HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 9, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 9, 2009 Book Release   Wed Sep 09, 2009 2:21 am

1. PHR 3174 What About Love? by Camilla



It was attraction at first sight for Chandra and Anson. Umasa si Chandra na sa paghihiwalay nila sa beach resort kung saan sila nagkakilala ay madudugtungan ang pagkakakilala nilang iyon. Pero nang muli silang magkita, tila may galit na ito sa kanya. Hindi niya maintindihan iyon. He was one complex man, pero sa kabila niyon ay hinayaan niya ang sarili na madarang dito. Ibinigay niya ang sarili rito—only to find out he was not meant to stay. Pinagbayad lang siya nito sa kasalanan ng kanyang ina sa ina nito...

2. PHR 3175 The Seductive Pirate's Tale by Sofia



Hirap si Demi na magtiwala sa mga lalaki. Hindi pa man siya isinisilang ay iniwan na ang nanay niya ng kanyang ama. Nakikita rin niya kung paano masaktan ang nanay niya kapag natatapos ang mga nagiging relasyon nito. Para sa kanya ay pinaglalaruan lang ng mga lalaki ang mga babae.
At ganoon mismo ang ginagawa ni Sidney, ang anak ng presidenteng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Ngunit sa tawag ng tungkulin, kinailangan magpanggap sila bilang magkasintahan.
Binibiro siguro siya ng tadhana dahil sa pagkakalapit nila ay nadiskubre niya ang magagandang katangian nito. At tulad ng ibang kababaihan, unti-unti na rin siyang nahuhulog dito…

3. PHR 3176 For The Love Of Sendo by Jacqueline Miranda



Malapit nang mag-thirty years old si May Lynn La Costa ngunit wala pa rin siyang boyfriend. Okay lang naman sa kanya iyon dahil hindi naman siya nagmamadali. Ang katwiran niya ay hindi hinahanap ang pag-ibig dahil kusang dumarating iyon sa buhay ng isang tao.
Ang kaso, hindi naman ganoon kung mag-isip ang tiya niyang si Tita Lucy na liberated at super-kikay. Pinipilit siya nitong mag guy hunt.
Then one day, she met Sendo David Zala. Kahit malakas ang attraction na nadarama niya para dito ay hindi siya nagmadaling bumagsak ito sa kanyang mga kamay kahit ito pa ang ideal man niya.
Niligawan siya nito at naging sila. Okay na sana sila dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa, pero ayaw ni Tita Lucy rito para sa kanya. To think na dati, ito pa ang nagmamadaling magka-boyfriend siya.
Tama ba iyon? Hindi naman yata siya papayag na lumayo kay Sendo…

4. PHR 3177 Siguro Nga Ay Minahal Mo Ako Noon by Camilla



Miserable ang buhay ni Maura. Libangan kasi ng amain niyang saktan siya sa kaunting pagkakamali niya. Ang nanay naman niya ay hindi siya magawang ipagtanggol.
Ang akala niya ay pulos hirap na lang ang daranasin niya sa buhay. Hanggang sa makilala niya si Fyodor. Pinasaya siya nito, tinuruang umasa at magmahal. Pero nagkamali siya. Kasawian din pala ang dulot nito sa buhay niya.
Ten years later, nagkita uli sila. Mahal pa rin niya ito. Mali bang umasa na magkakapuwang ang kaligayahan sa buhay niya?

5. PHR 3178 Swisso Marvel by Vanessa



Si Mariaya ang nakakaalam ng pasikut-sikot sa loob ng gubat na ibig pasukin ni Swisso kaya siya ang kinuha nitong guide. May hinahanap ito ngunit hindi nito sinasabi sa kanya kung ano iyon.
Inis siya kay Swisso ngunit sa kalaunan ay nahulog ang loob niya rito, lalo na nang sabihin nito sa kanyang maganda siya. Wala pang nagsasabi ng ganoon sa kanya. Baguhan siya sa larangan ng purihan at bolahan.
Ang munting paglalakbay nila ay nauwi sa sandamakmak na peligro. Lalo tuloy silang naging malapit sa isa’t isa…
Hanggang dinala siya nito sa Maynila. Pero pagdating nila roon, tila hindi na ito nagagandahan sa kanya.
Pangkasukalan lang yata ang kanyang alindog.

6. PHR 3179 Ang Ambisyosang Nagmahal: Chiela by Camilla



Kinabahan si Chiela nang salubungin siya ng nakabibinging katahimikan pagkatapos niyang kumanta sa kasal ng kaibigan niya. Hindi agad siya makadilat. Bakit walang reaksiyon ang mga tao? Pero pagkaraan ng ilang sandali ay pumailanlang ang masigabong palakpakan. Pagdilat niya, kinilabutan siya nang ma-realize na binigyan siya ng standing ovation ng mga sosyalerang bisita sa kasal.
Pagkatapos ay nilapitan siya ng guwapong si Jabez Rios. Gusto nitong kunin siya bilang recording artist! Pakiramdam niya, magbabago ang takbo ng buhay niya pagkatapos ng meeting na iyon. Wala lang siyang ideya kung sa career o sa love life niya ang magiging pagbabagong iyon…

7. PHR 3180 Faith's Kiss by Victoria Amor



Si Kairu lang ang lalaking pinangarap ni Faith na makasama habang-buhay. Itinatangi na ito ng puso niya simula noong disiotso anyos pa lang siya. Pero rejection ang tinamo niya rito—paulit-ulit na rejection.
Nagpasya siyang isuko na ang damdamin niya rito nang umalis ito ng Pilipinas. Pero nagbalik ito makalipas ang ilang taon, at nabuhay uli ang damdamin niya para dito nang magkita sila.
Hindi siya makapaniwala na nakikipaglapit ito sa kanya. Mas hindi niya mapaniwalaan na sa kasal hahantong ang lahat. She thought it was a fulfillment of a great dream, a happy ending with him that she had wished for so long.
Subalit ginulantang siya ng isang masakit na katotohanan—ang dahilan kung bakit pinakasalan siya nito…

8. PHR 3181 All I Ask Of You by Camilla



Nakilala ni Charisma si Howie sa bahay-ampunan. Ito ang naging sandigan niya roon, kaagapay niya sa lungkot at saya. Hanggang sa magkahiwalay sila.
Maraming pagsubok ang dumating sa buhay ni Charisma bago muling nagtagpo ang mga landas nila ni Howie. Hindi na niya maabot ito ngayon.
Sa dami ng pagdurusang pinagdaanan niya, tila nakaamba na naman siyang masaktan. Nahulog ang loob niya sa dating kaibigan na ni hindi na siya maalala.

9. PHR 3182 You In My Life by Bernadette Licarte



Nang una pa lamang mapagmasdan ni Debbie so Jack, ang ama ng kambal na batang babae na tinuturuan niya ng musika, nabighani na siya rito. Pero napansin niyang medyo kakaiba ito. Parang napakaseryosong tao nito.
Saka lamang niya nalaman na may mapait na pinagdaanan pala ito sa buhay dulot ng dating asawa nito.
At habang unti-unti siyang napapalapit sa kambal na anak nito, patuloy ring lumalalim ang pagtingin biya rito.
Paano niya patutunayang hindi siya katulad ng dating asawa nitong nanakit at umiwan dito?

10. PHR 3183 Si Riri Ng Buhay Ko by Camilla



Ipinakiusap kay Rex ng sigang kaibigan niya ang kapatid nitong si Marimar. Pagdating ng babae sa bahay niya, may kasama pa itong alalay—si Riri. Katakut-takot na gulo ang dinala ng dalawa sa tahimik na buhay niya. Pero ang nakakaalarma, tila nakakaramdam siya ng kung anong kakaiba para kay Riri.
Doon na nagsimula ang problema. Kung umiibig siya kay Riri, ibig sabihin ay may problema siya sa pagkatao niya. Nakadagdag pa ang mga kalokohang ginawa nito upang palayasin niya ito sa poder niya. Paano kung matuklasan niyang hindi lang inosente si Riri sa mga kasalanang ipinaratang niya rito kundi isa pala itong babaeng kay hirap abutin?

11. PHR 3184 Back Into Cherene's Heart by Camilla



Hindi inakala ni Cherene na muli pang magkukrus ang mga landas nila ng lalaking minahal niya—si Tyus. Nasa pangangalaga siya noon ng Heart of a Woman Foundation nang makilala niya ito. Guwapo ito at talaga namang na-love at first sight siya rito. Tuwang-tuwa siya nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya.
Pero dahil sa malaking agwat nila ay lumayo siya rito.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang akusahan siya nito na nagtaksil siya rito. At luha ba ang nakita niya sa mga mata nito?
Back to top Go down
 
September 9, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: