HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 16, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 16, 2009 Book Release   Wed Sep 16, 2009 4:33 am

1. PHR 3185 If Ever You're In My Arms Again by Arvie Fe Espinosa



Matagal nang lihim na minamahal ni Dovie si Threat. She knew he was the only guy for her. Ginawa niya ang lahat ng alam niyang paraan para mapasakanya ito.
And finally, she had him. Ang akala niya ay panghabang-buhay na iyon. That was what she believed. All along, he had been playing with her heart. Pero sa halip na pakawalan niya ito ay lalo pa siyang naging pursigido na makuha ito. Sinabi niya sa mga magulang nito na may relasyon sila.
Nagalit ito. Wala raw silang commitment sa isa’t isa para ipilit niya na pakasalan siya nito. Labis na sakit ang idinulot niyon sa kanya. Nilayuan niya ito.
Pagkalipas ng dalawang taon ay muling nagkrus ang mga landas nila. Nakakabigla ang Threat na nadatnan niya. Panay ang papansin nito sa kanya. Kung anu-ano ang mga ibinibigay nito sa kanya. Hindi lamang iyon, pinagseselosan nito ang sinumang lalaking nadidikit sa kanya.
Mahal na rin ba siya nito?

2. PHR 3186 Blessings Come Alona's Way by Camilla



Unang kita pa lang ni Alona kay Darius ay aminado na siyang attracted siya rito. Nakuha pa niyang abangan ito sa canteen ng ospital na kinaroroonan niya. Kahit imposible, napagbigyan ang hiling niya na magkaroon sila ng espesyal na moment ni Darius.
Hindi naman niya inaasahan na seseryosuhin siya nito dahil sa malaking agwat ng estado nila sa buhay. Naduwag siya at iniwan niya ito.
But Darius proved she was the one with whom he wanted to spend the rest of his life.
Maniniwala ba siya rito o kagaya rin ito na mayayamang lalaki at iisahan lang siya? Ngunit iba ang isinisigaw ng puso niya…

3. PHR 3187 King Brad Purificacion by Vanessa



Brad was Matilda’s best friend. He was a nerd. At kinailangan nitong magprisinta ng fiancé sa sponsor nito, ang eccentric na si Don Timoteo. Siya ang ipinrisinta nito... Pagkalipas ng ilang buwan ay biglang nakakilala ito ng babaeng ibig nitong pakasalan. Dapat na matuwa siya para dito pero hindi niya magawa. Saka lang niya naunawaan na mahal pala talaga niya ang best friend niya. Paano na ngayon—lalo na at ang babaeng ibig nitong pakasalan ay ang naging dahilan para sa isang nakakalulang makeover nito? Ano rin ang laban niya sa isang babaeng maganda, mayaman, sexy, at matalino gayong may-kaya at matalino lang siya at hindi siya maganda at lalong hindi siya sexy?

4. PHR 3188 Her Unexpected Baby by Trish Wylie (translated by Cora Clemente)



After a disastrous marriage, Dana promised herself she would never again go into any long-term attachment. She had had enough of heartaches and pain. Masaya na siya sa buhay niya.
Pero kinailangan niya ang tulong ng isang lalaki at nagprisinta si Adam—best friend ng kuya niya—na tulungan siya. Guwapo, maganda ang tindig, at successful ito. For her, those traits meant trouble kaya ayaw niyang magkaroon ng kaugnayan dito. Ganoon din kasi ang mga traits ng kanyang dating asawa.
But she had no choice. Si Adam lamang ang kakilala niyang maaaring ipantapat niya sa dati niyang asawa. Ang hindi niya alam, ang isang gabi ng charade na iyon ay magdadala sa kanya sa isang malaking disaster.
Disaster nga ba o isang pag-ibig na hindi niya inaasahang mararamdaman para sa lalaking pilit niyang iniiwasan?

5. PHR 3189 Things You'll Keep by April Gonzaga



Si Steve ang nakasama ni Danielle na natabunan sa gumuhong hotel nang magkaroon ng malakas na lindol sa Baguio noong July 1990. Pader lang ang naghihiwalay sa kanila, at ang boses na isa’t isa ang nabibigay ng lakas sa kanila. Kung Hindi dahil ditto ay baka sumuko na siya at namatay.
Hindi na niya nakita ang mukha nito nang masagip sila.
Simula noon, hinanap na niya ito. Tila lahat ng boses ng lalaki na naririnig niya ay kay Steeve.
At nakilala niya si Joseph nang mapagkamalan din niya ito. Hindi si Steeve si Joseph, pero isa lang ang alam niya: umiibig siya kay Joseph.
She finally decided she had to let go of steeve’s memory. She was ending her search for him. He o longer had a place in her life.
But one day, destiny brought Steve back into her life. It also revealed to her who he really was…

6. PHR 3190 Surrender To The Feeling by Sofia



“Sworn enemies” ang taguri nina Zafira at Greco sa isa’t isa. Para kay Greco, hindi siya magandang impluwensiya sa kababata nito at matalik niyang kaibigang si Charishma. Hindi raw maganda ang family background niya dahil ang ama niya ay isang sikat na archaeological looter.
Kaya nga kahit minsan ay hindi sumagi sa kanyang isip na magustuhan niya ito kahit guwapo at matalino ito. Lalaitin lang nito ang pagkatao niya.
Pero nagulat na lang siya nang biglang ianunsiyo nito sa lahat na girlfriend na siya nito. At para mapanindigan nito iyon ay inalok siya nito na maging totoong girlfriend nito.
Sasakay ba siya sa kalokohan nito o bibigyan niya ang sarili ng pagkakataong na maranasang maging totoong girlfriend nito?

7. PHR 3191 Coloured Kisses by Sheena Rose



Isa na lamang ang kulang para maging perpekto na ang relasyon ni Dominique at ng boyfriend niyang si Ezekiel: Ang makuha niya ang approval ng ina nito na hindi boto sa kanya para ditto.
Para maisakatuparan iyon ay pinuntahan niya ang best friend ng kanyang boyfriend—si Iñigo—para magpatulong ditto. She didn’t know he was the most unnerving person on earth. Bukod sa tumanggi na itong tulungan siya ay sinabihan pa siya nitong maarte at brat.
Ngunit nang tumagal ay natuklasan niyang masayang kasama rin pala ito. Hanggang natagpuan na lang niya ang sarili na masyadong naaaliw ditto to the point na nakalimutan na niya ang boyfriend niya!

8. PHR 3192 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Esmeralda McNally by Vanessa



A virgin widow, that was Esmeralda. Walang nakakaalam niyon kundi sila lamang ng pumanaw niyang asawa. She needed to get rid of her virginity for the sake of her husband’s memory but she had no intention of just giving it away to the first man she met. But when she saw Silvio, a half-naked cowboy with testosterone level that reached the roof, she felt like tying a ribbon around her virginity and giving it to him as a special gift. Tanggapin kaya siya nito gayong tila handa itong iwasan siya sa abot ng makakaya nito?

9. PHR 3193 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Jeremy Javier by Vanessa



Literal na “shotgun wedding” ang nangyari kina Jeremy at Carmen. Galit sa kanya ang binata pero alam niyang darating din ang panahon na matatanggap din siya nito bilang maybahay nito. Mahal niya ito kaya ginawa niya ang lahat para dito, pero parang hindi na yata niya matitiis ang pabagu-bagong mood nito. Mabait lang ito kapag gustong maka-score… Kakayanin ba ng powers niya ang lahat ng iyon.

10. Stallion Island Series 4: Leigh Armaund Lopez by Sofia



Filipina Cornejo was a tough future lawyer. Pero pagdating kay TJ Javellana ay laglag agad ang panga niya. He was her dream man. Ito lang ang dahilan kung bakit gusto niyang tumapak sa sikat na Stallion Island. Kaya nang manalo siya s free passes para makapasok sa eksklusibong isla dahil sa isang Trip to Jerusalem game, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon. She must seize the opportunity.
In her quest to see TJ, she came face to face with her ex-boyfriend Leigh Armaund Lopez. Lee was her nightmare yet he was the only man who could turn her heart around. Pero wala siyang magagawa sa isang lalaki na hindi kayang tanggapin ang lakas niya bilang babae at hindi rin nito kailangan ng babaeng katulad niya na kayang protektahan ang sarili.
Pero bakit sinasabi ng puso niay na kailangan pa rin niya ito sa buhay niya?

11. Bud Brothers Unlimited Series 3: Rascus Maximus Guapus by Rose Tan



Ugly duckling pa lamang siya ay mahal na ni Lily si Rascus. Ngayong lovely swan na siya, ito pa rin ang itinatangi niya. Kaya nang magpakita ito ng interes, hindi niya magawang magpakipot.
“Patutuluyin mo ako sa bahay mo kahit may masama akong motibo?” tanong nito isang gabi. He was a pro pagdating sa seduction.
“I’m not going to end up dead, right?” tugon niya, knowing exactly what he had in mind. Tiwala siyang kaya niyang i-handle ang isang kagaya nito.
And the game began…
Back to top Go down
 
September 16, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: