HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 September 23, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 684
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: September 23, 2009 Book Release   Tue Sep 22, 2009 9:38 pm

1. PHR 3194 Ang Ambisyosang Nagmahal: Jaerillin by Camilla



Bata pa lang si Jae ay pangarap na niyang yumaman, kaya social climber ang tingin sa kanya ng mga kapitbahay nila. At isang paraan para matupad ang pangarap niya ay ang makapag-asawa siya ng mayaman.
Kaya nang makilala niya sa kasal ng kaibigan niya si Wesley Bascon, nagkaideya siya. He was good-looking and rich. He could be the one. Sinunggaban niya ang binata at hinalikan…

2. PHR 3195 Hadlangan Man Ng Tadhana by Yasmin Joo



It was love at first sight for both Twitty and Rowell.
Ngunit may nalaman si Twitty tungkol sa isang lihim ng kahapon ng kanyang pamilya. Naging dahilan iyon upang huwag na uli siyang magpakita kay Rowell.
Nine years later, they met again. Si Rowell pa rin ang itinitibok ng kanyang puso. Si Rowell naman ay tila hindi titigil hangga’t hindi nadudugtungan ang espesyal na pagkakaunawaan nila dati na biglang naudlot dahil hindi na siya nagpakita rito.
She decided to give them and their love a chance.
Pero ang lihim ng kahapon ay patuloy na sagabal sa kanila.
Nagpasya siyang magsakripisyo. Ngunit ano ang isasakripisyo niya: ang kanyang puso o ang pamilya niyang alam niyang masasaktan sa gagawin niyang sakripisyo?

3. PHR 3196 Sapat Na Ang Mahal Mo Ako by Camilla



Nakilala ni Eros si Jui sa panahong nasa gitna siya ng isang malaking problema sa pamilya. Ito ang tumayong hero sa buhay niya. He provided for her family. At itinago siya nito pagkatapos pagtangkaan ang buhay niya. It was very easy to fall for him.
Pero natuklasan niya na pinoprotektahan lang pala nito ang half brother nito kaya tinulungan siya nito. Paano pa siya makaka-move on kung mahal na mahal na niya ito?

4. PHR 3197 Campus Girl: Gemme, The Cheerleader by Heart Yngrid



Tuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Ngunit hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at determinado itong mapabalik dito ang ex-girlfriend.
May naisip na plano ang mga kaibigan ni Owen para mapabalik dito si Fia. Kailangan nito ng pretend girlfriend para pagselosin si Fia. Nag-apply siyang bagong girlfriend nito. Habang nagpapanggap siyang girlfriend nito ay plano niyang paibigin si Owen para sa huli ay hindi na nito maisipan pang bumalik kay Fia at maging totohanan ang kanilang relasyon.
Pero hindi pala madaling mapaibig ito. Mukhang kailangan niya ng dibdibang pang-aakit dito.

5. PHR 3198 Burn by Sheena Rose



Hinahanap ni Lara ang coin of wealth, isang heirloom na pinaniniwalaang nakakapagpayaman sa sinumang taong humahawak niyon. Obsessed ang kanyang lolo sa naturang coin at sumumpa siyang ibibigay niya iyon dito.
Upang maisakatuparan ang kanyang pangako ay nagpatulong siya kay Heath, isang sailing master at diving instructor. Hindi niya maitatangging unang kita pa lang niya rito ay nakadama na siya ng atraksiyon dito. Iwinaksi niya iyon upang ituon ang atensiyon sa kanyang misyon.
Ngunit habang tumatagal na magkasama sila ay natuklasan niyang hindi niya kayang i-resist ang fatal charm nito. At nang tuluyang na siyang mahulog dito ay saka niya natuklasan ang lihim ng pagkatao nito na itinago nito sa kanya…

6. PHR 3199 The Boy Next Door by Mei Sanchez



Tuwing kakailanganin ni Thess ng tulong, to the rescue ang guwapong kapitbahay niya na si Thads. Handyman, mekaniko, at kaibigang maaasahan rolled into one ang papel nito sa buhay niya.
Isang araw ay natitigan niya ito. Lo and behold! Ang puso niya na dati ay tila naparalisa na dahil sa tagal ng hindi pagtibok para sa opposite sex ay biglang naging hyperactive! A gorgeous face and a body combined with a good character is a lethal combination—kaya hindi na siya nagtaka nang isang araw ay magising siyang in love na sa guwapong neighbor niya.
Pero mukhang isang “sister in distress” lang ang tingin nito sa kanya at hindi isang love interest…

7. PHR 3200 Ang Ambisyosang Nagmahal: Bingles by Camilla



Pulos negatibo ang laman ng utak ni Bingles. Hirap siyang umasa na may magandang mangyayari sa buhay niya dahil sa isang trahedyang sinapit ng kapatid niya.
Pero nakilala niya si Ferdie Artillagni. Na-in love siya rito. At ang dating negatibong pananaw niya sa buhay ay tuluyan nang nabago dahil dito.
Ang akala niya ay tuluy-tuloy na ang kaligayahan niya, pero nagkamali siya. Dahil hindi pala siya totoong mahal ni Ferdie.
Babalik ba siya sa dating buhay na pawang negatibo ang tingin sa paligid?

8. PHR 3201 You Make Me Feel Loved by Bernadette Licarte



Nagulo ang tahimik na buhay ni Pauline nang sugurin siya sa opisina niya ni Zendrick de Guzman, ang guwapong billionaire businessman. Hinahanap nito ang kanyang ama. According to him, someone dear to him “eloped” with her father!
Hindi siya naniniwala sa ibinibintang nito. She decided to look for her father—before Zendrick got to him first, and God only knew what this arrogant man would do to her father.
Sa sobrang pagkadismaya niya, sinundan siya nito sa Iloilo kung saan napag-alaman niyang naroon ang kanyang ama. Gagawin daw siyang pain nito para lumitaw ang kanyang ama.
She could not escape her “captor.” Ang ikinabalisa pa niya, hindi na nito kailangang ikulong siya para tumakas. His darkly, seductive raw sexuality was captivating enough. And she found herself falling for him deeply…

9. PHR 3202 Unforgettable by Camilla



Nang dahil sa isang eskandalong kinasangkutan, napuwersa si Karen na magtago sa isang liblib na lugar sa tabing-dagat. Sa dalampasigan ay natagpuan niya ang isang sugatang estranghero. May amnesia ito. Sa kabila niyon, sa pagdaan ng mga araw ay natagpuan niya ang sariling umibig dito.
Ngunit nalaman niyang may nakaambang panganib sa buhay nito at doon din nakasalalay ang pagkakaroon ng katuparan ng pag-ibig niya rito...

10. Bud Brothers Unlimited Series 8: A Peony For Your Thoughts by Rose Tan



Ibabaon si Kip nang buhay ng mga brod niya kung hindi niya matutubos ang “hacienda” na isinangla niya. Kaysa magbenta ng aliw, napilitan siyang humingi ng tulong sa Tsekwang friend ng kanyang lola.
“Ako tulong, ikaw bayad.” Iyon ang mantra ng Intsik. Ang kabayaran, pakakasalan niya ang prodigal daughter nito—si Peony.
Sige, game!
Pero hindi natuloy ang kasal. May asawa na pala ang kanyang bride-to-be. Nagpakasal ito sa isang isla. Kung kanino, paano, at bakit ay hindi nito matandaan. Ngunit nang makita niya ang lalaki, bigla siyang nag-panic. Kamukha ito ni Brad Pitt! At dahil doon, parang ayaw na siyang pakasalan ni Peony.
Hindi siya papayag! No man would have his bride, even her husband!
Back to top Go down
 

September 23, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» How To Be A Heartbreaker [deadline; 20th of september]
» Hack Shop + Instan Mission 100 Day Login 13 September 2013 , New Tutorial Tanpa LSEdit Work 100%
» TCP/IP E-Book
» Book 11 has a title!
» Book Club

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -