HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 18, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 18, 2009 Book Release   Tue Aug 18, 2009 3:40 am

1. PHR 3147 Miss Gorgeous Meets Mr. Irristible by Dawn Igloria



Bitin na bitin si Psalm kay Craig. Matagal siyang naghintay na ligawan siya nito. Nag-break na sila ng kanyang ex-boyfriend ay wala pa ring move na ginagawa ito para ligawan siya. Madalas man na mahuli niya itong nakatingin sa kanya, para lang siyang naghihintay sa patak ng ulan sa disyerto.
Numinipis na talaga ang self-confidence niya. Dahil kahit sinasabi ng marami na maganda siya, sa paningin ni Craig ay para lang siyang bulaklak ng gumamelang pinagsamantalahan ng maraming caterpillar.
Isang araw ay nilapitan siya nito.
“Ngayong wala na kayo ni Arthur, wala akong nakikitang masama kung tuluyan ka nang magkakagusto sa akin…”
Kahit nagbibiro lang ito ay hindi niya maikakaila na kinilig siya kahit paano. Nagpapahaging na yata ito sa kanya. Pinatulan niya ang mga pagpapahaging nito. Ang akala niya ay MU na sila. Pero isang araw ay itinapon na lang siya nito na parang basahan.
“Hindi talaga kita gusto,” nakangisi pang sabi nito. “Pinaibig lang kita para makaganti ako kay Arthur.”

2. PHR 3148 Miss President's Prince Charming by Maan Beltran



Si Jannah Montelibano ay isang successful businesswoman, independent at matapang. Wala sa bokabularyo niya ang mga salitang “kasal” at “lalaki.”
Ngunit nang makita niya ang bagong silang na anak ng kanyang best friend ay bigla siyang nainggit. Gusto na rin niyang magka-baby—minus marriage. Gusto lamang niya ng lalaking magbibigay sa kanya ng anak pero kapag nakabuo na sila ay tapos na rin ang papel nito sa kanyang buhay.
Si Russell Torres ang napili niyang maging daddy ng kanyang baby. Akmang-akma kasi ang mga katangian nito na hinahanap niya para sa magiging ama ng kanyang anak—guwapo at kilalang basketball player pero happy-go-lucky at takot sa responsibilidad at commitment.
Pero bago nila maisagawa ang binabalak ay kailangan muna nilang maging komportable sa isa’t isa. In short, kailangan nilang mag-date—palagi.
“Gusto mo lang yatang maka-date ako, eh,” buong kaarogantehang bintang nito sa kanya.

3. PHR 3149 Sidonie's Perfect Match by Camilla



Naghahabol na sa huling biyahe si Sidonie. Pati ang mga tao sa paligid niya ay ipinaparamdam sa kanya ang pagiging matandang dalaga niya. Kung sinu-sino na ang inireto sa kanya ng mga kaibigan at nanay niya. Pinatulan niya ang lahat ng ipina-date sa kanya, without encouraging results.
Pero diyata’t totoo nga. Sa dami ng imina-match sa kanya, mayroong isang uubra.
Her perfect match.

4. PHR 3150 The Italian's Virgin Bride by Trish Morey (translated by Mia Sandoval)



Hindi lingid sa kaalaman ni Opal ang pagiging playboy ng milyonaryong si Domenic Silva. Hindi na siya nagtataka sa mga nakakarating na balita sa kanya na hindi ito nawawalan ng babae. Nang sadyain nga niya ito dahil sa isang mahalagang pabor ay hindi siya nakaligtas sa pambobola nito.
“Maybe there’s a chance I will accept your conditions,” wika nito.
“You will?” Nagulat siya sa mabilis na pagsang-ayon nito sa proposal niya.
“Simple lang ang kondisyon ko. Isang bagay lang ang kailangan mong gawin.”
“At a-ano naman `yon?” kinakabahang tanong nito.
Tinitigan siya nito sa mga mata. “Marry me, Opal Montecillo. Mag-i-invest ako sa mga hotel mo, in the terms you have specified, kung papayag ka na maging asawa ko.”

5. PHR 3151 Hope's Fate by Victoria Amor



Ilang araw nang binabagabag si Hope ng isang panaginip. Alam niyang may malaking kaugnayan iyon sa kanya kaya gumawa siya ng paraan upang hanapan ng kasagutan ang misteryong nakabalot sa panaginip na iyon.
Natagpuan niya ang sarili sa isang tagong isla. It was the same island in her dream.
Hindi naging madali ang paghahanap niya ng kasagutan. Minsan ay nadadaig siya ng takot. At sa mga oras ng kahinaan niya, naging karamay niya ang guwapong si Franco El Lejano, isang dayo rin sa isla.
Natagpuan niya ang sariling nahuhulog ang loob dito. Pero alam niyang kapag natapos na ang sadya niya sa isla, maghihiwalay na rin sila ng landas.
Would she let him get away?

6. PHR 3152 Zaira's Story by Camilla



Tutol si Zaira na tanggapin si Jom Vargas bilang store manager ng fast food na pinagsososyohan nila ng pinsan niya. Masyadong guwapo ito. Magiging distraction lang ito. Magkakagulo ang mga babaeng crew nila.
Napatunayan niyang tama siya, dahil kahit siya mismo ay nagulo kay Jom!
Ang kaso, dead-ma ang beauty niya sa supladong binata. Until she saw her chance to be close to him. Pinakiusapan siya nitong magpanggap siya bilang girlfriend nito. He even stayed in her condo unit.
She would take advantage of it. Hopefully, Jom would see her as a woman, and not as his boss.

7. PHR 3153 The Congressman Takes A Wife by Bernadette Licarte



Bilang dedicated na publicist, ang numero unong rule ni Joana sa buhay ay: To be successful, and to never mix business with pleasure. Pero ang bago niyang kliyente, ang charming ladies’ man na si Cogressman Henry Perez, ay tila sinusubukan ang prinsipyo niyang iyon. Dahil sino nga ba ang makakatanggi sa taglay nitong kaguwapuhan? Ngiti pa lang nito, dumadagundong na ang kanyang puso.

8. PHR 3154 Si Wanda Kontrabida by Camilla



Aminado si Wanda na kontrabida siya sa buhay ng kapatid na si Teresa. Hinadlangan niya ang pakikipagmabutihan nito kay Eugene. She even went to the extent of conniving with Eugene’s wicked mother to stop their wedding. Pero nabago ang lahat nang makilala niya si Keino, ang guwapong kapatid ng best friend ni Teresa. Tila may magic ang lalaki na nagpalaho sa mga angst niya sa buhay.
Pero kung kailan in love na si Wanda rito, saka naman niya na-realize na nakipaglapit lang ito sa kanya dahil gusto nitong protektahan si Teresa sa maitim na plano niya.
Keino was Teresa’s savior. But who would save her heart from breaking?

9. Stallion Island Series 2: Jayson Alden Arcena by Sofia



Kung isang fairy tale para sa karamihan sa mga kababaihan sa Pilipinas na makadaupang-palad ang isang miyembro ng Stallion Island na katulad ni Jayson Alden Arcena, isa naman iyong bangungot para kay Imhan.
Maraming pagkakataon sa buhay niya ang nasisira dahil sa pakikialam nito at pagiging sipsip sa mga magulang niya. At ang nakakainis pa, isang ngiti lang ni Jayson sa kanya, parang Jell-O na sa lambot ang mga tuhod niya.
Hanggang dumating ang oras na kinakailangan niya ang tulong ni Jayson. Isang kasunduan ang kailangan niyang tuparin. And she knew that it could put her heart on the line…

10. Bud Brothers Unlimited Series 2: Ponce D' Pogi And D' Promdi by Rose Tan



In love ako sa isang probinsiyana...
Iyon ang bukambibig ni Ponce mula nang masilayan niya si Tarcila. Ang kaso, hindi siya marunong manligaw. Pero marunong ang tadhana. Binigyan nito ng amnesia ang dalaga...
“Kung talagang may relasyon tayo, bakit ayaw mo akong halikan at tabihan sa pagtulog?” tanong ni Tarcila sa kanya pagkatapos niyang mapaniwala ito na nagmamahalan sila.
“Hindi puwede. Mahinhin ka, mayumi. Nakalimutan mo lang,” sagot niya.
Back to top Go down
 
August 18, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pegaso August Releases 2009
» Gerard Butler Covers 'Esquire' August 2009
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Team Tournament @ Thompson on 26th August (New Banlist)

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: