HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 26, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 26, 2009 Book Release   Wed Aug 26, 2009 2:21 am

1. PHR 3155 Eulogelio Davila by Vanessa



Adrelino was Ysabela’s best friend. Ang akala niya noong una ay kalaban ito ngunit hindi nagtagal ay naging best friend niya, at sa kalaunan ay naging fiancé pa. Lahat ng gusto niya ay ibinigay nito. Ngunit ipinagkatiwala siya nito sa best friend nitong lalaki na si Eulogelio. The man was cheap. Ayaw nitong ibigay sa kanya ang mga luho niya. Kinukuwentahan siya nito parati. Ugh! She couldn’t stand him anymore... But what could she do when he was her husband?

2. PHR 3156 My Dindin In Distress by Camilla



Kakatwa na tuwing malalagay sa balag ng alanganin si Dindin ay naroon si Corbin para iligtas siya. Binasted na niya ito minsan, pero kinalaunan ay natutuhan din niyang i-acknowledge ang kilig na nararamdaman niya tuwing kasama niya ito.
Pero may hanggahan ang kaligayahan niya sa piling ng lalaki. Nakatakdang masira ang reputasyon niya at gumuho ang pagtingin nito sa kanya...

3. PHR 3157 Heart's Home by Victoria Amor



Sa pagkakatuklas ni Heart sa masakit na katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao ay mas pinili niyang lumayo sa nakagisnan niyang pamilya. She paid Lessander to be her companion. She knew she was safe with him.
Subalit hindi niya inakalang hindi lamang basta companion ang gagampanan nitong papel sa loob ng mga araw na magkasama sila. Iningatan siya nito at inalagaan nang sobra.
He made her feel special, and she found herself falling for him.
Pero may bagay sa nakaraan nito na hindi nito basta matakasan. Kailangan nitong isantabi muna ang kung ano man mayroon sa pagitan nila para doon.
Would she wait for him? O hindi siya aalis sa tabi nito kahit manganib pa ang buhay niya kung gagawin niya iyon…

4. PHR 3158 Too Much, Too Soon, Too Late by Camilla



Lumapit si Kaizer sa kanya. Lumuhod pa ito at saka inilabas ang isang maliit na pulang velvet box. “Will you marry me, Chai?”
Tatlong beses na itong nagtatanong pero hindi pa rin niya alam kung nagbibiro o seryoso ba ito. “Kaizer... I don’t know what to say.” Napailing siya. “It’s too soon. Hindi pa natin kilala ang isa’t isa.”
“May nangyari sa atin kagabi...” paalala nito.
“I’m not denying it. Pero hindi sapat na rason iyon para magpakasal tayo.”
“Kailangan mong ibangon ang puri ko,” he joked but failed miserably.
She could hear her own heartbeat. Nagtatalo ang isip niya kung tatangapin o hindi ang alok nito. Kagabi ay hindi na siya nag-isip at hinayaang maghari ang bugso ng emosyon niya.
Would she do the same now?

5. PHR 3159 Ultimate Catch by Maria Flora Celine



Hindi inaasahan ni Abby na makikita niya si Lucas sa pagtitipon ng kanilang barkada. Nine years ago, they fell in love. Pero masyado niyang nasaktan ito at batid niyang hanggang ngayon ay hindi pa siya napapatawad nito. Kaya nagulat siya nang batiin at ngitian siya nito.
Hindi niya inakala na ang muling pagkikita nila ay magbabalik ng mga alaala ng nakaraan. At may isa pa siyang na-realize: In all her other relationships after Lucas, kaya pala hindi nagtatagal ang mga iyon dahil hinahanap niya sa mga ito si Lucas. Dahil after nine years, ito pa rin ang laman ng puso niya.
Kung sana ay makahanap siya ng pagkakataon na ituwid ang kamalian niya noon…

6. PHR 3160 Paradaisu Kiss (Paradise Kiss) by Sheena Rose



Nagpunta sa malayong lugar ang mga magulang ni Marjo kaya nakitira muna siya sa bahay ni Rumer. Anak ito ng isang family friend nila. Unang araw pa lamang niya roon ay hindi na maganda ang nangyari pagkatapos niyang mapakialaman ang ilan sa mahahalagang gamit nito. Naghiwalay sila na magkaaway.
Hanggang sa ikapahamak niya ang pagsunud-sunod niya sa Japanese na prospect niyang gawing boyfriend. Stranded siya sa isang remote island. Hindi niya alam kung ikatutuwa niya ang nalaman na stranded din doon si Rumer. Tinatakot kasi siya nito na may mga multo sa isla na iyon at wala naman siyang ibang makapitan pagsapit ng gabi maliban dito.
Pero teka lang, hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit siya tinatakot nito?

7. PHR 3161 The Past by Bernadette Licarte



Maraming nagbago sa buhay ni Crystal mula nang maghirap sila. At tuwing nahihirapan siya, hindi niya maiwasang balikan ang maalwang buhay nila noon—pati na si Jake. Si Jake na sinaktan at nilait niya dahil mahirap ito at mayaman siya. Now that she had already learned the virtue of humility, she couldn’t help but think about the “what ifs” if she hadn’t been so proud then and admited to herself she was attracted to him. If only she would see him again…
Tila dininig ng tadhana ang hiling niya dahil isang araw ay muling nagkrus ang mga landas nila. Pero mukhang hindi nilubos ng tadhana ang kabaitan sa kanya, dahil ang nagbalik na Jake ay suplado at tila hindi na in love sa kanya…

8. PHR 3162 You Are My Sunshine by Camilla



Nakilala at naging kaibigan ni Sunshine si Arnel noong panahong parehong sawi ang kanilang mga puso. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting umusbong ang pagtatangi niya para sa binata. Ngunit kung kailan naman nakakakita na siya ng pag-asang matawid na ang boundary ng friendship nila into something more, saka naman nagsisulpot muli sa buhay nila ang mga taong minsan nilang minahal.
Paano kung tama ang nasagap niyang balita na nakikipagmabutihan na uli si Arnel sa ex-girlfriend nito; may lalaki pa bang darating na tulad nito para damayan siya gaya ng nakasanayan niya?

9. PHR 3163 Douglas Sebastian by Vanessa



Martina thought her life was perfect, being married to the best husband in the world. Ang lahat ng gusto niya ay ibinibigay nito sa kanya. They were the perfect couple. Isa lamang ang ikinakabagabag niya sa relasyon niya kay Douglas: may mga lihim siyang hindi nito alam na baka kapag nalaman nito ay mabago ang pagtingin nito sa kanya.
Pilit niyang kinalimutan ang pag-aalala sa isiping walang makapagpababalik ng mga multo ng nakalipas. But she was wrong. Her past came back and haunted her...

10. PHR 3164 Saan Patungo Ang Kahapon? by Amanda



Isang architect at senior partner si Emma sa isang firm na itinayo niya at ng isang kaibigan. Pinagbigyan niya ang dinner invitation ng isa nilang kliyente dahil ipakikilala raw nito sa kanya ang kaibigan na magpapatayo ng bahay.
Abala siya sa pagtingin sa menu na restaurant kaya namalayan na lang niyang nakatayo sa tabi niya ang isang lalaking nakasuot ng leather boots; nakapailalim doon ang laylayan ng isang faded jeans. Awtomatikong nag-angat siya ng mukha at nagulat siya nang makita niyang si Vergel ang nagmamay-ari niyon.
Disenteng-disente ito sa suot na puting long-sleeved shirt. Bahagyang nakabukas ang butones sa tapat ng dibdib nito, exposing a bit of his hairy chest. Ang buhok nitong hanggang balikat ay nasa ayos. In a flash ay parang nakita niya ang younger version ng bidang actor na gumanap sa papel ni Wolverine!
Ngumiti si Vergel sabay sabi ng hello. It was a knowing smile.
Maang na napatitig siya rito. Parang sineng nagbalik sa alaala niya ang nakaraan…

11. Stallion Island Series 3: Yzaak Argoncillo by Sofia



Ballet was Rayanne Nolliedo’s life. Pangarap niyang maging isang magaling na ballerina. But she had another dream--Yzaak Argoncillo, sleeping dragon prince. He was the only man who could make her knees weak. At ang halik lang nito ang muling nagpatibok sa kanyang puso.
Just when she put her heart in his hands, he crushed it mercilessly. Naniniwala itong siya ang pumatay sa kapatid nito at kaibigan niyang si Sylvette...
Back to top Go down
 
August 26, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pegaso August Releases 2009
» Gerard Butler Covers 'Esquire' August 2009
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Team Tournament @ Thompson on 26th August (New Banlist)

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: