HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 2, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 2, 2009 Book Release   Wed Sep 02, 2009 5:53 am

1. PHR 3165 Getting To Know Ervic by Camilla



Nang unang makita ni Marianne si Ervic, ang protégé ng kanyang papa, nakuha agad nito ang interes niya. Paanong ang isang estranghero ay nagawang pagbaguhin ang isip at palambutin ang loob ng kanyang ama na tila muog na hindi matinag-tinag? Malakas ang kutob niya na isa itong oportunista kaya lihim na pinaimbestigahan niya ito.
Ngunit nang mabigyan siya ng pagkakataong makilala ito nang mabuti, hindi niya inakala na mahuhulog ang loob niya rito. Ngunit magagawa kaya niyang buksan ang puso nito sa kanya, lalo na at sa ginawa niyang pagtuklas sa pagkatao nito ay muling pinanariwa niya ang sugat sa puso nito?

2. PHR 3166 Rusho, My Chinky-eyed Angel by Victoria Amor



Nanganib ang kalusugan ng nanay ni Kristle kaya kinailangan niyang gumawa ng paraan para maoperahan ito sa sakit nito. She needed a handsome amount of money. Handa siyang ibigay ang kahit ano kapalit ng halagang kailangan niya.
Enter the dashing chinky-eyed Rusho Yan. Handa itong tulungan siya at ang kapalit: “Spend a night with me, Krissy…” Ano pa ba ang ibig sabihin niyon?
Subalit iba ang ipinagawa nito sa kanya nang gabing iyon—pinagsuot siya ng puting nighties at pinag-pose na parang modelo habang may hawak na nakasinding kandila. Mistula siyang white lady na kinukunan nito ng mga pictures. Who wouldn’t be amazed? At sa mga ipinakita nitong kabutihan, sinong babae ang hindi mahuhulog ang loob dito?
But Rusho would always be the “Rush” of JDM Construction—rich, playboy and, for him, love is a strange thing.
Kaya ang mahulog ang loob dito ay isang napakalaking sugal para sa kanya…

3. PHR 3167 Yasser Capistrano by Camilla



Sa wakas ay tila naganap na ang inaasam-asam ni Chevonne: ang mapansin ng supladong si Yasser. Dumating pa nga sa puntong ibinigay niya ang kanyang sarili rito.
Ngunit nakatakda palang gumuho agad ang bumangong pag-asa sa puso niya. Sapagkat mula sa kandungan niya ay dagling lumipat ito sa iba...

4. PHR 3168 Victor Tan III by Camilla



Alam ni Abi na magkaiba ang mundo nila ni Victor. Pero hindi niya inaasahan na lampas-langit pala ang agwat ng katayuan nila sa buhay. Pagmamay-ari nito ang isang commercial center, samantalang siya ay nagtitinda lamang sa labas niyon. Kung siya ay palaging sakay ng pedicab, ito naman ay Mercedes-Benz ang sinasakyan.
But the inevitable happened—they fell in love with each other!
She thought reconciling their differences by falling in love with each other was that simple. But things become more complicated. Lalo pa at nakatakda nang ikasal si Victor sa isang babaeng ipinagkasundo rito alinsunod sa tradisyong Intsik ng pamilya nito...

5. PHR 3169 Abby's Smile by Dream Grace



Hindi inaasahan ni Abby na muling makikita niya si Cale, ang lalaking pumukaw sa kanyang puso three years ago. Ngunit hindi lang pala basta magkukrus ang mga landas nila. Dahil sa isang pangyayari, they ended up getting married.
Ngayon, lahat ng alaala at pagmamahal niya rito noon ay bumalik. Natanto niya na hindi pala siya tumigil sa pagmamahal dito sa kabila ng mga taon.
But Cale was a free spirit. Paano niya mapapanatili ito sa kanyang tabi at makasama ito habang-buhay?

6. PHR 3170 Zari's Destiny by Dawn Igloria



Ang alam ni Zari sa kanyang sarili ay mabait naman siyang tao. Wala siyang natatandaan na naagrabyado niya. Kaya naman abut-abot ang himutok niya sa sarili kung bakit sa dinami-rami ng cute na lalaki sa buong mundo ay kay Lester pa siya na-in love.
Dahil oo nga’t nuknukan ito ng guwapo, two-timer naman ito—hindi pala—three-timer pa ito. At ang biktima, ang basal na basal at inosenteng puso niya.
Pero hindi naman niya kayang mawala ito sa buhay niya…

7. PHR 3171 The Passion Bargain by Michelle Reid (translated by: Camilla)



Sa mismong gabi ng kanyang engagement party ay nadiskubre ni Francesca na pinagtataksilan pala siya ng nobyo at best friend niya. Kitang-kita niya ang mainit na tagpo sa pagitan ng mga ito. At hindi pala siya ang nag-iisang saksi roon. Charles Quiñones literally and figuratively caught her fall. Ngunit may kapalit ang pagtulong nito sa kanya. Nang gabing iyon mismo ay inianunsiyo nito na silang dalawa ang magpapakasal pagkatapos ng broken engagement niya kay Angelo.
Pero tila hindi naiiba si Charles kay Angelo. Nang matuklasan niyang ang mamanahin lamang niya ang habol ni Angelo sa kanya, ito na rin mismo ang nagpamukha sa kanya na ganoon din ang intensiyon ni Charles sa kanya...

8. PHR 3172 Marrying Dindo by Claudia Santiago



“Dindo!” nakangiti at masiglang tawag ni Olen sa kanya
“Oh, Olen, I missed you so much… You’ll never know how much I missed you. I’m just so glad you’re back…” puno ng emosyong pahayag niya.
Habang yakap niya ang dalaga ay nagkaroon ng linaw ang nangyayari sa kanya. Handa na siyang aminin ang lahat. Hindi niya alam kung paano, kung bakit o kung kailan eksaktong nangyari ang lahat. But this woman in his arms, this woman who was his best friend, this wonderful woman was the one that he loves. Higit pa sa isang kaibigan. Hindi niya namalayang nangilid na pala ang luha sa kanyang mga mata sa lakas ng impact ng realisasyong iyon.
Akma niya itong muling yayakapin nang may marinig silang tumawag dito. Halos sabay pa silang lumingon sa direksiyon ng pinanggalingan ng tinig. Tumambad sa kanya ang isang matangkad na lalaki. Ngiting-ngiti ito habang nakatuon ang tingin kay Olen na mabilis nang bumitaw sa pagkakahawak niya.
Pakiramdam niya ay sinuntok siya sa dibdib nang masaksihan ang paglalapat ng mga kamay na iyon ni Olen at ng lalaki. Bigla ay nahirapan siyang huminga. Was he too late already?

9. PHR 3173 Sapagkat Ikaw Si Luanna by Camilla



Nang maunsiyami ang first love ni Luanna ay tila nawalan na siya ng gana sa pakikipagrelasyon. Then Forbes came along. Hindi lang super-guwapo ito kundi super-bagets din for her taste. But she took her chance anyway—kahit parang palakol na nakaamba sa kanyang leeg ang pagdating ng araw na kakailanganin na nilang maghiwalay ni Forbes. He was a free spirit—and the world was ahead of him. Bawal na mahalin niya ito...

10. Territorio De Los Hombres Series 52: Salud Villa by Vanessa



Cherry lived in a world where deception happened on a day-to-day basis. At siya ay naatasang kumuha ng mga mahahalagang impormasyon kay Salud Villa. She could not say no, otherwise the one she loved would get hurt.
And so the deception started. It was a very dangerous game. She could only hope to win in the end...
Back to top Go down
 
September 2, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: