialis din siya nito sa lugar na iyon.
Akala niya ay maayos ang lahat sa pagitan nila. Hindi niya pinigilan ang sarili na mahalin ito. Pero mali pala ang panaginip niya, dahil sa tunay na buhay, may ibang mahal ito. Mas maganda, mas mayaman, at higit na mas may karapatan kaysa sa kanya…

7. Bud Brothers Unlimited Series 5: Ring Around The Rosie by Rose Tan



Lahat ng nagmamahalan ay dapat maging maligaya. Iyon ang paniniwala ni Cray kaya awang-awa siya sa pinsan niya at sa pinakamamahal nito. May hadlang kasi sa mala-Romeo and Juliet na pagmamahalan ng mga ito—si Rosie, girlfriend ng pinsan niya. Ito ang iniwan at pinagtaksilan pero kontrabida sa isang magandang love story ang tingin niya rito.
Kaya para maalis si Rosie sa landas ng magsing-irog, pinalabas niyang nanalo ito sa raffle contest ng Bud Brothers Flower Shop. Isang romantic date ang premyo at ang kuya niyang si Hunter ang napili niyang ipa-date kay Rosie.
Maganda ang resulta ng pagde-date ng mga ito. Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay hindi siya natuwa na nagkakamabutihan ang mga ito. Natuklasan kasi niya na mali ang pagkakakilala niya kay Rosie. Isa pala itong kaibig-ibig na dalaga.
Ah, hindi siya papayag na mapunta si Rosie kay Hunter. Di-hamak namang mas guwapo siya kay Hunter.
Back to top Go down
 
September 30, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: